Amy's POVAmethyst, huminahon ka lang at patatagin mo ang loob mo.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa gate ng school. Hindi na sana ako papasok dahil parang wala akong gana pero naisip ko sila nanay, baka magtaka sila dahil hindi naman talaga ako uma-absent kahit may sakit ako. Ayoko ring isipin nila pangit na masyado akong naapektuhan sa nangyari, kahit na totoo naman, kaya pumasok pa rin ako.
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kagabi at hindi ko maitatangging sumama talaga ang loob ko. Naghintay kasi ako sa kaniya pero pagdating ko doon ay ganun lang ang makikita ko? Masakit. Napakasakit para sa'kin.
"Amy girl!!!"
Lumingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin. Nagulat pa ako ng makita ko si Mad na tumatakbo palapit. Tumingin ako sa likod niya at nagdarasal na sana siya lang mag-isa dahil hindi ko pa 'yata kayang humarap sa ibang taong nakasaksi kung gaano ako nasaktan.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong makitang iba. Ibig sabihin mag-isa lang siyang pumunta dito? Pero bakit naman biglaan ang pagbalik niya? Akala ko nasa America siya?
"Oh gosh! I miss you girl!" Sabi nito at mahigpit akong niyakap.
Hindi naman ako nakapalag at yumakap na lang din. Nang makalayo naman siya ay kunot-noo ko siyang tinignan pero ang babaing 'to ay wagas pa kung makangiti.
"Teka, close ba tayo?" Tanong ko kaya sumimangot siya at hinampas ako sa braso.
"How rude! I'm your best enemy kaya close tayo." Sabi niya at inirapan pa ako.
"Tss eh kailan ka pa nakabalik? Andito ka ba para awayin ako ulit?"
"I really hate you! I'm here because I miss this place! Pasalamat ka at hate kita dahil naniniwala talaga ako sa katagang... The more you hate, the more you love." Sabi niya at mas lalong sumimangot pero tumawa lang ako.
Alam ko namang nagbago na siya at ramdam kong nagsisisi talaga siya sa ginawa niya noon. Mukhang naka-move on na rin siya kay---
"Where's my love?"
Binabawi ko na. Hindi pa pala siya nakaka-move on sa pangit na 'yun. Tss sorry na lang Mad dahil may babae na 'yun kaya kung ako sa'yo ay huwag mo na silang guluhin pa dahil sila talaga ang bagay sa isa't-isa, parehas silang pangit.
"Hey! I'm just kidding. Asan ba talaga si ex-love?" Tanong niya at sinundan ako.
Agad kasi akong tumalikod at iniwan siya. Ayoko lang pag-usapan 'yung lalaking 'yun dahil naiinis talaga ako.
"Hey! Can you please stop for a while? I'm pagod na from walking!" Reklamo niya kaya tumigil ako at namewang sa harap niya.
"Tumigil ka na rin dahil wala akong alam kung nasaan siya. Kung gusto mo malaman puntahan mo 'yung babae niya!"
"Babae? You mean may nilalandi siyang iba?" Nagtatakang tanong niya.
Hays mukhang walang alam ang isang 'to sa nangyayari dito. Palibhasa, umalis ng bansa kaya late siya sa mga balita.
"Oo at kung pwede lang ay 'wag na nating pag-usapan pa 'yan."
"Kyaah why? Bakit hindi 'to sinabi sa'kin ni Len?" Tili niya at mas lalong sumimangot.
Pumapadyak pa siya sa sahig na parang bata kaya iniwan ko na lang siya doon at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Where can I find that girl? Maganda ba? Sexy?" Tanong niya pero hindi ko pinansin at naglakad lang ako.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...