CHAPTER 55

1K 30 1
                                    


Amy's POV

Agad akong umayos ng pagkakatayo at medyo lumayo sa kaniya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti at napansing naka-uniform siya ng WA pero parang ngayon ko lang siya nakita. Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa kaya napangisi siya at inayos ang salamin niya sa mata.

"S-sorry...hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Paumanhin ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag ko.

Naalala ko kasi ang nangyari kanina. Parang 'yung nangyari lang din sa amin ni pangit ng lumabas siya ng CR for men. Eksakto rin namang nagmamadali ako noon para ipasa ang mga requirements ko sa pag-enroll dito sa WA. Ang pinagkaiba lang ay natuluyan kaming bumagsak ni pangit sa sahig samantalang ngayon ay nasalo pa ako ng lalaking ito.

"Ayos lang 'yun. Sorry rin dahil bigla na lang akong sumulpot." Sabi niya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya. "By the way, I'm Warren. It's nice to meet you."

Ngumiti at tumango na lang ako sa kaniya.

"Sige Warren una na 'ko ha dahil baka mag-umpisa na ang klase." Paalam ko at agad na tumakbo papunta sa building namin.

Hindi na ko nag-abalang lumingon pa dahil baka mahuli na nga ako sa klase. Nang makatungtong ako sa loob ng classroom ay nagtinginan muna sila sa akin bago bumalik ng tingin sa mga ginagawa nila.

Napadako naman ang tingin ko sa upuan ni pangit pero wala pa rin siya. Pagkatapos kasi ng nangyari noon sa secret garden ay ramdam kong lumayo na talaga siya kaya kahit sa classroom ay hindi na siya pumapasok.

"Bakit nahuli ka 'yata?" Tanong ni Jeff ng makaupo ako sa tabi niya. "Nakatanggap ka na naman ba ng death threat?"

Alam ni Jeff ang mga natatanggap ko. Simula kasi noong may mahulog akong isang sulat ay kinulit niya na ako kung bakit daw ako may ganun at para saan 'yun. Dahil hindi naman ako makapagdahilan pa ay kinuwento ko na nga sa kaniya ang tungkol doon.

Tumango na lang ako sa kaniya kaya tumingin siya sa likod kung saan nakaupo kambal na busy sa cellphone nila.

"Hoy kayong dalawa!"

"Bakit bro?" Tanong ni Len pero hindi pa rin tumitingin sa amin.

"Alam niyo na ba kung sino ang naglalagay ng death threat sa locker ni Amy?"

"Not yet bro. Maingat masiyado ang taong 'yun dahil nang lagyan namin ng cam ang harap ng locker niya ay nahalata 'yata at sinira agad." Sagot naman ni Nel na hindi rin kami nagawang tignan.

Napatingin naman sa akin si Jeff at ginulo ang buhok ko.

"Huwag mo na lang muna isipin 'yun. Tutal wala pa namang nangahas na saktan ka ulit."

"Aba kung meron man ay humanda lang siya sa atin!" Dugtong ni Len kaya natawa ako

Maya-maya lang ay dumating na si sir kaya umayos na kami.

"Class, today you will going to meet your new classmate." Nakangiting sabi ni sir at may tinawag sa labas. "This is Warren Alvarado, from Sanchez Integrated School."

Napatakip ako ng tainga ko ng pumasok na 'yung sinasabi ni sir. Nagulat pa nga ako ng makita ko 'yung lalaking nakabangga ko kanina. Napadako ang tingin niya sa akin at ngumiti siya.

"Omy gosh! Ngumiti siya sa'kin!"

"No! He smiles at me!"

"For real andito si Warren? Waahh bakit parang mas gwapo siya kapag suot niya ang salaming 'yan?"

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon