Amy's POV"I'm sorry." Sabi ng daddy ni pangit sa akin.
Andito kami ngayon sa sala ng masyon nila at nag-uusap.
"I'm sorry kasi nakita mo pa 'yung misunderstanding naming mag-ama." Sabi nito at napahawak sa sintido niya.
"Ahm ayos lang po 'yun...pero ayos lang po ba kayo?" Tanong ko dahil mukhang pagod siya at nahihilo.
"I'm okay iha. By the way girlfriend ka ba niya?" Tanong niya at hindi naman ako nakapagsalita agad dahil sa pagkabigla.
"Ahh sir...kasi ano...H-hindi niya po ako girlfriend dahil slave at tutor niya lang po ako."
"Haha ganun ba? Eh maayos naman ba ang pakikitungo niya sa'yo?"
"Maayos naman po." Nahihiya kong sabi at napahawak sa batok.
"Mabuti ka pa iha." Sabi niya at ramdam ko ang pait sa pagsasalita niya."Pwede ba 'kong magkwento sa'yo?"
Tumango naman ako kaya napangiti siya bago huminga ng malalim.
"12 years ago, buo pa ang pamilya namin. We're happy and contented with each other." Nakangiting sabi niya at mukhang inaalala ang mga panahong iyon."But one day pumunta si Kate, my wife, sa office ko and nakita niya kami ng secretary ko na magkapatong sa floor."
Napatakip naman ako ng bibig ko dahil sa gulat. Sino ba naman kasing babae ang gugustuhing makita ang asawa niya na may kapatong 'di ba?
"Mukhang nagulat ka rin but hindi naman 'yun tulad ng iniisip mo. Accidentally na nadulas 'yung secretary ko and sasaluhin ko sana siya pero kahit ako ay nasama." Pagpapaliwanag niya at bigla kong naalala 'yung nangyari sa amin noong pinaglinis ako ni pangit sa dirty kitchen nila. Katulad lang din sa kanila na nadulas."I tried to explain everything to her but she didn't want to hear my side. I've decided na bigyan siya ng space kasi ayokong sabayan 'yung magulo niyang isip that time and I understand her kasi alam kong nasaktan siya sa nakita niya. "
Nag-iba bigla ang expression niya at parang maluluha na.
"But one day, nagulat na lang ako ng makita ko siyang dala-dala 'yung bag niya. She said na hindi niya na kaya. I beg her to stay and hear me out pero tinuloy niya na talaga ang pag-alis niya, leaving me and her son broken."
Nanahimik lang ako at pinakinggan siya. Medyo naiintindihan ko na 'yung mga pangyayari pero nagtataka ako kung bakit ganun kalaki ang galit ni pangit sa daddy niya kung wala naman pala talaga itong kasalanan?
"Bata pa lang si Xian that time and I don't know how to say na iniwan na kami ng mommy niya dahil lang sa nangyari. Feel ko kasalanan ko lahat kaya nagmukmok ako. I felt weak and wasted na kahit anak ko ay hindi ko na napagtuunan ng pansin... After so many years ay nagpakabusy na lang ako sa trabaho para madivert doon 'yung attention ko. I didn't know na napapabayaan ko na pala 'yung samahan namin ng anak ko kasi naisip ko noon na basta maibigay ko sa kaniya 'yung wants niya ay ayos na but I'm wrong, I didn't think na may needs siya. He needs me but I'm not there for him every time na may problema siya."
"And now, ito na yata 'yung ganti sa'kin ng tadhana. My only son hates me a lot and he can't even treat me as a father. I know that it's my fault kasi ang alam niya kasalanan ko kung bakit kami iniwan but I already regret what I've done before and gusto kong sabihin sa kaniya ngayon 'yung totoong nangyari. Pero paano ko nga ba gagawin 'yun kung ayaw niya makinig sa'kin?"
Napabuntong hininga naman siya at tumingin sa ceiling.
"But no matter what happen. I will wait for him to be ready and if that day will come, I'll surely do my best para makabawi sa kaniya."
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...