CHAPTER 50

1K 33 0
                                    

Xian's POV

"Saang room makikita si miss Amethyst Biazon?" Tanong ko sa nurse na nasa lobby.

Sinabi niya naman agad sa akin kaya agad kong pinuntahan ang room number niya. Nakasunod lang sa akin si Dan at ang kambal.

"T-tabs!"

Pumasok ako agad sa loob at nakita ko doon si tabs na nakahiga sa hospital bed. Sa gilid niya naman ay nandoon si Jeff na hinahaplos ang buhok niya.

"Nang tumalikod kami sa kaniya kanina ay nag-alala ako agad kaya bumalik ako at sinundan ko siya but I'm too late... Nakita ko na lang siya na nasa sahig, duguan at wala ng lakas kahit tumayo man lang."

Sabi niya ng maramdamang pumasok kami. Napakuyom ang kamay ko nang makita si tabs na nakapikit. May mga gasgas siya at pasa sa mukha kaya lalapit na sana ako pero hinarangan agad ako ni Jeff.

"Pero kung may lakas lang sana siya ay kayang-kaya niya 'yung mga 'yun kaya sabihin mo sa'kin, ano pang nangyari pagkatapos ko siyang ihatid kahapon sa inyo?"

"Teka nga, bakit hindi mo itanong 'yan sa sarili mo?" Sabi ko at umiling-iling dahil naalala ko na naman 'yung nakita ko kahapon."Hindi ba't ikaw ang kasama niya buong maghapon? Nagpaulan pa nga kayo eh kaya bakit ako ang tatanungin mo kung anong nangyari?"

Madiin ko 'yung sinabi sa harap niya at tinignan siya ng matalim. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa dalawang braso.

"So tama nga 'yung sinabi niya kahapon na nakita ka niya?" Tanong niya at umiling."So alam mo rin kung gaano siya kasaya kahapon? Kung gaano siya kasaya dahil--"

Hindi ako nakapagpigil at sinuntok ko siya agad. Hindi naman siya gumanti at seryosong tinignan lang ako. Nakakainis naman kasi! Kailangan niya ba talagang ipamukha sa'king masaya si tabs kapag siya ang kasama niya?!

"Alam mo bro 'yan ang problema sa'yo eh. Masyado kang seloso!" Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya at pumikit ng mariin."Hindi mo alam 'yung dahilan kung bakit siya masaya bro! At ngayon nagdadalawang isip na tuloy ako kung sasabihin ko ba sa'yo o hindi dahil napaka-immature mo pa!"

Nanatili lang akong tahimik at pinagmamasdan lang siya.

"The doctor said na na-overfatigue daw siya! Alam mo kung bakit ko tinatanong sa'yo kung anong nangyari? Kasi nagtataka ako kung bakit siya mapapagod sa pagpunta lang namin doon. Yes, let's say na napagod siya pero ang labo naman nun bro! Kasi ramdam kong saya 'yung nararamdaman niya that time at hindi sobrang pagod!"

Napapikit naman ako at inalala 'yung mukha niya kahapon. Galing siya sa ulanan pero unang kita ko pa lang sa kaniya ay mukhang masaya nga talaga siya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng mapait dahil inaalala ko na naman 'yung dahilan kung bakit ako nasasaktan, na masaya siya dahil si Jeff ang nakasama niya.

"Okay. Bahala na kayo sa buhay niyo. Kung gusto mo siya ay sa'yo na. Actually hindi ko naman 'yata talaga siya mahal, masiyado lang akong na-challenge sa kaniya kaya sinubukan kong ligawan siya." Nakapikit kong sabi at tumalikod na." And one more thing... Ikaw talaga ang gusto niya kaya iyong-iyo na siya."

Tumalikod na ako at lalabas na sana pero nagulat ako ng ipaharap niya ako sa kaniya at nakatanggap ako ng napakalakas na suntok na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Damn you bro! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Ngayon pinatunayan mo lang sa'kin na hindi ka talaga karapat-dapat para sa kaniya!" Inis na sabi niya at kinuwelyuhan ako para mapatayo. Nanggigigil siya at ramdam ko 'yun."Bro, I promise to myself na poprotektahan ko siya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi dapat siya nasasaktan at alam mo kung bakit? Kasi alam ko 'yung napagdaanan niya at alam kong mas masakit 'yung mararamdaman niya dahil babae siya! Kahit na malakas ang image na ipakita niya sa'tin, deep inside mahina siya at nakita ko na 'yun. Remember the day na nakulong kayo sa music room? 'Yun 'yung araw na mahina siya. Let's say na nakita mo nga 'yun pero hindi mo man lang naintindihan... So please 'wag ka ng lumapit dahil kung sasaktan mo lang din siya ay walang kwenta 'yung pangako ko sa sarili ko. Natatandaan mo rin ba 'yung sinabi ko sa'yo noon? I told you that once na saktan mo siya ay ako na ang gagawa ng paraan para hindi ka na makalapit pa and now seseryosohin ko ang mga sinabi ko..."

Marahas niya akong binitawan bago siya lumapit kay Amy. Tumalikod na lang din ako ng tuluyan sa kaniya at tiim bagang na lumabas sa room na 'yun. Nagmaneho ako papunta sa bahay at dumiretsyo ng kwarto ko.

This is all my fault and I hate myself for being stupid! Kung hindi ko sana  siya pinagod kahapon, hinayaan ko na lang sana siya na magbihis muna at kung hindi lang sana ako nagpadala sa selos ko ay wala siya ngayon sa hospital!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis. Lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng tubig pero nakita ko na naman mula dito ang kwarto ni tabs.

Naalala ko na naman 'yung gabing takot na takot siya kaya mas nakaramdam ako ng guilt dahil sa mga ginawa ko. Napagpasiyahan ko tuloy na pumasok doon at nakita ko ang maayos niyang gamit. May kinuha ako sa drawer niya at binuklat ang dalawang photo album niya.

Una kong binuklat 'yung album na kung saan ay puro pictures namin ang makikita. Natawa ako ng makita ko ang masaya naming mukha sa bawat shots, parang hindi nga kami aso't pusa kung mag-away nang mga panahong 'yon. Naisip ko tuloy bigla, mauulit pa kaya 'to?

Napabuntong hininga na lang ako at inumpisahang buklatin ang isa pang album, mga pictures ito noong bata siya. Inisa-isa ko ang mga ito at napansing wala 'yung baby pictures niya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Alam mo bang ampon lang ako kaya hindi ko naranasang magkaroon ng totoong magulang? Tapos ikaw na may tatay pa eh gusto mo ng patayin?!"  Maluha-luhamg sabi niya sa akin.

Bigla akong may naalala noong malasing ako last, last night. Ampon lang siya? Bakit ngayon ko lang alam?

"Kung mawawala naman siya ay mas mabuti pa nga! At kung pwede lang tigil-tigilan mo 'ko diyan sa sermon mo dahil pamilya ko 'to at wala kang alam sa nararamdaman ko! Masyado ka na 'yatang nagiging pakialamera sa buhay ko! " sabi ko at tinulak siya.

Shit! Ngayon naalala ko na 'yung mga ginawa ko that time. Hindi ko lang siya pinagsalitaan ng masasakit na salita kundi naitulak ko pa siya noon sa mga bubog! Argghh napakagago ko talaga ni hindi ko man lang napansin na ako pa talaga ang may kasalanan kung bakit may bandage 'yung kamay niya!

"I-i need to say sorry." Sabi ko at tatayo na sana pero biglang may nalaglag na isang picture mula sa photo album niya noong bata.

W-wait, bakit hindi ko 'to nakita kanina? At b-bakit meron siya nito?

*****

Vote.Comment.Share

~Binibining_Mika

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon