Para mas ma-feel niyo 'tong chapter 53, just play any sad songs. Enjoy!
*****
Amy's POV
"September 15." Nakasimangot na sabi ko at nilagyan ng cross ang calendar ko.
Mag-gagabi na ngayon at dalawang linggo na ang nagdaan. Marami ang nangyari nitong mga makaraang araw. Puro kami naghahanda at naghihintay sa pagsapit ng birthday ni pangit. Excited na nga ang lahat dahil sa halos 12 years na nagdaan ay ngayon na lang ulit siya magse-celebrate.
Nagpapasalamat na lang kami ng makabalik siya ng bansa bago ang birthday niya. Simula kasi ng makauwi siya ay hindi pa rin namin siya nakikita. Kahit kasi sa school ay hindi pa siya pumapasok. Wala namang alam si yaya Perla kung nasaan siya ngayon dahil sinabihan lang siya sa telepono ng mansion na andito na siya ulit.
Tinext na siya ng mga kaibigan niya na dapat ay umuwi na siya dahil may okasyon, pero hindi nila sinabi kung para kanino ang okasyon na 'yun. Ang sinabi lang nila ay kailangan niyang pumunta dito sa isang party, isang importanteng kasiyahan.
At ngayon ang problema na lang talaga ay kung pupunta pa ba siya o hindi. Ilang oras na kasi kami naghihintay at nagsiuwian na 'yung iba, pati kami dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa venue. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Wala kasi kaming alam kung anong nangyayari sa kaniya dahil wala naman siyang sinasabi sa amin. Kahit kasi sa mga kaibigan niya ay hindi siya nagrereply kaya walang nakakaalam kung nasaan siya.
"He's late for almost 3 hours. Birthday niya na pero bakit hindi pa rin siya nagpapakita?" Nanlulumong tanong ni Len at pabagsak na umupo sa sofa.
Andito kaming lahat kasama ang daddy ni pangit sa mansion nila. Hanggang ngayon ay dito pa rin ako tumitira dahil umaasa ako na sa pag-uwi niya ay makakausap ko siya agad.
"I don't know what to do anymore." Namomroblemang sabi ni sir Xander, daddy ni pangit. Hinagod naman ni Nel ang likod nito at napahawak din sa sentido.
"Tito ipapa-ayos ko na ba 'yung venue?"
"No, baka pumunta pa siya. I want him to see that simple effort that we prepared just for him."
Napatitig na lang ako kay sir Xander na purisigidong ipagpatuloy ang party. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa dahil nararamdaman ko kung paano niya ginagawa ang lahat para lang sa anak niya pero masiyado na 'yatang matigas ang puso ni pangit para sa daddy niya dahil hindi niya maramdaman ito.
"S-sir aalis muna po ako at susubukan kong hanapin siya para sa inyo." Sabi ko at tumayo pero agad akong pinigilan ni Jeff, na ngayon lang sumama dito.
"Pero hindi siya mahanap nung mga private investigator ni tito kaya saan mo naman siya hahanapin?"
Ngumiti na lang ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko para makatayo.
"Handa akong hanapin siya kahit sa impyerno pa." Seryoso kong sabi kaya napabuntong hininga na lang siya.
"Sasama ako." Sabi niya pero umiling ako at tumingin na lang kay sir Xander. "Alis na po ako."
Wala na silang nagawa ng patakbo akong nagpunta palabas ng mansion. Napaisip tuloy ako bigla kung saan ko siya umpisang hahanapin. Tama naman kasi si Jeff na kahit 'yung mga kilalang tao na hinire ni sir Xander ay hindi nagawang hanapin si pangit.
Hay nako! Saan ka ba kasi napadpad?!
"Tss this is the secret garden."
Napatigil ako sa paglalakad ng maalala ko 'yung sinabi niya sa akin sa park noon. 'Yung secret garden!
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...