CHAPTER 6

2.1K 55 1
                                    


Xian's POV

Nagising ako na masakit ang ulo. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat tuwing umiinom ako. Hang over.

"Argh I hate it." Dahan-dahan akong umupo at hinawakan ang sentido ko.

"Oh son gising ka na pala. Are you okay?" sumulpot bigla si dad sa may door at lumapit sa akin.

Tumingin ako sa orasan at nakitang quarter to 8 na.

"Why are you here?" I hissed.

"It doesn't matter anymore. What are you feeling right now? Do you want some soup? I'm told manang to cook it for you." Nakangiting aniya na siyang ipinagtaka ko. "Why son? Don't you like it?"

Tinignan ko siya at dahan-dahan akong umupo kasi masakit pa ang ulo ko.

"Tsk don't act like you care for me."

"Xian."

"Why? 'Diba iyon naman ang totoo? Wala kang pake sa'kin?"

"That's not true. Of course I'm concerned about you."

"Stop it please. Pwede ka nang lumabas." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya.

Bumuntong-hininga at dahan-dahan naman siyang umupo sa bed ko. Tinignan niya ako sa mata at hinawakan sa isang side ng braso ko.

"Anak I'm sorry." Tinitigan ko lang siya at hindi ako umimik.

"I know marami akong naging pagkukulang sa'yo for the past 12 years and I'm really sorry about that. I'm just really affected when your mom left us. You know how much I love her Xian. I hope mapatawad mo ako sa lahat ng mga pagkukulang kong yun Chan."

Medyo nakaramdam ako ng kakaiba when he suddenly called me by my nickname. Ngayon niya na lang kasi ako tinawag ulit ng ganoon. That's how they call me when I was young. Para sa kanila ni mommy iyon and it felt so strange to hear that again after so many years.

"Tss lumabas ka na." Madiin kong sabi dahil ko pa maatim na kausapin siya ngayon.

"Xian---"

"I said, get out!"

Wala naman na siyang nagawa nang sigawan ko siya kaya malungkot siyang lumabas sa room ko. Napabuntong-hininga na lang ako habang paulit-ulit na iniisip iyong mga sinabi niya. Nag-ayos na rin ako at bumaba na. Naabutan ko naman sa baba si Manang Perla na nililinis iyong table. 

"Maayos na ba ang pakiramdam mo iho?" Tanong niya agad sa akin ng makita niya ako. 

"Medyo ayos na po." Naka-ngiting sabi ko sa kaniya habang nakahawak sa ulo ko.

"Nga pala... ang daddy mo ang nagbantay sa'yo kahapon at nagsundo sa bar na pinuntahan niyo. Nagka-usap na ba kayo?"

So siya pala ang nag-uwi sa'kin dito kahapon? At ano daw?

"Nagbantay?"

"Oo. Hindi siya umalis sa kwarto mo mag-damag at kaninang umaga lang lumabas para sana ipaghanda ka ng makakain."

Bakit naman kaya? Tss noong bata nga ako ay hindi niya ako binabantayan kahit may sakit ako, tapos ngayong malaki na ako at nalasing lang babantayan pa?

"Ahh ganun ba." Walang ganang sagot ko na lang dito.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Hindi ka ba natutuwa na binantayan ka ng daddy mo?" Tanong niya sa akin habang deretso akong tinitigan sa mata. Umupo naman ako at tinignan din siya. 

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon