CHAPTER 33

1.3K 41 0
                                    


Amy's POV

Andito na ako ngayon sa school at mag-isang naglalakad papuntang building namin.Tinakasan ko na naman kasi si pangit dahil bigla akong nailang sa kaniya.

Nakakapagtaka naman kasi siya kahapon. Akala ko ay niloloko niya lang ako nang sabihin niyang ituturing niya akong prinsesa, pero totoo nga dahil hindi niya na ako pinagbuhat ng kahit anong pinamili namin kahapon.

Isa pa ay ang pagpapakain niya sa akin. Hindi tulad noon na halos magmakaawa pa 'ko sa kaniya para bigyan niya ako kahit juice man lang.

Napansin ko rin ang panlilibre niya. Nakakagulat lang na hindi niya ako siningil at wala siyang nabili para sa sarili niya maliban sa photo album niyang may picture namin.

Ito pa ang nakakagulat at hindi kapanipaniwalang nangyari kahapon. Sinabi niyang mas maganda raw na mag-head band ako para daw mas makita niya ang maganda kong mukha! Hindi ba't masyadong nakapagtataka eh halos kulamin na ako ng lalaking 'yun noong una naming pagkikita tapos ngayon ay sasabihan niya ako ng ganun?

"Hindi ko talaga siya maintindihan." Sabi ko at hindi namalayang nasa harap na pala ako ng room namin.

Pumasok ako sa loob pero kaunti pa lang ang tao kaya hindi ako masyadong nailang sa mga tingin nila. Umupo at tulala lang ako hanggang sa magdatingan 'yung iba.

"What's up Amy?" Masiglang bati ni Jeff at kasunod niya ang buong tropa. Syempre hindi mawawala ang nakasimangot na namang si pangit.

"Hello Jeff!" Bati ko rin sa kaniya ng makaupo siya sa tabi ko.

"How are you?" Tanong niya at humarap sa akin.

"Hehe ayos lang naman Jeff. Ikaw kamusta?" Tanong ko sa kaniya pero biglang may sumipa sa upuan ko kaya napalingon ako sa likod.

"You didn't wait for me." Sabi ni pangit sa akin.

"Ah eh..." Hindi na 'ko nakasagot sa kaniya dahil pumasok na si sir Domingo.

"Good morning class. I just have one announcement before we start." Sabi niya kaya natuon lahat ang atensyon namin sa kaniya.

"Yesterday was the first day of july and as far as we know next month, august, will be your first examination." Sabi ni sir na siyang ikinanlumo ng mga kaklase ko. "Good luck and I hope all of you will pass the examination."

Sinimulan na ni sir ang magdiscuss at halos lahat ay nakatutok na sa sinasabi niya lalo pa't papalapit na ang exam.

Natapos din naman agad ang dalawang klase namin sa umaga kaya nagsi-ayos na kami ng mga gamit namin. Sinipa ulit ni pangit 'yung upuan ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Mag-review na tayo."

Napatingin sa kaniya ang buong tropa at parang hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Woah bro! What happened?" Tanong ni Nel at sinuntok siya sa braso.

"Hahaha anong nakain mo bro at bakit ka nagyayayang mag-review?" Tanong naman ni Len at lumapit kay pangit.

Inis lang silang inismaran nito at tumingin kay Dan na tumayo.

"The question is... Bakit si Amy ang sinasabihan mo ng ganyan at hindi kaming mga kaibigan mo?" Nakangising sabi nito at lumabas na ng room.

"Oo nga bro!" Kantyaw sa kaniya ng kambal.

"Arggh she's my tutor okay? Sinabihan siya ni lolo na maging tutor ko!"

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon