Amy's POV"Anak, pakitapon naman ng basura sa labas dahil darating na 'yata 'yung truck na mangongolekta!"
"Opo!"
Sabado na ngayon at pagkatapos ng tutorial session namin kahapon ay umuwi na kami. Hindi pa nga ako mapalagay kahapon dahil pakiramdam ko ay nakatingin lang siya sa akin. Hays masyado na talaga akong assuming.
Sinunod ko na lang ang inutos ni nanay dahil paniguradong pagod siya galing sa paglalaba. Bitbit ko ang mabigat na trash bag habang palabas ako ng bahay. Naghanap ako ng basurahan at saktong sa kabilang way lang siya. Tatawid na sana ako habang hirap na hirap bitbitin ang basura ng may humigit sa'kin.
"The heck!" Ani nito at itinulak ako sa gilid.
Nagulat ako ng may isang motorsiklo ang muntik ng makasagasa sa akin. Nang subukan kong lapitan ito ay agad na niyang pinatakbo palayo. Naka-helmet siya at itim na jacket kaya hindi ko namukhaan kung sino 'yun.
"Hoy bumalik ka dito!" Sigaw ni Jeff na siyang humigit sa akin para hindi mahagip ng kung sino mang walang modo kung mag-drive.
"Tama na Jeff. Wala na siya." Sabi ko at kinuha 'yung basura na nabitawan ko.
Muntik na kasi akong matumba sa sahig ng higitin at itulak ako ni jeff. Nabitawan ko pa nga ang trash bag, mabuti na lang at nakatali ito ng maayos kaya hindi nagkalat.
"Pero muntikan ka na kanina at kung hindi kita nahila agad, baka kung ano ng nangyari sa'yo!" Inis niyang sabi at kinuha na sa'kin 'yung basura.
Siya na ang nagtapon nun at pinagilid niya muna ako. Nang makabalik siya ay agad siyang lumapit at tinignan ako.
"Ayos ka lang ba? Wala ka bang gasgas?"
"Haha ano ka ba. Wala akong gasgas dahil dumating agad ang superhero ko. Salamat!"
Huminga naman siya ng malalim at ngumiti na rin. Ginulo niya pa ang buhok ko at inakbayan ako papasok sa bahay.
"I'm just concern about you, clumsy girl." Sabi niya pero tumawa lang ako. "By the way, where's Tita?"
"Bakit?"
"Ipapaalam lang kita."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay." Nagtataka naman akong humiwalay sa kaniya pero ang loko ngiting-ngiti pa 'kong tinulak papunta sa kwarto ko. "Go and change your clothes, I'll talk to Tita and Tito."
Wala na nga akong nagawa at nagbihis na. Pagkalabas ko ay nakita ko sa sala si nanay at tatay na nakikipagtawanan kay Jeff.
"Sige na't umalis na kayo. Siguraduhin mo lang na makakabalik siya bago maggabi ha?" Paalala ni tatay kaya yumakap ako sa kaniya pati na rin kay nanay para magpaalam.
Lumabas na kami ng bahay at nagsimula na kaming maglakad. Malapit lang naman ang mansyon nila sa amin kaya ayos lang. Exercise na rin.
"Oo nga pala, bakit hindi ka pumasok kahapon?"
"May sinundo lang sa airport. Sinama ko na sila Dan at ang kambal kaya hindi rin pumasok."
"Sino naman ang sinundo niyo?"
"Just wait and see."
Tumahimik na lang ako at ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa mansyon nila. Pagpasok namin sa loob ay may nakita akong babae na nakaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...