CHAPTER 9

2.1K 46 0
                                    


Xian's POV

"I really hate that girl!"

Andito na ako ngayon sa kings room kasama ang mga kaibigan ko para magpalamig matapos ang nangyari kanina. Andito kaming lahat except kay Jeff na maghahanap pa daw ng chicks niya.

Nasa sala kami at naikwento ko na rin sa kanila ang nakakaasar na nangyari kanina pero dahil nga mga mababait at totoo silang kaibigan ay tinawanan pa ako ng mga loko at inasar.

"Hahaha bro bago yan ah. Akala ko ba love mo ang mga girls?" Pang-asar ni Nel sa'kin.

"Tss maliban doon sa nakakaasar na babaeng iyon." Nakasimangot kong sabi sa kaniya at pinang-gigilan ang unan na hawak ko.

"Hahaha bro easy baka masira mo 'yang unan sa sobrang pang-gigigil mo." Sabi naman ni Len habang kumakain.

Binato ko sa kaniya iyong unan na hawak ko at tiningnan ko rin siya ng masama. Pero ang loko mas sinamaan ako ng tingin habang ngumunguya ng pagkain niya.

"Eh kung iyang mukha mo kaya ang sirain ko para mas maganda? Hindi iyong kain ka ng kain diyan! Ubos na naman ang stock sa ref!"

"Amp ako na naman ang pinag-buntungan mo ng galit mo. Daddy Dan oh away niya ako." Naka-pout niyang sabi at tumingin kay Dan na busy sa cellphone niya. Pinag-kunutan lang siya nito ng noo at bumalik ulit sa ginagawa niya."Ano ba yan!Lagi na lang ako ang kawawa dito."

Kumain na lang ulit ito at nag-cellphone rin saka lumayo sa amin. Itong lalaking ito lamon ng lamon eh! Parang bata!

"Haha kawawa naman ang kambal ko." sabi ni Nel sa kapatid niya pero tumatawa.

Inis naman siyang tinignan ni Len na mas lalong nagpalakas ng tawa niya.

"Can you please shut up? Ang iingay niyo!" Obviously si Dan the beastmode ang nag-saway sa amin.

Tinignan ko kung anong ginagawa niya sa cellphone niya. Nakita kong nag fe-facebook siya at nasa timeline ng isang babae.

"Bro siya yan diba? Inii-stalk mo pa rin ba?" Tanong ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako at hindi sinagot. Mabilis niyang pinatay ang cellphone niya at sinuot na lang ang headset niya ng nakapikit upang makinig ng music at makaiwas sa tanong ko.

Sa ilang taon namin bilang magkaibigan ay kilalang-kilala ko na siya. Tulad ng sabi ko noon, since birth ay magkasama na kami kaya alam ko na lahat. Ang ibig sabihin ng mga kinikilos niya at alam ko ang epekto ng babaeng inii-stalk niya. Alam ko kung gaano niya ito ka-mahal kaya sobra rin itong nasaktan nang may malaman siya. Hindi man niya ito iniyakan ng sobra para bumalik sa kaniya pero alam kong mahal na mahal niya ito at masakit sa kaniyang makita ulit ang babaeng minahal niya kahit sa litrato lang.

Nakita ko sa timeline noong babae ang picture kung saan ay may kasama itong lalaki at karga niya ang isang nakangiting bata na sa tantya ko ay nasa dalawang taong gulang pa lang. Mukhang masayang pamilya ito kung titignan pero alam kong may isang taong nasasaktan nang makita ito. Now I know kung bakit siya nainis at hindi ito dahil sa'min, kundi dahil sa picture na iyon na alam kong masakit para sa kaniyang makita pa.

"Okay guys let's just keep quiet." Sabi ko sa dalawa.

Naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin kaya pumunta na lang kami ng kusina para hindi na maabala pa si Dan pero bago kami tuluyang umalis ay nakita ko ang munting pagpatak ng luha sa mata niya.

"I feel sad for Dan kasi hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakalimot." Sabi ni Nel at kumuha ng bottled water at ininom ito hanggang sa maubos.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon