Amy's POV
"Hoy slave!"
Napadilat ako ng may maramdaman akong tumama sa akin.
"T-teka umaga na pala?" Sabi ko at napahawak sa ulo dahil parang nahihilo ako.
"Of course! Masyado 'yatang napasarap ang tulog mo diyan sa sofa at nakalimutan mong gumising ng maaga para magluto?" Sabi ni pangit at tinaasan ako ng kilay.
Hays mukhang galit pa rin siya sa'kin, pero dahil pa rin ba 'yun sa nangyari noong nakaraang gabi?
"S-sige susunod na lang ako sa kusina." Sabi ko.
Mabuti na lang ay umalis na siya kaya nakapagunat-unat pa ako. Baka kasi pagalitan niya pa ako kapag nakita niya akong naguunat dahil sa sakit ng katawan matapos mahiga sa sofa.
Inayos ko muna ang pinaghigaan ko bago ako sumunod sa kaniya. Hays nakatulog na pala ako dito sa sofa kagabi, ni hindi ko man lang napansin dahil sa sobrang pagod.
"Bakit ang tagal mo?" Bungad na tanong sa'kin ni pangit ng makarating ako sa kusina.
"Sorry inayos ko pa kasi 'yung sala." Sabi ko at nagluto na.
Maya-maya lang ay natapos na akong magluto at hinanda ko na sa mesa ang mga pagkain. Uupo na rin sana ako pero bigla kong naalala na galit pala siya sa akin.
"S-sige alis na 'ko kumain ka lang diyan."
Hindi ko na siya hinayaan na magsalita at pumunta na ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatan na makisabay sa kaniya sa lahat ng oras.
Naligo na ako at naghanda na para pumasok. Tinagalan ko pa ng unti dahil iniiwasan ko ngang makasabay si pangit. Mabuti na lang at hindi ko na rin siya naabutan sa labas, ang sabi ni yaya Perla ay nauna na raw.
Naglakad na lang ako paglabas ng village at nag- commute. Pinagpapawisan pa nga ako kahit malamig dahil siguro hindi na 'ko sanay. Pagkarating ko naman sa school ay saktong nakita ko sila Jeff at ang kambal.
"Hello Amy!" Bati ni Nel sa akin.
Tumango naman sa akin si Len at ngumiti ng matamlay samantalang si Jeff naman ay inakbayan ako. Hinawakan niya pa ang noo ko at parang napaso ng tanggalin niya agad.
"Bakit mainit ka?"
Kunot-noong hinawakan ko naman ang noo ko at tama siya, medyo mainit nga.
"W-wala 'to. Kakagaling ko lang kasing nag-commute 'di ba? Syempre mainit sa byahe."
"Bakit kasi hindi mo kasama si Xian? Hindi mo pa ba nasabi sa kaniya?" Pasimpleng bulong niya para hindi marinig nung dalawa.
Umiling naman ako at ngumiti na lang. Ayoko munang pag-usapan 'yun ngayon dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako kapag naiisip kong may nararamdaman nga ako sa kaniya pero siya mukhang wala na.
"Ahm mauna na kayo. Naalala ko kasing may kailangan pa pala akong i-submit ngayon sa admin." Pagdadahilan ko para makaiwas sa mga tanong nila at tinginan ng mga tao.
Kanina ko pa kasi napapansin ang mga mata nila na nakatingin sa amin, lalong lalo na sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang maisip 'yung mga nangyari noon, parang nauulit mula sa umpisa.
"Pwede ka naman naming samahan." Sabi ni Jeff at nag-aalalang tiningnan ako.
Umiling naman ako at pinilit na kaya ko na. Wala na rin naman silang nagawa kaya pinagmasdan ko muna silang mauna bago ako pumunta sa kabilang way para magmukhang may isusumite talaga ako sa admin.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...