Amy's POV"Oh tapos na ba kayo?"
Napatingin kami sa pinto ng computer room at nakita ang isang babae na may dalang tray.
"Yes yaya Perla." Sabi ni pangit.
Pangit pa rin ang tawag ko sa kaniya sa isip ko dahil hindi bagay sa kaniya na matawag na master. Mas bagay sa kaniya ang pangit. Palibhasa pangit na talaga siya sa paningin ko at pati suggestions niya ang pangit din. Pero alam mo kung ano ang pinaka-pangit sa kaniya? Aba syempre ang ugali niyang napakayabang at napakasama!
"Pasensya na at mukhang nahuli itong meryenda niyo."
"Ayos lang yaya. Actually, sakto lang ang dating niyo dahil kakatapos lang namin."
Inilapag niya muna sa isang table ang tray at lumapit sa amin.
"Ano ba 'yang ginagawa niyo?"
"Ah wala naman po." Sabi ko at agad na tinaob ang papel kung saan nakasulat ang kontrata namin.
Pasimple kong tinignan si pangit at nakita kong nakangisi siya habang nakatingin sa kontrata namin.
"Yaya ikaw ng bahala sa kaniya. I'll just go to my room."
Hindi niya na hinintay pang makasagot yung yaya niya at umalis na siya.
"Kaibigan ka ba ni Xian?" Pambabasag nito sa katahimikan.
Teka anong sasabihin ko? Slave niya lang naman ako at mukhang hindi rin naman masasabing magkaibigan kami dahil aso't pusa ang turingan namin.
"Ahh eh--"
"O baka girlfriend ka niya?"
Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla kaya natawa siya.
"Haha iha wag kang mahiya dito at masanay ka na lang dahil balita ko ay dito ka na rin titira. Ako nga pala si Perla, yaya ni Xian simula noong bata siya." Sabi niya at nakipagkamay sa akin.
Madali lang kami naging close ni yaya perla dahil ang bait niya sa akin. Kanina pa nga kami nagkukwentuhan kaya hindi agad namin napansin ang oras at maggagabi na.
Hinatid niya na ako sa room na pagtutulugan ko at nagpaalam na pupunta na muna siya sa kusina. Inalok niya pa akong kumain muna pero sabi ko ay busog pa ako dahil sa meryenda kanina.
Pagkapasok ko naman sa loob ng kwarto ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa simple pero magandang pag-kakaayos ng mga gamit sa loob.
Agad akong sumampa sa kamang napakalambot at napatingin sa kisame na parang ulap. Pagkapikit ko naman ay naalala ko ang mga nangyari ngayong araw.
Hays hindi pa rin talaga ako makapaniwalang dito na ako titira at alipin ako ng lalaking iyon.
***
Naramdaman ko ang paggalaw ng malambot na kamang hinihigaan ko pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtulog.
Inunat ko pa ang mga kamay ko at naghanap ng unan para mayakap pero iba yata ang nayayakap ko.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si pangit na nakangising nakatingin sa akin.
"Kyaaahh!!!" Tili ko at itinulak siya sa kama.
"Ouch!" Daing niya ng mahulog siya.
Napatigil naman ako sa pagtili at tinignan siyang dahan-dahan kung tumayo.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Genç KurguThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...