Amethyst's POVPumunta ako agad ng C.R pagkalabas ko sa loob ng gymnasium. Halos takbuhin ko na nga ito para lang makarating ako agad kasi ayokong may makakita sa akin.
Pagkatapos na pagkatapos ko rin makalabas sa gymnasium na iyon ay hindi ko na napigilan pa ang lumuha. First time ko lang kasing maranasan ang ganoon. Ang mapahiya sa maraming tao at ma-bully sa school ng ganito katindi. Kahit nga ang basagan ng itlog sa ulo kapag birthday ko eh hindi pa sa'kin nagagawa dahil nasasayangan lang ako. Sayang lang ang itlog sa halip na basagin sa akin ay mas magandang maging handa ko na iyon sa birthday ko.
Hindi ko akalain na mas matindi at mas maraming itlog ang ibabato sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwalang ang lahat ng iyon ay mararanasan ko sa pangalawang araw pa lang na pamamalagi ko dito sa school.
Tingin ko hindi lang ito ang aabutin ko sa school na ito kapag nagtagal pa ako. Gusto ko na agad sumuko tuwing naiisip kong ganoon nga ang mangyayari pero wala akong magagawa dahil tulad nga nang sabi ko ay kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral para sa pamilya ko at kailangan kong tuparin ang ipinangako ko sa kanila na bibigyan ko sila ng magandang buhay.
"Bakit ba kasi masyadong childish ang pag-iisip ng mga istudyante dito eh,lalo na yung lalaking yun kaasar!" Inis na sabi ko habang nakatingin sa madungis na reflection ko sa salamin.
Sobrang dumi ko na at basang-basa. Buti na lang at walang tao dito ngayon kasi baka mapagkamalan akong outsider nito dahil sa itsura at kaingayan ko. Napatingin din ako sa uniform ko na ngayon ay sobrang dumi, mabaho at basang-basa
Nakakaasar! Saan naman ako kukuha ng pamalit ko ngayon? Wala pa naman akong extrang uniform kasi hindi pa ako nakakapagpatahi dahil wala pa iyong allowance na para sa damit ko.
Nagpalakad-lakad lang ako sa loob ng C.R habang nag-iisip. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang babaeng pinag-chichismisan ako kanina.
"Ohh speaking of the bitch. She's here." Maarteng sabi noong mahaba ang buhok.
"Yeah and oh look at her. She looks like a rug. Like a trash."
Tumawa silang dalawa pero tinarayan ko na lang sila ng palihim at tinalikuran. Akmang papasok na ako sa isang shower cubicle ng biglang hilahin ng isa sa kanila ang buhok ko at hinigit ito.
"How dare you to turn your back on us bitch?!" Sabi ng may maikling buhok na siyang humila at sumabunot sa akin.
"Ouch tama na!" Awat ko dahil ang sakit sa anit ng pag-sabunot niya sa akin.
"No bagay lang 'yan sayo!"
"Ouuchh!"
Mas lalo akong napadaing sa sakit ng makaramdam ako ng malakas na pagsampal sa akin nang kasama niya.
"Iyan pa ang bagay sayo. Ang kapal kasi ng mukha mong sampalin si baby Kayle! Siguro makapal din ang mukha ng pamilya mo?! Kasing kapal ng sa iyo!"
Feel ko biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya tungkol sa pamilya ko. Bigla tuloy akong nagkaroon ng lakas para itulak silang dalawa.
"Bawiin niyo ang sinabi niyo! Hindi kami ganiyang tao tulad ng iniisip niyo at mas lalong huwag na huwag niyong idadamay ang pamilya ko sa mga kabaliwan niyo!" Sigaw ko sa kanila at galit ko silang tinignan.
"How dare you to call us a baliw. Ang tapang mo rin ah! You still don't know kung sino ang sinasabihan mong baliw! What a bitch!" sabi naman ng may mahabang buhok.
"Sino ba kasi kayo?"
"Kami lang naman ang leader ng Kayle Lovers fans club. I am Madonna Valer and this is Vanessa Morillo. Pwede ka naming ipabugbog sa mga members ng group na iyon. Sasabihin ko lang sa kanila na sinasaktan mo si baby Kayle namin ay paniguradong lagot ka." Nakangising sabi naman ng may maikling buhok.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...