Xian's POVDinalian ko ang pagtakbo at kahit hinihingal ay hindi ako tumitigil dahil kailangan ko siyang makita agad, kailangan ako ni tabs.
Napahinto lang ako ng makakita ako ng isang malaking warehouse sa dulo. Agad ko itong tinakbo at walang pag-aalinlangan na binuksan ang malaking pinto.
"Tabs!"
Napahinto naman ako ng makita si tabs na nakaupo habang nakatali ang buong katawan sa poste. Agad akong lumapit at pinagmasdan ang kalagayan niya. Marumi at may punit-punit ang damit niya. May pasa rin at kaunting dugo ang katawan niya kaya parang tumigil ang mundo ko.
Napabalik lang ako sa sarili ko ng maramdaman kong gumalaw siya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na may pasa na naging dahilan para dahan-dahan siyang mapadilat. Nang makita niya naman ako ay bigla na lang siya umiyak ng todo.
"Chan-chan..."
Gulat akong tumingin sa kaniya na ngayon ay may matamis ng ngiti habang walang tigil ang pagtulo ng luha niya.
"N-naaalala mo na 'ko?" Nauutal kong sabi.
Tumango naman siya kaya hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya na patuloy pa ring umiiyak. Pinunasan ko ang luha niya kahit na nagsimula na ring tumulo ang luha ko.
Masaya ako na makita siya ngayon at masaya akong malaman na naaalala niya na ulit ako.
"Shhh andito na ako." Sabi ko at hinalikan ang ulo niya.
"Napaka-corny niyo naman!"
Napalingon naman ako sa likod ng marinig ang boses na 'yun. Nakita ko naman si Warren na nakatayo at para bang kanina pa siya nakatingin sa amin.
"You surprised me. I didn't expect na mapapaaga ang pagdating mo." Sabi niya ulit at ngumisi.
"Anong ginawa mo sa kaniya?!" Nanggagalaiti kong sabi at tinignan siya ng masama.
"Actually wala pa dahil napaaga nga ang pagdating mo." Sabi niya at tumawa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ng maramdaman ko ang paggalaw ni tabs ay inalis ko ang tingin sa kaniya. Sinubukan kong tanggalin 'yung pagkakatali ng kamay ni tabs pero natigil ako nang makarinig ng malakas na putok ng baril.
"At sinong nagsabi na pwede mo siyang kalagan?"
Napalingon kami sa kaniya at natigilan ng makitang may nakatutok na sa aming baril.
"Whatever. Just say goodbye to your cheesy world!" Nakangising sabi niya at kinasa ang baril.
Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Trish at agad itinulak si Warren. Napayakap na lang ako kay tabs at pumikit ng makarinig ulit kami ng malakas na putok ng baril.
"What are you doing trish?!" Sigaw nito at tumayo matapos mapahiga sa sahig.
"Please stop. Stop this bullshit revenge Warren!" Sabi ni Trish at agad na humarang sa amin ni tabs.
"What?" Gulat na tanong naman ni Warren.
"I said stop it!"
"Damn! Matagal ko ng plinano 'to!"
"But I didn't said na saktan mo si Xian!"
Napailing naman si warren at nagulat kami ng magpaputok siya ng baril sa itaas. Napasabunot pa siya sa buhok niya sabay tawa ng malakas.
"Ayan! Lumabas din ang dahilan kung bakit mo 'ko pinigilan. Oo nga pala. Bakit ko nga ba kinalimutan na mahal mo ang pesteng lalaking 'yan kaya ayaw mong nasasaktan."
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Подростковая литератураThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...