CHAPTER 15

1.7K 48 0
                                    


Xian's POV

"Po?" Tanong ni scholar dahil siguro sa pagkagulat.

"I said, can you please tutor Xian for a mean time until he pass all of his subjects?"

"Lolo are you really out of your mind? You know that I hate that girl then you're still going to choose her to be my tutor?!" Apila ko ng maisip mabuti ang sinabi niya.

"Zip your bad mouth young man. That's also the reason why she's the one that I chose. I want the both of you to be in good terms."

Tss nakaka-asar naman bakit kasi kailangan ko pang magkaroon ng tutor! Sa dinami-daming tao nga naman bakit ito pang babaing ito!

"Ahm sir sorry pero pwede ko muna po bang pag-isipang mabuti?"

"Okay but I hope it's a yes." Naka-ngiting sabi niya kay scholar.

The heck! Never pa ngumiti sa'kin ng ganyan si lolo pero siya arghh... Ano ba talagang meron sa babaeng ito?

"Tss" Dahil sa inis ko ay agad akong tumayo at lumabas na nang office niya. Hindi na ako nagpaalam pa at dumiretso na lang ako sa bahay.

Pagdating ko naman doon ay napahinto ako sa may pinto nang naabutan ko si dad na nasa sala.

"Chan why are you here?"

"Don't call me Chan please. I should be the one asking you why are you here. I thought you're in a bussiness trip?" Walang ganang tanong ko.

He gave me a deep sigh before he answered me. "I'm just here because I left some important papers in my office."

"Papers, papers, papers. Ano pa nga bang ipagtataka ko? Eh iyan lang naman ang pinaka-importante sa'yo." Sabi ko at agad ng pumunta sa kwarto dahil mas naiinis lang akong isipin na mas importante pa iyon kaysa sa sarili niyang anak.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad na akong humiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayon kahit hindi pa nangangalahati ang buong araw. Bigla ko tuloy ulit naisip iyong mga nangyari kanina.

Una, noong sinampal ako ng babaeng iyon. Pangalawa, nakita ako ni lolo at pinagbasa ng libro bilang punishment ko. Pangatlo, biglang pumunta ng office si scholar kasama ang dalawang babae na hindi ko alam kung anong nangyari. Pang-apat, nalaman ni lolo iyong ginawa ko kahapon. Pang-lima, sinabing magiging tutor ko si scholar at pang-huli ay nagkasagutan na naman kami ni daddy.

Arghhh what a day.

***

Amethyst's POV

Grabe napaka-bastos talaga ng lalaking iyon. Matapos niyang sagot-sagutin ang lolo niya ay bigla-bigla na lang siyang aalis nang hindi nagpapaalam?

"Miss Biazon pagpasensyahan mo na lang ang batang iyon." Nakangiting sabi niya.

Nawala tuloy bigla ang nakakatakot niyang aura kanina. Talaga bang lolo ito ng lalaking iyon? Hindi ako makapaniwala dahil napakabait ni Dean. Baka pinaglihi din siya ng nanay niya sa sama ng loob kaya ganoon ang ugali?

"Huwag niyo na po akong tawaging miss Biazon Dean. Amethyst na lang po. Hindi po kasi ako sanay sa masyadong pormal na pagtawag sa akin at saka ayos lang po iyon. Mukhang kailangan ko na lang masanay sa apo ninyo."

"You're really a good person Amethyst and I hope you will agree to my offer. Maybe mahawaan mo ang apo ko." Natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.

"Salamat po dean. Pag-iisipan ko pa po ang alok niyo. Muuna na po ako. Maraming salamat po ulit."

Tumango lang siya kaya lumabas na ako. Hays akala ko mawawala na ang scholarship ko dahil sa mga nangyari. Dalawang araw pa lang ako dito pero pambihira kung ano-ano ng nangyari sa'kin dito. Salamat na lang talaga at maunawain at mabait ang dean namin hindi tulad ng apo niya.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon