Amy's POV"I'm sorry."
Hindi ko napansing nakalayo na pala ang mukha niya sa akin dahil sa pagkagulat ko sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ay bago ang lahat ng nangyari kanina.
"B-bakit mo 'yun ginawa?"
"Just like what I've said, that's your punishment for disobeying my rule."
"A-ang unfair mo naman magbigay ng punishment!" Sabi ko at tumingin sa gilid ko.
Hindi ko na 'yata kayang tumingin pa sa kaniya dahil sa kahihiyan ng pagpapaubaya ko. Baka mamaya isipin niya pang ginusto ko ang nangyari.
"I'm sorry tabs kung nabigla kita. Nadala lang ako masiyado...Bakit ba kasi hindi mo 'ko pinapansin?!" Pag-iiba niya ng usapan kaya napaharap ako sa kaniya.
"Nakakaasar ka nga kasi!"
Huminga naman siya ng malalim bago umupo sa tabi ko. Napaatras tuloy ako pero hinawakan niya agad ang kamay ko.
"Okay kahit magalit ka sa'kin ay ayos lang. I love you tabs and I will do anything para lang masuyo ka! I'll court you whether you like it or not!"
Hindi naman ako nakapagsalita at tinignan lang siya. Nakangiti niyang kinuha ang kamay ko at marahang itinayo para pumunta sa room namin.
Sa daan pa lang ay nagtitinginan na sa'min ang mga istudyante at ng makarating na kami sa room ay hindi lang tingin nila ang ipinukaw sa amin pati na rin ang kantyawan lalo na ng pangunahan ito nila Nel at Len.
"Listen!" Sabi ni pangit at itinaas ang kamay naming magkahawak."From now on ay nililigawan ko na si Amethyst Biazon kaya wala ng pwedeng dumikit-dikit sa kaniya!"
Napatayo si Jeff at umiiling na tumingin sa magkahawak naming kamay.
"Paano naman ako bro? Nililigawan ko rin siya." Mahinahong sabi nito at ngumisi.
"Kahit ikaw hindi na pwede!"
"P-pero hindi ka naman pasado kaya--"
Tututol pa sana ako pero hinigit niya ang kamay ko papalapit sa kaniya.
"I don't care."
"Mr.Cortez, are you done?"
Napatingin naman ako sa pinto at nakita si sir na nakangiti habang nakatingin sa amin. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisngi dahil sa sobrang hiya.
"I'm done sir." Nakangiting sabi rin ni pangit.
"Then I think you should go now at the gymnasium, kanina pa sila naghihintay sa inyo."
Tumango naman siya at humarap sa akin.
"Wait me later okay?" Sabi niya at nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko bago bitawan."Dan,huwag ka ng umalis at bantayan mo siya."
"Hindi naman ako bata!" Pagtutol ko ng patigilin niya sa pagtayo si Dan.
"I'm still your master kaya ako ang masusunod."
Wala naman akong nagawa ng kausapin niya ito. Hindi na rin kasi tumutol pa si Dan kaya tumahimik na lang din ako.
Natapos naman agad ang klase namin pero parang nawala ako sa sarili ko. Walang imik na sinamahan ako ni Dan papunta sa gymnasium pero sinabihan ko siya na ako na lang mag-isa ang mahihintay kay pangit. Tumango naman siya at iniwan ako.
Maya-maya lang ay nagsiuwian na ang lahat ng nagpractice at nagulat ako ng may biglang humila sa akin.
"Ano na naman bang problema mo?"
"Just move faster bago tayo maabutan ni Jeff." Hindi mapakaling sabi niya at binilisan lalo ang paglakad.
Halos tumakbo na kami para lang makarating sa kotse niya kaya hinihingal kaming pumasok dito.
"Ano ba talagang meron?"
"I can't believe na ganun-ganun lang 'yun para sa kaniya." Wala sa sariling sabi niya at tumingin sa akin."Tabs, ikaw ba naniniwala ka sa'kin?"
Natahimik naman ako at hindi ko alam ang isasagot kaya huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti.
"I know na masyadong hindi kapani-paniwala at nakakagulat 'yung mga sinabi ko but I'm saying the truth. I don't know where or when this started but I must say that I'm happy because I felt this kind of feeling, so it doesn't matter anymore. The important is I've already told you of what I feel and I hope you'll believe me."
Mas lalo naman akong natahimik at tinignan lang siya na sinserong nagsasalita habang seryosong nakatingin sa akin.Napaharap tuloy ako sa gilid ko at tinignan na lang ang kalsada mula sa labas ng kotse. Nailang kasi ako bigla sa mga titig niya lalo na sa mga sinasabi niya sa akin.
Hindi na rin naman niya ako tinanong at kinausap pa hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinalubong kami ni yaya Perla ng ngiti kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya.
"Oh kamusta kayong dalawa?" Tanong niya sa amin kaya nagkatinginan kaming dalawa pero agad din akong umiwas.
"Ayos lang naman po. Oo nga po pala yaya, nakaluto na po ba kayo? Baka kasi may maitulong pa po ako." Alok ko sa kaniya pero ipinatong ni pangit ang kamay niya sa braso ko at inilapit ako sa kaniya.
"No yaya, hindi siya tutulong sa kahit anong gawain dito sa bahay. From now on ay hindi niyo na siya pwedeng utusan pa." Sabi nito at tumingin na naman akin. Nagtataka naman siyang tinignan ni yaya."Dahil nililigawan ko na po siya kaya kailangan ay ituring niyo na siyang prinsesa dito."
Napanganga naman ako sa sinabi niya at gulat na napatingin sa kaniya.
Nahihibang na ba talaga ang lalaking ito? Mukhang nasiraan na siya ng bait dahil kung ano-ano ang pinagsasabi niya mula pa kaninang umaga.
"Sige yaya punta na po kami sa mga kwarto namin. Goodbye!" Paalam niya at hinila na ako paakyat sa mga kwarto.
"T-teka seryoso ka ba talaga?" Gulat pa ring tanong ko at tinignan siya ng deretsyo.
"Of course! Sabi ko nga sa'yo kanina magtiwala at maniwala ka lang sa'kin." Kibit-balikat na tugon niya at lumapit sa akin bago hawakan ang pisngi ko. "By the way tabs, it's been a long day for us and I think you need to rest now."
Hindi ko na siya napigilan pa ng halikan niya ako sa noo. Mabuti na lang at lumayo siya agad dahil para na naman akong nababaliw sa mga pagdampi ng balat niya sa akin, lalo na ng labi niya.
"And tabs...Don't forget that I'm still your master, so you should trust me." Huling sabi niya bago bitawan ang pisngi ko at naglakad na papunta sa kwarto niya.
Agad din akong pumasok sa loob ng kwarto at nagpalit muna ng damit kasabay ang pag-aayos sa sarili dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko.
Sumampa ako sa malambot na kama na hinihigaan ko simula ng manirahan ako dito at huminga ng malalim. Humiga at pumikit din ako pero naalala ko lang ang mga nangyari kanina.
Simula sa paghintay niya sa akin sa labas ng kwarto ko. Sa pagsasagutan namin kanina habang kasama namin si yaya Perla. Sa pagpunta namin sa school at pagbabanta niya sa akin na 'wag lalapit kay Jeff. Nang malaman namin ang result ng exam pagkatapos ay dinala niya ako sa kings room at ang hindi ko inaasahan sa lahat ay noong sabihin niyang liligawan niya 'ko matapos halikan sa labi!
"Ano ba kasing nakain ng lalaking 'yun at kung ano-ano ang mga naiisip niyang gawin? Ayan tuloy mababaliw na 'ko kakaisip sa kaniya!"
*****
Vote.Comment.Share
~Binibining_Mika
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...