Xian's POVToday was saturday, second week of august and this is the second day after kong sabihin kay tabs ang nararamdaman ko.
Until now ay hindi ko pa rin maexplain 'yung kabang naramdaman ko that time dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya, kung lalayo ba siya sa'kin after nun or what.
At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi ko na sa kaniya. Hindi ko kasi talaga inaasahan na mapapaaga ang pag-amin ko sa nararamdaman ko. Dahil na rin siguro sa hindi ko na makayang hindi niya ako pinapansin at isama pang hindi na ako makakapayag na may ibang lalaking lumalapit sa kaniya.
"Xian?"
Napatigil ako sa pag-iisip at napabangon sa kama ng marinig ko ang pagtawag ni yaya Perla sa akin sa labas ng kwarto.
"Yes ya?" Nakangiting tanong ko agad pagkabukas ko ng pintuan.
"May mga bisita ka iho." Sabi naman niya kaya nagtaka ako.
"Sino naman po sila?"
"Basta pumunta ka na lang sa baba dahil nandun sila. Paalam na muna dahil may pinapaasikaso sa akin ang daddy mo." Sabi niya at iniwan ako.
Nag-ayos muna ako before I decided na magpunta sa baba. Naabutan ko naman sa living room ang mga kaibigan ko na may kaniya-kaniyang mundo.
"Bakit ang tagal mo?" Reklamo ni Nel at sumimangot.
Binato ko naman siya ng unan ng maupo ako sa tabi ni Dan na busy sa pagcecellphone.
"Aba sino ba kasing nagsabi na pumunta kayo dito?"
"Aissh pasalamat ka pa nga at binisita ka namin." Sabi niya at humalukipkip." By the way, pumunta lang naman kami dito para sana makapagbondig tayo ulit. You know, this past few months kasi ay naging busy tayo, idagdag mo pa 'yung about kay..."
Napatingin naman ako kay Jeff na tumingin din sa akin. Napailing na lang ako dahil naintindihan ko ang ibig sabihin ni Nel. It's about tabs na nililigawan naming dalawa ni Jeff.
"Okay let's just play basketball para naman makapagsanay tayo ng magkakasama tulad dati. What do you think guys?" Suggestion naman ni Len para mabreak ang silence na namumuo sa paligid namin.
Sumang-ayon naman ang lahat kaya tumayo na kami. Aakyat pa sana ako para magpaalam kay tabs pero napatigil din ng makita ko siyang nasa hagdan.
"Uhmm hi?"
"What are you doing here, Amy?" Nagtatakang tanong ni Len.
Napalingon ako sa kanila at mukhang ang kambal na lang ang hindi nakakaalam na dito nakatira si tabs.
***
"I-shoot mo na!" Inis na sigaw ni tabs sa akin dahil ako ang may hawak ng bola.
Andito na kami ngayon sa court ng village para magbasketball tulad ng napag-usapan namin kanina. Kasama namin si tabs at nakaupo siya sa isang bench katabi ni Dan na walang balak maglaro.
Inexplain na namin sa kambal kung bakit nasa bahay si tabs at alam na rin nila 'yung tungkol sa contract namin.
"Just chill!" Sabi ko at nag-cross over para takasan ang kambal na nakaharang sa akin."Three points." Ngiting-ngiting sabi ko ng mai-shoot ko na.
Nakangiting lumingon ako kay tabs at kumindat pa pero sinimangutan lang ako. Napagpasyahan ko tuloy na lumapit sa kaniya kaya nagpaalam muna ako kila Len na magpapahinga ako saglit.
![](https://img.wattpad.com/cover/162618198-288-k412688.jpg)
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...