Amy's POV"Tabs!"
Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin. Akala ko ay si pangit iyon ngunit hindi pala dahil nakita ko ang isang batang lalaki na ngiting-ngiti at handang mangyakap habang papalapit sa kinaroroonan ko.
"Hello! Kamusta?" Tuwang-tuwang sabi ulit ng batang lalaki at nilagpasan ako.
Nagulat pa nga ako ng pagharap ko ay may nakita na akong batang babae. Mukhang magka-edad lang sila ng batang lalaki at matalik silang mag-kaibigan. Napakapamilyar ng mukha nito sa akin at parang may kung ano akong naramdaman ng makita ko siya. May bitbit itong sprinkler at mukhang siya ang nag-aalaga ng mga magagandang halaman dito sa paligid. Hays naalala ko tuloy 'yung secret garden dahil sa ayos ng mga halaman at ang kubo na narito rin. Panigurado kasing ganito rin kaganda doon kung naaayos at naaalagaan lang.
"Why do you look so happy?" Tanong naman ng batang babae at parang hindi narinig ang tinawag sa kaniya nito.
"Hehe masama ba? Syempre kasama na ulit kita kaya masaya ako!" Masayang sabi ng batang lalaki.
Napansin ko naman na natigilan at namula ang pisngi ng batang babae bago siya agad na tumalikod. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil ang cute nilang tingnan.
"Ahmm tabs..."
Teka nga...Tabs? Si pangit lang ang alam kong may utak pero nagbibigay ng ganiyang panawag. Ibig bang sabihin ay may iba pang tao ang nagbibigay nickname na tabs? Grabe naman. Binigyan kami ng magaganda at sariling pangalan tapos mapupunta lang sa word na tabs?
"What did you say?" Nakasimangot na sabi ng batang babae at humarap dito pero kinurot lang siya ng batang lalaki sa pisngi niya.
"Hahaha ang cute-cute mo talaga! Hindi ba't sinabi ko na dating tabs ang gusto kong itawag sa'yo?"
"Pero ayoko! Nagmumukha akong mataba!"
"Hahaha bakit hindi ba? Kaya nga kita tinawag na tabs kasi mataba ka!"
Nakasimangot naman na tumingin ang batang babae sa katawan niya at mas lalong sumimangot ng mapansing mataba nga siya ng kaunti. Naalala ko tuloy ang sarili ko noon sa kaniya. Ganiyan na ganiyan din kasi ako. MEDYO mataba pero cute!
"Hindi naman porke't pinapakain ako ng masasarap ni mommy ay chubby na ako!"
"Hahaha basta tabs ang gusto kong tawag sa'yo and don't worry kahit naman mataba ka ay cute ka pa rin para sa'kin!" Ngiting-ngiting sabi ng batang lalaki at pinisil na naman sa pisngi ang batang babae na walang ibang ginawa kundi ang sumimangot.
"Che basta who you ka sa'kin kapag sexy na ako!"
"Hahaha basta ikaw pa rin ang tabs ko!" Tumatawang sabi niya. "By the way tabs. Bye muna dahil pupuntahan ko pa si yaya sa car."
Tumakbo na ang batang lalaki kaya nagdilig na muna ng halaman ang batang babae. Maya-maya lang ay bumalik ito na nakatago sa likod ang dalawang kamay at may kasamang babae na siyang may bitbit ng basket.
"Iha!"
"Oh hello yaya Perla!" Bati ng batang babae at yumakap dito.
Teka---yaya Perla?
"Hay nako Jenny namiss kita. Ewan ko ba dito kay Xian at ayaw pa 'kong papuntahin dito kanina. Palibhasa ay gusto---"
"Yaya!" Nakasimangot na pagpuputol naman ng batang lalaki na nagngangalang Xian sa yaya niya.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...