Xian's POV
Dinilat ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid ko. Andito ako ngayon sa kwarto ko at inalala ko na naman ang nangyari kahapon.
Baka naman hindi talaga siya iyon at umaasa lang ako na makikita ko pa siya ulit.
Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko at nakitang 8 o'clock na. Napabuntong-hininga na lang akong bumangon sa kama at dumiretsyo nang wash room.
Pagkatapos ay pumunta ako ng dining room para sana mag breakfast pero napatigil ako nang may nakita akong kumakain doon at nagbabasa ng newspaper.
"Why are you still here?" Cold kong tanong sa kaniya.
Kadalasan kasi before 7 ay aalis na siya sa bahay para pumunta ng trabaho. Ganun siya ka-workaholic after what happened that day.
"Why son?cAyaw mo bang nandito ako?" Binaba niya ang binabasa niya at tinignan ako.
"It's not like that DAD, I'm just concerned about your works." Prangkang sabi ko at in-emphasize ang word na dad.
"Don't worry about it." He said in a calm tone as if hindi niya napansin yung pagkakasabi ko.
Me and my dad are not that close to each other. Naiinis ako sa kaniya dahil puro trabaho na lang ang inatupag niya. Ngayon nga lang ulit kami nag-sabay sa breakfast.
Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako malayo sa kaniya. Mga tatlong upuan ang pagitan naming dalawa dahil ayokong magkalapit kami. Sinubo ko iyong isang bacon nang bigla siyang magtanong.
"How's your school?" He asked me. Bigla tuloy akong nabilaukan at dali-daling kumuha ng tubig. "Are you okay?"
Nakakagulat lang na nagtatanong siya sa'kin kung kamusta na ba ang pag-aaral ko. Ni hindi nga siya dumadalo tuwing may meetings sa school namin dahil sa sobrang pagiging busy niya.
"It's none of your business."
"Don't talk to me like that Xian." Kalmadong sabi niya pero ramdam mo ang pagkainis dahil sa diin ng pagkakasabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Naramdaman ko naman ang pagtayo niya pero hindi ko pa rin siya tinitignan.
"I need to go to my office now. Mag-aral ka ng mabuti and mag-ingat ka lagi."
Hindi ako nakapagsalita at natigilan lang ako hanggang sa makaalis siya.
Seriously anong nangyayari sa kaniya? First, sumabay siyang mag breakfast. Second, tinatanong niya 'ko kung kamusta na iyong studies ko then the third one, he said na mag-aral ako ng mabuti at mag-ingat palagi?! The heck anong nangyayari?
This is the first time that he became like this after what happened 12 years ago. Nag-iba ang ugali ni dad since the day that my mom left us. Naging workaholic siya at hindi niya na ako nakakamusta kaya nagulat ako nang maging ganon siya kanina.
Napabalik lang ako sa sarili ko nang may marinig akong bumusina sa labas.
"Manang pakibukas naman nang pinto."
Agad akong nagpuntang kwarto at nag-bihis. Pagkabalik ko sa baba ay may naririnig akong maingay. Bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na feel at home lang na naka-upo at nagtatawanan maliban kay Dan na nakapikit at nag sa-soundtrip sa headset niya. Nakita ko din doon si Manang Perla na kinukulit ni Len.
"Manang Perla 'di ba gwapo naman talaga ako? Bakit ayaw nilang maniwala?" Naka-pout na sabi ni Len.
Natawa naman si yaya at napa tingin sa'kin na kakababa lang.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Fiksi RemajaThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...