Amethyst's POV
Sa wakas ay nasa school na ako pero parang may kakaiba. Napansin ko lang na wala pang masyadong tao. Iyong iba naman ay pumupunta sa iisang direksyon.
Kadalasan kasi ay marami nang istudyante na naglalakad lakad dito ng mga ganitong oras pero ngayon ay kakaunti lang. Pagpasok ko din sa gate kanina ay pinagtitinginan na ako ng mga tao.
Hays grabe sila kung makatingin. Wala naman akong gagawing masama sa kanila eh!
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa classroom pero hindi pa rin nawawala ang tingin sa akin ng mga istudyante.
"Haha kawawa naman siya."
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at may nakita akong dalawang babae sa likod ko na nagchichismisan. 'Yung isa ay may mahabang buhok samantalang yung isa naman ay shoulder level lang ang hair. Nakatingin sila sa akin kaya parang ako ang pinag-uusapan nila.
"She deserves it girl because a cheap bitch like her doesn't belong here." Maarteng sabi nung may mahabang buhok at parang pinaparinggan ako.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at hindi ko nalang pinansin yung mga sinasabi nila. Ayokong mapaaway sa kahit na sino kasi ayokong mawala ang scholarship ko kaya umiwas na lang ako kahit gustong-gusto ko na silang komprontahin.
Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglakad pero noong malapit na ako sa building namin ay hinarangan ako ng dalawang lalaki.
"Wait namumukhaan ko kayo ah. Kayo ba yung kaibigan ni pangit?"
Nagtinginan naman sila at hindi nila napigilan ang pagtawa.
"Hahaha kaya asar na asar siya sayo eh."
"Yeah, exactly at fraternal twins kami."
"Ah hehe sige una na ako ah." Aalis na sana ako pero hinarangan ulit nila ang daanan ko.
"Wait miss. Walang tao diyan kasi lahat sila ay nasa gym na" nakangiting sabi nito.
"Gym? Bakit doon?" Tanong ko rito.
"For a big announcement?"sabi naman nung isa.
"Sigurado ka?"
"Yup actually papunta na rin kami eh. Gusto mo sumabay ka na sa'min?" Pag-anyaya nito.
Tinignan ko sila at mukhang nagsasabi naman sila ng totoo kaya sumabay na ako papuntang gym. Ibig sabihin doon pumupunta 'yung mga nakikita ko kaninang nasa iisang direksyon ang pinupuntahan?
Maya-maya lang ay nakarating na rin kami. Marami ngang istudyante ang nandoon pero ang nakakagulat ay nang makita ko ang halos lahat ng istudyante ng WA.
Nailang ako bigla ng tumingin sa akin lahat ng nasa loob noong pumasok kami.Ikaw ba naman tingnan ng buong mag-aaral ng WA hindi ka ba maiilang? Sobrang dami kaya nun tapos mukhang mayayaman pa silang lahat.
Pero ang pinagtataka ko ay 'yung iba parang masaya na andito ako,may iba naman na parang kinakaawaan ako,may nagchichismisan at yung iba ay nakangisi na animo'y may naglalarong kung ano sa isipan nila.
Hinanap ko pa 'yung kambal pero hindi ko na sila nakita sa tabi ko. Pumunta na lang ako sa isang sulok at tinignan kung gaano kalaki itong gym ng school. Ilang saglit pa ay dumilim ang buong gymnasium.Sisigaw na sana ako nang biglang may tumutok sa aking spot light na siyang ikinagulat ko.
"Today we are gathered here to welcome this girl to our lovely school.Can you please come here on stage miss Biazon? "sabi ng isang istudyante na nasa stage.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...