CHAPTER 58

1K 31 0
                                    


Amy's POV

"Good morning!" Bati ko kay pangit pagkakita ko sa kaniya dito sa may pinto.

Kanina pa ako nandito sa mansyon nila at hindi ako pumasok kahit na pinilit ako ni yaya Perla. Gusto ko kasing i-surprise siya at mukhang nagawa ko naman dahil gulat na gulat ang ekspresyon niya ng makita ako.

"W-what are you doing here?" Nagtatakang tanong niya at lumabas na.

"Sinusundo ka. Hindi ba't nililigawan kita?" Ngiting-ngiti na sabi ko.

Oo, seryoso ako sa sinabi ko kahapon. Liligawan ko siya kahit na ako ang babae. Nahihirapan kasi akong makita na ang layo niya sa akin, kaya ngayon ay ako na ang gagawa ng paraan para mapalapit ulit sa kaniya.

"S-seryoso ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya tumango-tango ako. Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin pero maya-maya ay tinitigan ako ng seryoso. "No. Hindi ako nagpapaligaw."

Gulat ko siyang tiningnan at seryoso talaga siya. Hindi ko tuloy maiwasang tumawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Grabe, nagkabaliktad na 'yata talaga ang mundo namin. Ako ang nanliligaw at siya naman ang hindi daw nagpapaligaw. Ano 'to, ako ang lalaki at siya ang babae?

"Tss why are you laughing?" Inis na tanong niya kaya huminahon na 'ko. Mukhang inis talaga eh.

"Pffft wala."

Inis naman siyang iniwan ako at nagpunta siya ng garage. Sumunod naman ako at nilabas niya ang isa niyang sasakyan.

"Hoy andito pa 'ko!" Sigaw ko sa kaniya at tumakbo ng paandarin niya palabas ng gate nila ang sasakyan.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpapaandar ng kotse at mukhang wala na siyang balak na huminto pa.

Tumigil na lang din ako sa pagtakbo at napahawak sa dibdib ko. Hinihingal na kasi ako kaya napaupo na lang ako sa gitna ng kalsada.

"Ang sama-sama mo, pangit!" Sigaw ko at pumikit dahil parang naubusan talaga ako ng hininga.

"Manliligaw na sumusuko agad? Tss  Busted lalo pa't tinawag mo na naman akong pangit."

Napadilat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. Nakita ko naman siyang nakatayo at nakapamulsang nakatingin sa akin. Sumimangot ako sa kaniya at inangat ang kamay ko pero tinignan niya lang ito bago talikuran.

Hays nakakaasar siya!

"Thank you ha? Napaka-gentleman mo ." Sarkastiko kong sabi at padabog na tumayo pero ang magaling na lalaking 'to ay iniwan pa talaga ako!

"You're welcome."

Inis na sumunod na lang ako sa kaniya at umupo sa tabi niya pero tinignan niya lang ako at hindi pa pinaandar ang sasakyan.

"Bakit?"

"Bawal kang dumikit sa'kin. Conservative ako kaya pumunta ka sa likod."

Napanganga naman ako at tinignan kung seryoso siya pero ang loko hindi man lang ngumiti at taas kilay pang tinignan ako. Grabe, bakla ba talaga ang isang 'to?

Padabog na lang akong umupo sa likod at sinalpak ang earphone sa tenga ko. Ilang minuto lang ang byahe ay nakarating na rin kami at dahil hindi gentleman ang lalaking 'yun ay iniwan niya na ako at hindi man lang pinagbuksan ng pinto.

Amethyst, sigurado ka bang liligawan mo ang lalaking 'yun na daig pa ang babae kung umasta?

"Hoy saglit lang!" Sigaw ko kay pangit na nakaagaw atensyon ng karamihan sa estudyante.

"Okay na ba sila?"

"Bakit sila magkasama?"

"She's flirting with him, again."

Ilan lang 'yan sa mga bulungan na naririnig ko pero wala na 'kong oras pa na pansinin 'yun dahil ang bilis maglakad ni pangit.

"Hoy pumasok ka!" Sabi ko at hinarangan ang daan niya dahil lalagpas na siya sa harap ng room namin.

"I don't want."

"Papasok ka."

"No." Pagmamatigas niya pero inirapan ko lang.

"Okay. Kung hindi ka papasok, Hindi na lang din ako papasok." Sabi ko at tumalikod na para sana maunang maglakad sa way na pupuntahan niya, pero naramdaman ko ang paghila sa backpack ko.

"Let's go inside." Sabi niya at kinaladkad ako papasok.

Umupo siya sa likod ko at hindi sa tabi ko, pero ayos lang at masaya pa rin ako dahil napilit ko siyang pumasok ulit. Maya-maya lang ay dumating na si Warren, kasunod si sir Domingo na nagulat pa ng makita si pangit. Nagtaka tuloy ako, bakit wala sila Jeff kung kailan andito na ulit si pangit?

"Oh it's good to see you again Mr. Cortez." Sarkastikong sabi nito at nagpatuloy na sa discussion.

Natapos din naman agad ang klase namin kaya lumabas na si pangit. Susunod na sana ako ng bigla akong harangan ni Warren.

"Pwede ba 'kong magpasama sa'yo?"

Napatingin naman ako sa likod niya at wala na 'kong makitang pangit. Bumalik ang tingin ko kay Warren at napatango na lang ako bigla.

Nagpunta kami sa cafeteria at umupo sa isang bakanteng table. Nag-order siya ng pagkain at syempre, nilibre niya ulit ako. Maya-maya lang ay may lumapit sa aming isang lalaki, 'yung lalaking lumapit din sa akin noon ng magpractice sila pangit ng basketball.

"Hi." Bati nito at ngumiti.

"Amethyst, this is Ryan and Ry this is Amethyst." Pagpapakilala ni Warren dito kaya nakipagkamay ako.

"Bakit magkakilala kayo?"

"Mag-kaibigan na talaga kami since elementary. Nalipat lang ako dito sa WA at siya doon sa SIS." Paliwanag ni Ryan kaya tumango-tango ako. "Naniniwala ka na ba sa sinabi ko sa'yo dati? Na hindi lahat ay ayaw Ka dahil may nakakaintindi pa rin sa sitwasyon mo."

Ngumiti na lang ako at nagkwentuhan pa kami. Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Xian na kunot noong nakatingin sa akin.

"Bakit 'di mo 'ko sinundan?"

"Sorry, nagpasama pa kasi si warren sa'kin."

Tinignan niya naman si warren habang nakataas ang isang kilay pero tulad sa study room ay ngumisi lang ulit si Warren.

Pagkatingin ko ulit kay pangit ay nakatingin na siya sa akin. Bigla tuloy akong nailang dahil sa tingin niyang nakakatunaw.

"Come with me." Sabi niya at tumalikod na.

Hindi naman agad ako nakasunod dahil nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto niya akong sumama sa kaniya? Hindi ba't halos ayaw niya 'kong makasama at ako lang ang nagpupumilit?

"What are you waiting for?"

Bumalik siya sa pwesto ko at hindi niya na ako hinayaang makapagsalita pa. Hinila niya na kasi ang kamay ko palayo doon.

*****

Vote.Comment.Share

~Binibining_Mika

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon