Amy's POV
Limang araw na akong nandito sa hospital at gusto ko ng umuwi. Ang sabi naman ng doktor ay kailangan ko pang magpahinga dahil masyado daw napagod ang katawan ko. Wala tuloy akong magawa kundi sundin sila.
Ilang araw na ang lumipas at halos lahat silang mag-kakaibigan ay dumadalaw sa akin, lalo na si Jeff na halos dito na matulog sa hospital para daw mabantayan ako. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip, kung dati siguro ay kikiligin pa ako kung sasabihin niyang siya ang magbabantay sa akin pero ngayon ay nagbago na, dahil si pangit na ang gusto ko.
"Dan!!!" Tawag ko kay Dan na siyang naka-assign para bantayan ako ngayon.
Oo binabantayan talaga nila ako. Natawa pa nga ako noong una nang sabihin nila sa aking may naka-assign sa bawat araw at oras na andito pa ako sa hospital. Para kasing napakalala ng nangyari sa akin kung mag-alala sila. Natutuwa tuloy ako dahil alam kong naging parte na rin ako ng pagkakaibigan nila.
"Napakaingay mo talaga! Didn't I tell you to shut your mouth?" Naiiling na sabi niya at binuklat ang librong binabasa niya. "Ano na naman bang problema mo?"
Hays napaka-isnabero talaga ng lalaking 'to! Ni hindi man lang nagawang sulyapan ako.
"Sorry na! Gusto ko lang sana malaman kung nakadalaw o nakapunta na dito si pangit?" Nakasimangot kong sabi at binato siya ng unan.
Simula nga pala noong mahospital ako ay hindi ko pa siya nakita. Siya lang sa mga mag-kakaibigan ang hindi pa 'yata nakakadalaw sa akin, maliban na lang sa sinasabi nilang pumunta ito dito noong unang araw ko. Ayoko ngang maniwala sa kanila kasi kapag pinapakwento ko sa kanila ang nangyari ay ayaw nilang sabihin.
"How many time do I have to tell you na hindi pa nga? Masyado mo na 'yata siyang namimiss!" Inis na sabi niya at binato ulit sa akin ang unan na binato ko sa kaniya. Mabuti na lang at hindi tumama sa mukha ko.
Nakakapagtaka ba dahil parang ang close na namin? Syempre dahil sa pagka-bored ko dito ay kinulit-kulit ko siya noon na makipag-usap sa akin kaya marami akong nalaman tungkol sa kaniya. Hihihi natutuwa talaga ako sa lalaking 'to dahil mukhang nahanap niya na ang katapat niya.
Gusto niyo bang malaman kung sino? Hihihi ang president lang naman ng school namin! Nakita at nakausap ko na 'yun dati dahil siya ang napagtanungan at tumulong sa akin para maibigay ang mga forms na kailangan ko para makapasok ako noong pangalawang araw ko dito. Hindi ko maipagkakailang maganda siya at napakabait kaya botong-boto ako sa kaniya para dito sa lalaking ito. Baka mapaamo niya hihihi!
Grabe talaga. Dati ay sobra ang pagka-curious ko sa kaniya, ngayon naman ay parang alam ko na ang lahat na kahit 'yung simpleng bagay tungkol sa kaniya.
"Hays alam mo naman na may gusto ako sa kaniya eh! Palibhasa ay nakikita mo lagi 'yung gusto mo!" Nakapout kong sabi at yinakap na lang ang unan na pinagpasahan namin.
Kung alam ko na ang kwento ng buhay niya ay syempre nagkwento rin ako. Hindi ko nga alam kung may naintindihan siya sa pinagsasabi ko kasi sa ilang araw ko dito ay talambuhay ko na talaga ang nakwento ko kaya siguro naguluhan siya. Kasama kasi dun 'yung feelings ko para kay pangit at sa ilang araw na 'yun ay parang hindi naman siya nakikinig ng maigi sa'kin!
"Ilang ulit mo na nga bang sinabi 'yan? Nakakaumay! And please, stop saying that i like her because I don't!" Sabi niya at iniwas ang tingin sa akin.
"Aysus! Wala naman akong sinasabing pangalan ah! Bakit kung makapag-react ka ay parang may binanggit ako?" Panunukso ko sa kaniya kaya inis na ipinatong niya sa small table ang librong binabasa niya.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Roman pour AdolescentsThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...