Xian's POVHindi mawala wala ang ngisi sa labi ko dahil sa isiping iyon.
"Miss Biazon. Pwede ka ng umupo doon sa harap ni Mister Cortez." Sabay turo ni sir sa upuang nasa harapan ko.
Tumingin muna siya sa paligid at naghanap pa ng bakanteng upuan pero wala siyang nakita. Huminto naman ang tingin niya sa'kin at sinamaan pa ako ng tingin pero agad niya itong ibinalik kay sir at may sinabing ikinainis ko.
"Sir sigurado po ba kayo? Patatabihin niyo 'ko sa pangit na iyon?"
Nagtawanan naman ang lahat ng kaklase ko kasama ang mga kaibigan ko. Mas lalong nag-init ang ulo ko kaya padabog akong tumayo at dinuro siya.
"At sinong sinasabihan mong pangit?"
"Tingin ka sa salamin at malalaman mo." Seryosong sabi niya at dahil doon ay mas nagtawanan ang buong klase.
"You---"
"Mister Cortez. I'm sorry to say this but mukhang nakita mo na ang katapat mo." Nagpipigil na tumawang sabi ni sir. Nang samaan ko siya ng tingin ay tumingin na lang siya kay scholar. "Miss Biazon tulad ng nakikita mo ay wala ng vacant seat kaya sa ayaw at sa gusto niyo mang dalawa. Malapit kayo sa isa't-isa."
Padabog na umupo ulit ako at pinagmasdan siya na ngayon ay nakasimangot habang naglalakad palapit sa upuan niya na nasa harap ko. Ngunit bago siya tuluyang makaupo ay hinila ko agad ang upuan niya ng hindi niya napapansin dahilan para mahulog siya sa sahig.
"Ouch!" Daing niya at hinawakan ang pwet na paniguradong masakit dahil sa tindi ng pag-bagsak niya.
"Woaahh!!" Rinig ko pang hiyaw ng mga kaklase ko. Lalo na nang mga lalaki dahil medyo tumaas ang palda niya at nakita ang legs niya.
Wow! Makinis pala ang legs ng babaing ito. Miniskirt kasi at long sleeve na blouse ang uniform ng mga girls dito with high socks kaya umikli lalo ito ng matumba siya.
Tinignan niya tuloy ako ng mas masama na siyang nagpalawak lalo ng ngisi ko.
"Class quiet!"
Natigil naman ang lahat ng sawayin kami ni sir. Si Jeff naman ay tinulungan na makatayo ang babaeng 'to. Inaayos niya na ang uniform niya pero hindi nito inaalis ang masamang tingin sa akin.
"Mister Cortez lumipat ka na lang ng upuan sa harap." Utos ni sir sa akin pero parang wala akong narinig at pinatong lang ang braso ko sa upuan at sunod kong pinatong ang ulo ko dito.
"Mister Cortez I said lumipat ka ng upuan!" Ulit nito pero hindi ko pa rin siya sinunod.
Wala siyang nagawa ng titigan ko pa rin siya kaya napabuntong-hininga na lang ito at tinignan si scholar na parang nagsasabi na huwag na lang akong pansinin. Alam niya kasing hindi ko siya susundin at wala siyang magagawa dahil ako ang apo ng Dean sa school na ito.
"Okay class umayos na kayo at umupo ng maayos dahil mag uumpisa na tayo." Sabi niya sa buong klase.
"Miss Biazon." Sabi niya sa babaing ito at tinanguan niyang muli para sabihing umupo na.
Marahas niya namang kinuha sa'kin iyong upuan kaya napataas ako ng kamay at ngumisi na naman sa kaniya na naging dahilan upang magtangis ang bagang niya.
Pagkatapos niyang umupo ay lumapit ako ng kaunti at sinandal ko ulit ang braso ko sa likod ng upuan niya. Pagkatapos ay may binulong ako sa kaniya na mas lalong kinainis niya.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Fiksi RemajaThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...