Amy's POVDalawang linggo na ang lumipas at todo practice sila kaya nakaabot sila ngayon sa last day ng intrams. Kahit hindi ko na ikwento ang buong pangyayari nitong mga nakaraang game ay paniguradong alam niyo na kung sino ang mananalo.
Sino pa ba? Syempre ang grupo nila pangit. Halos lahat ng nakakalaban nila sa iba't-ibang school ay sila ang nananalo kaya ngayong araw ay gaganapin ang laro para sa championship game.
"Bakit pa kasi ang layo ng CR sa gymnasium." Reklamo ko pagkalabas ko ng CR.
Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang game kaya nagmadali na ako. Nang makarating naman ako doon ay napakaraming tao na ang nadatnan ko, ang mga istudyante ng WA at ang mga istudyanteng galing sa Sanchez Integrated School, base sa uniform nila.
Napalingon ako sa grupo ng mga manlalaro sa kabilang school na bagong dating at feel ko ay may nakatingin sa akin. Hindi ko na lang 'yun pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paghahanap sa team namin.
"Hey Amy!" Bati ni Jeff ng makita niya ako.
Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang mukha ni pangit na nakasimangot habang nakatingin sa akin.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.
"Nagpunta pa po kasi ako ng CR." Sarkastiko kong sabi at inirapan siya.
"Tama na nga 'yan." Awat ni Jeff sa amin kaya sinamaan siya ng tingin ni pangit. "By the way Amy, mag-cheer ka mamaya ha?"
"Syempre naman baka ako pa nga ang unang mag cheer sayo eh."
"Haha ikaw talaga. Sige alis muna ako at baka bugbugin ako nitong manliligaw mo." Natatawang sabi ni Jeff at ginulo ang buhok ko.
"Sige good luck sa'yo!"
Umalis na nga siya kaya naiwan ako kasama ang lalaking walang ginawa kundi ang sumimangot.
"Buti pa siya ichicheer mo. Ako kaya?"
"'Di ba sabi mo sa'kin noong naglalaro kayo ng basketball na kaya mong panaluhin ang laro kahit mag-isa ka lang ? Edi patunayan mo na ngayon." Natatawa kong sabi at lumapit sa kaniya. Inunat ko ang pisngi niya tulad noong ginawa ko nang magpunta kami sa palengke, para naman medyo ngumiti siya kahit kunti."At pwede ba ayusin mo 'yang mukha mo? Ang pangit mo na nga tapos papangit pa dahil sa pagsimangot mo!"
"Tss mas sisimangot ako kung hindi ka magchicheer para sa'kin!"
"Hays ito naman hindi mabiro. Syempre master kita kaya obligasyon kong icheer ka."
Para naman siyang timang kung ngumiti ngayon matapos marinig ang sinabi ko.
"Talaga ba? So..." Tanong niya kaya tumango ako. Lumapit naman siya sa'kin at may ibinulong."Pwede ka bang magsuot ng cheering costume for me?"
"T-teka! Bakit kailangan pa ng ganun?!"
"Gusto ko lang, para mukhang supporter talaga kita!"
"Sigurado ka ba diyan?" Nahihiyang tanong ko at tumango naman siya.
Lumapit siya sa mga cheerleaders ng school namin at hinigit niya doon si Mad.
"Kasya naman siguro ang damit mo sa kaniya?" Ngiting-ngiting tanong ni pangit sa babae niya matapos sabihin ang plano niyang pagsuotin ako ng damit nila.
"Hmm, she's sexy naman pero syempre mas sexy ako kaya sa tingin ko kasya naman sa kaniya!" Sabi ng babaita matapos akong tignan mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...