Amy's POV"Hey slave wake up!"
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko matapos batuhin ng unan.
"Teka ano bang ginagawa mo?!"
Nakita ko si pangit na nakayakap sa unan at nakaupo sa dulo ng kama.
"Isn't obvious? I'm waking you up."
"Istorbo ka talaga!"
"Aba! Hoy babae kung hindi kita gigisingin ay hindi mo magagawa ang mga trabaho mo ng maaga!"
"Hays bahala ka diyan!"
Tumayo naman siya at naglakad na palapit sa pinto kaya akmang babalik na ako sa pagkakahiga ng mapatigil ako sa sinabi niya.
"Okay. I'll just go to school then. I'm already late."
Agad akong napabangon at napatingin sa wall clock. Agad din akong nanlumo nang makitang late na ako ng halos one hour sa first class ko.
"Bakit hindi mo sinabi agad?!"
"I'm waking you up slave but you're just snoring and drooling while sleeping."
Napatahimik naman ako at hindi makatingin sa kaniya sa hiya.
"H-hoy hindi naman 'no!" Sabi ko matapos pasimpleng tumingin sa salamin na nasa gilid ng kama ko.
"Haha you look uglier!"
"Ang sama mo talaga! For your information mas pangit ka pa sa'kin!"
Napatigil naman siya bigla sa pagtawa at kunot-noong tumingin sa akin. Umiling-iling pa siya habang unti-unting lumalapit sa akin.
"Tss you really don't care if you're violating our contract huh?" Sarkastikong sabi niya at dinuro ako."Remember that I will punish you if you disobey me."
"Tss alam ko. Sorry na!" Nakayukong sabi ko dahil baka magkaroon na naman ako ng offense.
Mahirap na lalo pa't may deperesya kung mag-isip ang lalaking ito at baka kung ano ang parusang gawin niya sa akin.
"Woah himala at nag-sorry ka ngayon kahit hindi sincere? Because of that, I'll forgive you by shouting and not calling me master." Umiiling na sabi niya at biglang nag-seryoso."But in one condition."
"Ano iyon?"
"Let's go on a date." Bulong niya kaya hindi ko masiyadong narinig.
"Huh?"
Nagtataka ko siyang tinignan dahil parang nagulat pa siya sa sinabi niya. Hindi rin siya makatingin sa akin kaya mas lalo akong napapaisip kung anong sinabi niya.
"I m-mean, samahan mo akong gumala!"
"Eh bakit ka sumisigaw?"
"Tss it's none of your business slave, just do what I say!"
"Pero gusto kong humabol sa klase!"
"Tss I'm your master so go now and change your clothes." Sabi niya at tinulak ako papasok sa comfort room.
Hays wala na akong magagawa. Master nga daw kasi siya at isa lang akong hamak na slave niya.
*****
Xian's POV
"Arghh bakit ko nasabi iyon?"
Andito ako ngayon sa room ko at kinakausap ang sarili ko sa salamin. Mukha na nga akong baliw at kanina pa ako hindi mapakali dahil sa nasabi ko kanina.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...