Amy's POV"What?" Tanong niya at lumapit sa akin.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko ito inulit ng isa pang beses.
"Pumapayag na ako sa kondisyon na maging tutor mo pangit." Nakita ko naman ang pagsama ng tingin niya sa akin matapos kong sabihin iyon. "Oh bat ang sama ng tingin mo? Naiinis ka dahil pumayag na ako?"
"Sinong hindi maiinis kung tatawagin mo akong pangit? Sa gwapo kong ito?" Hindi makapaniwalang aniya at itinuro pa ang sarili.
Napairap na lang ako at muling napabuntong-hininga dahil sa mga pinagsasabi niya.
"So ano na? Pumapayag na nga ako!"
"Are you sure?" Seryosong aniya kaya natigilan ako.
Napaisip akong muli at parang napakabigat na desisyon nga itong gagawin ko.
"Ahm teka--"
"From now on, I am your master and you are my slave slash tutor."
May sasabihin pa sana ako pero hindi niya na pinatapos pa at hinila na lang basta ang kanang braso ko.
"Let's go."
"Teka saan?"
"You are my slave right?"
"I'm also your tutor mister Cortez." Pagtataray ko sa kaniya at binigkas ng maigi ang salitang tutor dahil pakiramdam ko ay alalay lang talaga ang tingin niya sa akin.
"Whatever. You're going to start your job now, my slave." Nakangising sabi niya habang nakatingin ng nakakaloko sa akin.
"As in ngayon na?"
"Oh yes! May angal ka?"
"Pero may klase pa tayo."
"Tss I don't care. From now on, I am your master so take all of my command. Okay?"
"Ohh-kay?"
***
"Wahhh pwede bang umuwi na tayo?"
"At bakit naman?"
"Pagod na pagod na kaya ako!" Maktol ko sa kaniya at tinignan ang napakaraming shopping bags na bitbit ko.
Nasa mall kasi kami ngayon at halos malibot na namin ang buong mall dahil lahat yata ng klase ng boutiques ay napasukan na namin. Ang matindi pa diyan ay halos lahat ng napasukan namin, kapag may magustuhan siya ay bibilhin niya agad at ipapabitbit sa akin. Para RAW makabawi siya sa pagpapahiya ko sa kaniya kanina.
Hindi ba't napaka-abnormal niya? Kanina tinatanong ko siya kung iyon ba ang dahilan kaya siya umalis pero sinungitan lang ako. Ngayon naman may paganti-ganti pa siyang nalalaman! And take note na hindi lang iyan ang ka-abnormalan niya dahil meron pa tulad ng... Hindi panlilibre sa akin ng lunch! Mukhang nang-iingit pa siya kanina kaya sino naman ang hindi mapapagod sa whole day tour ko dito sa mall kung walang kain? At simula nang higitin niya ako kaninang umaga ay nandito na kami pero magaalas-syete na ng gabi ay hindi pa rin kami umuuwi. Part nga daw kasi ito ng pagiging slave thingy ko!
"Hays first time ko lang dito pero mukhang hindi ko na gugustuhin pang bumalik." Bulong ko.
"Are you saying something?"
"Ang sabi ko kung pwede po bang umuwi na tayo?" Pag-fake smile ko at nag-puppy eyes pa ako sa kaniya.
"Tss pasalamat ka at mabait pa ako kaya pwede na tayong umuwi."
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Подростковая литератураThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...