CHAPTER 2

3.1K 71 3
                                    


Xian's POV

Dumiretso agad ako sa tambayan namin at iniwan ko na si Dan doon sa babae niya.

Pagkapasok ko sa kings room. Bumungad sa akin si Nel na nagsi-cellphone lang at biglang napatingin sa akin nang buksan ko ang pintuan

"Bro namiss kita!" Biglang tumakbo papalapit sa'kin si Nel at akmang yayakap.

"Hoy para kang bading! Kahapon lang tayo nagkita ah!" Sigaw ko naman sa kaniya habang inaambangan ko siya ng suntok kung ipagpapatuloy niya ang akmang pagyakap sa'kin.

"Amp namiss lang naman kita eh." Naka-ngusong sabi niya. Tss para talagang bakla ito.

"Asan 'yung iba--"

"Bro!!!" Nagulat ako nang may biglang sumigaw sa gilid ko at nakita ko si Len na may bitbit na maraming pagkain at mukhang yayakapin din ako.

"Isa ka pa! Wag kang lalapit sa'kin kung ayaw mong mabato nang unan." sabi ko at itinuro ang throw pillow na nakita ko.

Bigla naman siyang napatigil at ang loko ngumuso pa habang padabog na umupo sa sofa at sumubo ng dala niyang pagkain.

"Hoy kayong dalawa kung 'di ko lang kayo kaibigan baka isipin kong mga bakla kayo!"  Dinuro ko pa silang dalawa na naka-pout at nagtinginan sa isa't-isa.

"Bro naman eh. Masama ba?" Nakangusong tanong pa ni Nel.

Napatingin naman ako kay Len na kunwari'y may inipit na buhok sa likod ng tenga niya. The heck! Nandidiri ako sa dalawang kaibigan kong ito!

"Hoy anong ibig mong sabihing masama? Don't tell me bading talaga kayong dalawa?"

Nagkatinginan na naman silang dalawa at dahan-dahan na lumapit sa'kin. Napamura na lang ako sa aking isipan ng halos wala akong matakbuhan.

"Hoy! Walang ganyanan!"

Patuloy pa rin sila sa paglapit at kapwa may mga nakakakilabot na ngisi sa kanilang mga labi. Dahan-dahan lang ang paglapit nila pero para akong timang na umaatras dahil hindi ako mapakali sa takot na malapitan ng dalawa.

Bigla naman silang huminto ng maramdaman kong pader na ang nasa likod ko. Nag-tinginan muna sila sa isa't-isa bago humagalpak sa kakatawa.

"Wahaha seriously? Do you really think na bading kami?!"

"Damn Bro! Your reaction was priceless! Hahaha!"

Tawa pa rin sila ng tawa kaya sa inis ko ay agad akong lumapit sa may sofa at kumuha ako ng mga throw pillow at pinagbabato ko ang mga ito sa kanila. Bumawi rin naman sila hanggang sa magkaroon na nang pillow fight at magkagulo dito sa sala.

Sila nga pala ang fraternal twins namin. Jenelle Bronzie 'Nel' Perez and Silver Allen 'Len' Perez. Obvious naman sigurong mag-kapatid sila 'di ba kasi kambal? Sila rin ang bunso ng barkada. 17 na rin sila but month of december sila pinanganak. Silang dalawa ang pinaka-makulit at childish sa amin dahil nga sila ang bata pero matinik din sila sa chicks.

"Argh guys pwedeng tumahimik kayo?!" Natigil lang kami sa pagbabatuhan ng unan nang lumabas sa isang kwarto si Jeff at sa likod nito ay may nakasilip na isang babae.

Siya naman si Elie Jefferson Espiritu. Ang pinaka-chickboy sa aming magkakaibigan. As in PINAKA dahil halos sa isang araw iba-iba ang babae niyan.

"Oops sorry home run na ba dapat?" Tanong ko habang tumatawa dahil hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya ngayon.

Para kasi siyang nalugi at mukhang bitin na bitin. Nakakunot ang noo at pulang pula ang mukha habang ginugulo ang buhok sa sobrang inis. Mukhang na rin siyang natatae sa itsura niya ngayon. Hahaha!

"Hell yeah kaso ang iingay niyo! Imbis na ingay namin sa loob ang marinig arghh--- Nakakawalang gana tuloy!" Naiinis na sabi niya at humarap siya doon sa babae. Walang hiya niya naman itong hinalikan sa harap namin at hinaplos haplos niya pa ito."I'm sorry babe. Next time nalang hmmm?"

"Oh sure babe." Malanding sabi ng babae at muli ay naghalikan sila sa harap namin na parang iniingit kami dahil matagal at matunog pa ang ginagawa nila. Nabitin lang eh, naisipan pang gumanti sa pamamagitan ng pang-iingit. Tss gago talaga.

Ilang minuto ang itinagal nila at lumabas na iyong babae. Nang matapos sila ay napangiwi at napailing na lang kaming tatlo sa walang habas nilang paghahalikan sa harap namin.

"Satisfied ka naman na siguro sa kissing session niyo sa harap namin 'no?" Sarkastikong tanong ko at tinapik siya sa balikat niya.

Narinig ko pa siyang nagmura bago ako dumiretso sa kitchen upang kumuha ng maiinom.

"Haha bro bitin na bitin ah!" Narinig ko pang tanong ni Nel.

"Eh kung ibitin kaya kita diyan?!" Sagot naman ng isa.

Tss kawawa naman. Alam na ngang mainit ang ulo eh. Hahaha! Paniguradong nakasimangot na naman ang isang iyon.

Napapailing na pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at nang makarating ako sa kusina ay kumuha na ako ng tubig at sinalin ito sa baso.

Nakakapagtaka ba kung bakit parang bahay 'to? Kaming lima kasi ay SPECIAL varsity player ng WA kaya pinasadya namin itong magkakaibigan para maging pahingahan namin kung may mga basketball practice kami. Syempre para may matambayan kami. Tulad pa ng sabi ko ay family namin ang isa sa may pinaka-malaking share dito sa WA, idagdag pa ang mayayamang pamilya ng mga mokong na 'to kaya napagbigyan ang kahilingan namin.

Ang nakaka-gago lang ay ang pinag-gagawa ng mga kaibigan ko dito sa kings room! Ginawa na nila itong motel dahil dito na rin nila dinadala ang mga babaeng gusto nilang mai-kama. Sila lang ah! Hindi ako kasama dahil MEDYO good boy ako at wala sa isip ko ang magkama ng babaeng hindi ko naman mahal. 

"Asan nga pala si Dan?" Biglang may nagtanong sa likod ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si Len na kumukuha rin ng inumin.

"Iniwan ko siya kanina doon sa babae niya. Buti naman at hindi ka late ngayon." Sabay tawa ko dahil naalala kong hindi ko sinabi sa kaniya kung anong oras kami pupunta.

"Amp pinaalala mo na naman. Nagpakahirap pa 'ko para lang tingnan kung aalis na ba si Nel kanina kasi ayaw niya rin naman sabihin kung anong oras aalis. Buti nalang talaga gwapo ako kaya nasabayan ko siyang umalis ng bahay." Proud niya pang sabi.

Binatukan ko naman siya.

"Ano namang connect nun? At Gwapo? The heck mas gwapo naman ako sayo 'no!"

"Bro naman! Bakit ba hirap na hirap kang tanggapin na mas gwapo ako sa'yo? Katotohanan iyon na hindi mo na mababago!" Nakanguso na naman niyang sabi.

"Kailan ka pa nagsabi ng katotohanan? Isumbong kaya kita kay tita at nang malaman natin kung ilang kasinungalingan na ang nasabi mo para lang mapagtakpan ka sa mga kalokohan mo?"

Mas napasimangot naman siya at kumuha ng mangunguya sa lamesa.

"Walang ganiyanan bro!" Aniya habang walang hiyang nginunguya sa harap ko ang pagkaing kinuha niya.

Napailing na lang ako at tumayo na habang tumatawa. Kahit kailan talaga napakatakaw nito!

"Let's go baka mahuli pa tayo sa class natin!"

Sumunod naman siya sa'kin at pagdating namin sa sala ay nakita naming nandoon na si Dan. Sabay-sabay na kaming lumabas ng kings room para pumunta sa first class namin. Same lang naman ang kinuha naming strand kaya sama-sama pa rin kami.

Habang naglalakad kami ay nagtitinginan na naman ang mga tao sa amin at hindi ko namalayang iniisipin ko na pala kung sino sa mga taong ito ang magiging parte ng buhay namin this school year.

*****

Happy reading!

Vote.Comment.Share

~mikaaa_miks

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon