Amy's POV"Hay nako! Kanina pa tayo nandito ah pero bakit hindi pa rin sila bumabalik?" Tarantang sabi ko habang tinitignan ang relo ko.
Ilang oras na rin kasi ang nakakaraan at halos matatapos na ang klase. Half day pa naman kami ngayon kaya paniguradong paglabas dito ay wala na kaming maaabutan pa. Mukhang wala na ring balak ang kambal na buksan ito kahit na sinabi niya kaninang bago mag-break time ay babalikan niya kami.
"Hays...ilang araw pa lang ako dito pero ilang beses na akong absent tapos--"
"Can you please stop?!"
Natahimik naman ako at tinignan si pangit.
"Bakit?"
"Since na-lock kasi tayo dito ay wala ka nang ibang ginawa kung hindi magsalita! Hindi ka ba napapagod?"
Tinarayan ko na lang siya at nakasimangot na umupo ako sa isang upuan.
"Kaysa naman mabaliw ako sa hindi pagsasalita tulad mo." Bulong ko.
"Are you saying something?"
"Hehe wala" Sabi ko at ngumiti sa kaniya ng peke.
"Tss by the way, where's your payment?"
"Haayyy nakakaantok!" Sabi ko at nag-unat ng katawan.
Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya at pumikit ako habang nakapatong ang ulo ko sa sandalan ng upuan.
"Hoy babae!"
"Mmm? Gusto mo rin matulog? Sige doon ka sa ibang upuan." Pagmamaang-maangang sabi ko sa kaniya habang nakapikit at pilit na ipinagilid ang ulo para lang makaiwas sa kaniya.
Ilang sandali pa ay tumahimik siya kaya idinilat ko ang isang mata ko at nagulat nang makitang ang lapit lang ng mukha niya sa akin.
"Inaantok pala ha!" Nakangising sabi niya.
"I-inaantok naman talaga ako!"
"Don't fool me girl." Umiiling na sabi niya at inilahad ang kamay nito sa harap ko."Bayad mo?"
"Hehe bakit nga ba hindi na lang tayo magbati at maging magkaibigan tulad ng sabi nila Len? Para makabayad ako sayo?"
"And how can you pay me if we're friends?"
"Hindi kita babayaran pero baka hindi mo na ako singilin kapag magkaibigan na tayo!" Ngumiti ako sa kaniya ng pagkatamis-tamis at sana pagbigyan niya ako dito.
"I don't like you."
"Hindi rin naman kita gusto 'no!"
"I mean as a friend."
"Hehe ang harsh mo ah! Pero bakit nga ba parang galit na galit ka sa'kin eh wala naman akong ginagawang masama sayo?"
"I just don't like you simple as that. How about you? Why are you still here even though you are being bullied?" Balik tanong niya sa akin.
Natigilan naman ako at napaisip. Bakit nga ba?
"Siguro dahil sa...pamilya ko..."
Ewan ko pero bigla na lang akong nalungkot matapos sabihin iyon. Medyo nangilid agad ang luha ko matapos itong sabihin. Grabe talaga ang epekto sa'kin ng pamilya ko.
Naiisip ko sila lagi. Sila ang inspirasyon ko sa mga ginagawa ko kaya sila na nga ang tama at matibay na dahilan kung bakit nananatili pa rin ako dito.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...