Xian's POVNandito ako ngayon sa mall at naglilibot lang para maglibang. Simula kasi kahapon ay hindi na 'ko pinapatigil ng nararamdaman ko.
My conscience was bugging me and I hate it! I really do!
"Argghh damn this feeling!!!" Sabi ko at mas binilisan ang lakad pero napatigil ako ng may napansin ako sa loob ng isang girls boutique.
"Is that Jeff?"
May hawak siya at nakangiti niyang tinitignan ito.
"Tss bakla ba siya or may date na naman kaya ganyan makangiti?" Tanong ko sa sarili at lalapit sana pero napatigil ulit ako ng makitang may lumapit sa kaniyang isang babae.
Tinanggal niya ang ponytail nung babae at agad hinarap ito sa kaniya sabay suot nang isang clip. Hindi ko naman makita kung sino ang kasama niya but she looks familiar.
Nang lumapit naman ako sa kanila ay kakalabas lang nila ng boutique. Nagulat ako ng mapansing si scholar ang kasama niya.
Agad akong lumapit dahil naalala ko ang sinabi niyang may iba siyang pupuntahan kaya ayaw niyang pumunta sa amin. Ibig sabihin ay ito lang ang pupuntahan niya kaya ayaw niyang sumama.
"Come with me!" Inis na sabi ko at hinatak ang braso niya.
"Teka bakit?"
Mas lalo ko siyang tinignan ng masama nang hilahin niya pabalik ang kamay niya sa akin.
"Sabi mo may pupuntahan kang iba?" Tinarayan niya naman ako at nag-cross arms pa.
"At anong tingin mo sa'kin ngayon dito? Nasa bahay lang?"
"I mean may iba kang pupuntahan." Sabi ko at mas sinamaan siya ng tingin. "Teka nga bakit ba ang lakas ng loob mong sungitan ako? Remember, I'm your--"
"Haayy nako tama na! Bakit ba kasi?" Pagpuputol niya sa sinasabi ko.
"Just come with me!"
Hinila ko naman ulit siya pero biglang hinawakan ni Jeff ang kabilang braso niya kaya napatigil kami.
"Anong nangyayari bro?" Papalit-palit ang tingin niya sa amin.
"This girl--"
"Hehe wala lang 'to Jeff. Pwede bang mauna na kami kasi may pinapagawa lang si dean?" Pagpuputol ulit niya sa sinasabi ko.
Naka-ngiti siya kung makipag-usap kay Jeff pero bakit kapag sa'kin ay halos ibaon niya ako sa lupa para lang hindi na makita?
"Okay. Pero paano kita ihahatid sa inyo? Baka anong sabihin nila tita kapag hindi kita hinatid pauwi." Napapaisip na sabi nito.
Napanganga naman ako ng maisip na nakilala na siya ng parents ni scholar. Just wow! Meet the parents agad? Ang bilis naman!
Tinignan ko naman si scholar at mukhang nag-iisip siya ng magandang dahilan. Nag-init tuloy lalo ang ulo ko at agad pumagitna sa kanila.
"Ako ng bahala Jeff. No need to worry, kilala ako ni tita. Una na kami." Sumbat ko para naman maputol na ang usapan.
Agad kong hinila si scholar at mabilis na kaming naglakad palayo.
"Bye Jeff thank you! Next time na lang ulit!" Paalam niya habang palayo kami kaya pinagtitinginan kami ng mga tao sa mall. "Teka nga 'wag mo kong kaladkarin may paa ako! Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Can you shut your mouth?" Sabi ko at sumakay na kami ng elevator papuntang ground floor.
"Paano ako tatahimik kung hindi ko alam kung anong gagawin natin?"
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...