CHAPTER 28

1.5K 42 1
                                    


Amy's POV

Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng puso ko lalo na ngayong nasa harap ako ng kwarto niya.

Pagkatapos kasi kanina ay agad ko siyang tinulak dahil hindi na ako naging komportable. Mabuti na lang at umalis siya agad at sinabing pupunta lang siya sa kwarto niya kaya nakahinga ako ng maluwag dahil para akong naubusan ng hangin kanina.

Pumunta rin naman ako sa kwarto ko at naligo dahil nga nabasa kami pero pagkatapos ay nakasalubong ko si yaya Perla at inabot niya sa akin ang isang damit.

Sabi niya ay ibigay ko daw ito kay pangit dahil may mahalaga daw siyang inaasikaso. Tatanggi pa sana ako kaso agad na siyang tumalikod at dali-daling umalis para ayusin ang inaasikaso niya.

Iyon nga ang dahilan kung bakit napadpad ako ngayon dito sa harap ng kwarto niya. Napabuntong-hininga na lang ako at napapikit bago ako lakas loob na kumatok sa pinto.

"M-master?"

Ilang beses na akong kumakatok pero wala pa ring nagsasalita sa loob kaya binuksan ko na lang ang pinto dahil hindi naman naka-lock.

"Hello?"

Wala pa ring nagsasalita kaya pumasok na lang ako sa loob. Naririnig ko ang pagpatak ng tubig sa CR at sa tingin ko ay naliligo pa siya.

Inilibot ko naman ang tingin sa buong kwarto niya at masasabi kong maayos naman. Naalala ko tuloy ang kasunduan naming bawal pumasok sa kwarto ng isa't-isa.

"Kung siya nakapasok na sa kwarto ko, siguro naman ay sa kaniya pwede na rin? At hindi naman siguro siya magagalit dahil may inutos lang sa akin si yaya Perla diba?" Tanong ko sa sarili ko at lumapit sa isang table na puro pictures.

Pinagmasdan ko ang bawat litrato at napatigil sa isang picture na naka-frame.

"Teka si pangit ba talaga 'to?"

Nakakita kasi ako ng isang frame na may baby picture. Sa tingin ko ay siya nga ito dahil sa baba ay may nakasulat na Baby Xian.

"Hahaha ang cute niya dito!"

Hindi ko mapigilang tumawa dahil ang cute niya talaga dito. Hindi tulad ngayon na ang mature niya tignan. Ang taba pa niya dito lalo na ang pisngi niya kaya sobrang nakakatuwang isipin na ganito siya dati.

"Why are you here?" Napalingon ako sa likod ng marinig ko siya. "And why are you looking at my picture?"

Hindi naman ako nakapagsalita ng lumapit siya sa akin at itinaob ang picture niya. Halos manlaki naman ang mga mata ko ng bumaba ito mula sa mukha niya.

"Hey slave!"

Hindi ito pwede! Ang eyes ko na hindi na virgin dahil sa kambal ay nakakita na naman ng lalaking half naked at wet look pa dahil kakatapos niya lang maligo!

"Tapos ka na bang tingnan ang abs ko?" Nakangising sabi niya kaya natauhan ako at tumalikod sa kaniya.

"H-hoy hindi ako tumitingin diyan sa bilbil mo 'no!"

"Tss don't deny it. I know na masarap talagang titigan ang 6 packs na abs ko."

Nakatalikod man ako ay alam kong tuwang-tuwa na naman siya dahil nahuli niya ako pero tinatanggi ko pa rin.

"Hindi nga kasi eh! At saka ito nga pala iyong damit na inutos mo kay yaya Perla!"

Inaabot ko ito sa kaniya kahit nakatalikod ako. Nang kunin niya naman ito ay pati kamay ko ay kinuha niya kaya napaharap ako sa kaniya na ngayon ay nakangisi habang pinagmamasdan akong namumula.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon