Jefferson's Point Of View(Same day)
I woke up na masakit ang ulo ko. Maybe dahil na rin sa masyadong naparami iyong inom ko kahapon.
Naalala ko na naman tuloy iyong babae sa may gate kahapon. Hindi naman sa na-love at first sight ako sa kaniya pero gusto ko lang talaga siya. Feel ko kasi may kakaiba sa kaniya kahit hindi ko totally nakita iyong face niya because side view niya lang ang nakita ko at nakatakip pa siya ng tenga niya when I saw her. Na-ingayan siguro dahil sa ingay ng paligid.
Sayang lang dahil hindi ko nalaman ang pangalan niya. Sabagay, may something lang naman sa kaniya pero hindi ko siya ilalagay sa chicks list ko.
Haha mukha ba kong tanga dahil may listahan pa ako ng mga chicks ko? Trip ko lang kasi gusto kong mangolekta ng mga babae at gamitin sila tulad ng paggamit sa akin noon.
Yes. I have my reason kung bakit ako may iba't-ibang babae araw-araw. I want them to feel what I felt when she used me because for me pare-parehas lang sila na mga manloloko. Kaya ngayon ay pina-paasa at pinag-lalaruan ko ang feelings ng mga babae dahil bagay lang naman sa kanila iyon.
I'm just second year high school that time at nag-aaral ako sa Sanchez Integrated School. Obviously, sa ibang school ako nag-aral noon, so hindi ko pa nakikilala sila Xian.
The truth is pangit ako noon. I mean hindi ako mahilig mag-ayos sa sarili ko. Laging magulo ang buhok, may salamin na may kaunting grado, hindi ako maayos kung manamit at medyo mataba ako noon kaya laking pagtataka ko nang lumapit siya sa akin.
Maganda siya at naging sikat agad sa school namin kahit bago lang siya noon. Nakipagkaibigan siya sa akin hanggang sa mahulog ako sa kaniya at maging kami. Nalaman ko lang na plano niya lang ang lahat noong anniversary namin. Ginamit niya lang ako para pag-kaperahan at makapasok sa cheer dance ng school namin.
Simula noon ay nagbago na ako hindi lang sa pisikal na anyo, pati na rin sa mga paniniwala ko na hindi na 'ko dapat magtiwala pa ulit sa mga babae. Ayoko na kasing umasa na mamahalin ako ng totoo. Hindi sa itsura at pera kundi dahil sa kung sino ako at kung ano ang pagkatao ko.
"Kalimutan ang nakaraan at magpakasaya para sa kinabukasan."
Napabuntong-hininga na lang ako matapos kong alalahanin ang mga nangyari noon.
Bumangon na ako at dumiretsyo sa wash room para maghanda na sa pagpasok. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ng mapansin ko ang malaking pagbabago na nangyari sa akin.
Mula sa buhok, sa mukha, sa katawan, sa pananamit, sa postura at sa pag-uugali ay nagbago ako at dahil iyon sa taong iyon.
"Salamat na lang sa'yo dahil hindi ako magiging ganito ka-gwapo kung hindi mo 'ko niloko." Sabay kinindatan ko ang sarili ko sa salamin. "Ayy matagal na pala akong gwapo."
Natawa na lang ako sa kabaliwang ginagawa ko. Gumaan bigla ang kalooban ko ng balikan ko ang mga alaalang iyon. Na-realize ko na may maganda rin pa lang na-idulot ang nangyari noon para maging sino ako ngayon.
Pagkatapos kong maghanda at kumain ay pumunta na akong school. Nagtitilian iyong mga babae sa gate noong dumating ako. May nakita naman akong babae na tahimik lang habang nakatingin sa'kin kaya pinuntahan ko siya at hinalikan sa pisngi. Kinindatan ko rin siya at nginitian ng matamis na naging dahilan ng pagkatulala niya at pamumula ng mukha niya.
Tumalikod na ako sa kaniya at nag-umpisa nang maglakad papuntang classroom ko.
"Kyaahhhh!!!" Narinig ko pang tili niya nang maka-alis ako sa harap niya.
Kanina ang tahimik tapos ngayon halos siya ang pinakamalakas kung tumili. Tss girls nga naman. Cheeks pa lang iyon grabe na kung makatili paano pa kaya kung sa lips?
Napailing ako sa naisip ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungong classroom habang patuloy na naririnig ang tili ng babaeng hinalikan ko
Pagdating ko doon ay naabutan ko ang kambal at si Dan. Si Len ay nasa unahan at nakikipag-usap o landian doon sa babaeng nasa harap.
"Good morning mga bro!" Nakangiti kong bati sa kanila.
"What's with that smile? Bumalik ka na ba sa dati? Kahapon mukha kang timang eh." Walang habas na sabi ni Dan at tinanggal ang headset niya.
"Yeah." Ngiting-ngiting sabi ko sa kanila.
"Good mood ka na yata ngayon? May milagro bang nangyari kagabi?" Naka-ngising sabi naman ni Nel.
"Hahaha wala naman pero kanina may nakatikim at hindi nakaligtas sa charms ko" Tumatawa kong sabi at naupo sa pwesto ko.
"Kaya pala eh." Tumatawa ring sambit nito.
Pumunta na sa'min si Len pero bago iyon ay hinalikan niya muna iyong babaeng kausap niya kanina sa unahan. Sabi na nga ba eh. Nakabingwit na naman ang isang ito.
"Good morning guys!"
"Mukha ngang good ang morning mo" Asar ko sa kaniya.
"Of course. May pa-breakfast in bed ako eh."
Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi niya at maya-maya lang ay dumating na si Xian. Hindi tulad ko kanina ay parang wala ito sa sarili niya at nakasimangot pa.
Sinabi niya sa'min ang nangyari kanina. Kahit na third year lang kami nagsimulang maging magkaibigan dahil nga noon lang ako lumipat sa school nila ay marami na rin akong alam tungkol sa kanila at isa na dun ang issue about sa parents niya.
Sinasabi niya sa'min ang nangyari kanina nang biglang dumating iyong babaeng scholar na nakasagutan niya sa room. Papalit-palit ang tingin namin sa kanila dahil tuloy-tuloy sila kung magsigawan at ayaw magpaawat. Buti na lang ay dumating na agad si sir Domingo kaya napatigil silang dalawa.
Pinakilala sa'min ni sir iyong scholar na nag-ngangalang Amethyst Biazon. Mukha naman siyang mabait dahil sa maamo niyang mukha. Naaalala ko sa kaniya iyong sarili ko noon na mukhang nerd pero may something sa kaniya na wala ako noon. Iyon ay ang pagiging palaban niya.
Nakita ko rin kung ano ang naging reaksyon ng bawat-isa sa classroom namin at kung paano siya tingnan at pandirihan ng mga ito para ipakitang ayaw nila dito.
Iyan ang hirap sa pagiging mayaman eh. Masyadong mataas na ang tingin nila sa sarili nila at pinandidirihan na lang nila ang mga mahihirap. Hindi naman ako ganoong klaseng tao kahit mayaman ako. Kaya wala akong masisisi sa katotohanang minsan sa isip ng mga mahihirap, lahat ng mayayaman ay minamaliit sila.
Inilibot kong muli ang buong paningin ko sa paligid at tinignan ang reaksyon nila pero sa iba't-ibang reaksyon na nakita ko ay isa lang ang pinaka-pumukaw ng atensyon ko at ito ay ang simpleng pag-ngisi ni Xian na alam kong may tumatakbong plano sa isipan niya para sa babaing ito.
***
Vote.Comment.Share
~mikaaa_miks
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Fiksi RemajaThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...