Amethyst's POV
Hays ang sarap ng tulog ko. Ang ganda naman kasi ng panaginip ko kanina. Mayaman na raw kami at prinsesa raw ako na may prinsipe. Sinabihan pa nga ako na ang ganda ko raw at mukha akong anghel. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin kapag naiisip kong totoo iyon.
Kailan ko kaya mararanasan na manirahan sa bahay ng isang prince charming na may magandang bahay at may malambot-- Teka nga bakit parang ang lambot nga nitong hinihigaan ko?
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakitang hindi butas-butas iyong kisame kundi may magandang chandelier dito at maaliwalas ang paligid.
Napabangon agad ako at nilibot ang paningin sa buong kwarto. Napakaganda at napakalinis ng kwartong ito. Sobrang lawak din at kung tutuusin ay halos triple nang buong bahay namin ang laki nito.
Asan ba ako? Ang huling natatandaan ko ay nasa storage room ako at binuksan iyon ng kaibigan ni pangit.
"Gising ka na pala."
Napatingin ako sa may pintuan ng magbukas ito at pumasok ang isang magandang babae na may maganda ring ngiti. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa ngiti niya.
"Ahh eh asan po ako at sino po kayo?" Nahihiyang tanong ko habang nagkakamot ng ulo.
"Jefferson was really slow when it comes by courting. By the way I am Jessica Espiritu, Jefferson's mom. You can also call me mommy." She giggled.
Slow when it comes by courting? Anong ibig sabihin niya? At ano raw? Mommy ito nang Jeff na iyon? Hindi nga? Eh parang ate niya lang ito sa bata ng mukha niya!
"Aish mom I said stop from teasing us."
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa pinto si Jeff at parang naiirita siya sa mommy niya.
"Why?" Maang-maangang tanong nito sa anak.
"Tss get out mom. Male-late na kami sa class namin."
"Fine. Don't do anything with her huh? Just wait for the right time." Lumabas na siya at akmang magtatanong na ako kung nasaan ako nang bumalik ito at sumilip sa pinto. "But if gusto niyo na then go para naman magkaroon agad ako ng apo. Ang bagal kasi ng ate mo eh." Sabi ng nanay niya at kinindatan siya.
Mabilis naman siyang tinulak palabas ni Jeff at feel ko namula ako ng ma-realize ko ang ibig sabihin ng nanay niya.
"Sorry ganun lang talaga si mommy. First time ka lang kasi nagpunta dito and you're the only girl that I brought here." Sabi niya at lumapit sa akin.
"Ayos lang ang cute nga eh...Pero seryoso nanay mo siya?" Nahihiyang tanong ko pero natatawa lang siyang tumango-tango sa akin.
"Yup. She's my mom. Hindi halata 'no kasi parang mas matured pa ako sa kaniya?"
Napakamot na lang ako sa ulo at natatawang tumango-tango rin.
"Ahm Jeff salamat nga pala kahapon ah. Kung hindi ka siguro dumating baka hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa room na iyon"
"No problem but may I know what happened yesterday? Bakit umiiyak ka?"
Natigilan ako ng maalala ang nangyari kahapon. Napabuntong-hininga na lang ako bago matamlay na ngumiti sa kaniya.
"Ayokong madilim ang paligid ko. Natatakot kasi ako... Feel ko may ibang tao..."
"Ohh... it looks like you're not comfortable bye that topic so let's just forget about it. It's already 8 o'clock. Get ready now and don't worry, I already asked our maid to wash your uniform." Nakangiting sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/162618198-288-k412688.jpg)
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Ficțiune adolescențiThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...