CHAPTER 17

1.7K 47 5
                                    


Amethyst's POV

Natauhan lang ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Dahil tuloy sa gulat ay hindi ko sinasadyang masipa ang something niya sa baba.

"Ouucchhh!"

Napahiyaw siya sa sakit at parang bumalik sa katinuan matapos ang ilang segundong kasalanan o kababalaghang nangyari sa pagitan namin.

Kung maayos lang sana ang sistema ko ay baka pinagtatawanan ko na siya ngayon dahil sa naging reaksyon niya pero hindi ko magawa lalo't hindi ko alam kung anong dapat kong gawin dahil para akong yelo na naninigas dito. Pinagpapawisan kasi ako ng malamig at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Hindi ko siya nagawang patigilin o itulak man lang sa ginawa niya at para akong tuod na nagpaubaya lang. Kasi naman parang may kadenang nakabalot sa bewang ko at nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa akin. Kaya kahit na napakagaan lang ng kamay niyang nakapalibot dito ay pakiramdam ko nakakulong na ako sa kaniya at nagpawala ito ng lakas ko para lumaban pa.

Hays nahirapan din ako huminga pero pakiramdam ko ay nasa langit ako. Basta ang gulo ng nararamdaman ko. Gusto kasing tumutol ng isip ko pero iyong puso ko ay patuloy lang sa pagtibok kaya hindi ko alam kung anong mas tamang gawin lalo pa't first time ko pa lang 'to naranasan.

"Sinabihan na kita kanina na hindi lang hampas ko ang tatama sa'yo pero... ahhh! Nakakaasar ka kaya bagay lang iyan sa'yo manyak!" Sinamaan ko siya ng tingin habang nimimilipit siya sa sakit.

Tinignan ko naman ang cellphone ko na kanina pa tumutunog at nakitang may tumatawag na number.

"Hello sino po ito?" Mahinahon kong sabi habang galit na nakatingin sa manyak na lalaki dito.

"Amethyst!" Narinig kong sabi sa kabilang linya.

Teka bakit alam niya ang pangalan ko at bakit parang may kaboses siya?

"Paano niyo po---"

"Shit!" Galit na pagdaing ng lalaking kasama ko.

Tinignan ko naman siya lalo ng masama at inambahan ng pagsipa ulit sa baba niya kaya tumahimik siya bigla at lumayo sa akin.

"Teka sino 'yang kasama mo anak?" takang tanong ng nasa kabilang linya.

"T-teka tay ikaw ba 'to?"

"Oo ako nga ito...sino nga palang kasama mo diyan anak?"

"Ah wala po. May unggoy lang po dito." Pagdadahilan ko.

Sinamaan naman ako ng tingin ng lalaking manyak na 'to at medyo umayos na siya ng tayo matapos ng ginawa ko sa kaniya.

"Bakit nga po pala kayo tumawag tay? Kaninong cellphone ito?" Pag-iiba ko ng usapan bago pa siya magtanong ulit.

"Oo nga pala. Si Princess kasi inatake na naman ng hika niya at nandito kami sa hospital!" Bumalik naman siya bigla sa pagkataranta matapos magtaka sa sinabi ko kanina.

"T-teka, ano pong nangyari sa kaniya?"

"Mamaya ko na ikukwento at pumunta ka na muna dito."

"Sige po tay susunod ako!"

"Oh sige anak mag-ingat ka."

Pinatay ko agad ang linya ng telepono at aalis na sana ako ng may humigit sa'kin.

"And where do you think you're going?" 

"It's none of your business pangit!"

Hinigit ko na lang ang kamay ko at iniwan na siya doon. Agad naman akong humanap ng sasakyan upang dalhin ako sa hospital malapit sa amin. Hinihingal na nakarating ako doon at nakita sila nanay na papasok sa isang room.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon