Amy's POVMartes na naman ngayon at pagkatapos namin tumambay kahapon sa paradise na tinatawag ni Jeff ay pumunta na kami sa next class namin. Buti na lang talaga ay hindi pumasok si pangit.
Ngayong nasa school na naman ako ay panibagong araw na naman para iwasan siya dahil wala talaga akong mautangan.
Naisip ko sanang manghingi muna kay dean ng advance allowance kaso nakakahiya naman at baka isipin niyang masyado ng makapal ang mukha ko. Baka mamaya kapag tinanong niya sa akin kung bakit kailangan ko ay wala akong masagot dahil sa kaniyang apo ko ibibigay ang pang-allowance na hihingin ko.
"Hay nako. Bakit ba kasi dito ko pa napagpasyahang pumasok." Namomroblemang sabi ko sa sarili habang naglalakad dito sa hallway ng admin building.
"Aww nagsisisi ka na bang dito ka pumasok?"
May narinig akong boses sa likod ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko ang kambal na nakasimangot lalo na si Len.
"Ahh eh hindi naman. Mayroon lang akong problema."
"Do you need our help?" Tanong pa ni Nel.
"Hehe hindi na kailangan."
"Are you sure Amy?" Tanong ni Len. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya."Good kasi may kailangan pa kaming gawin"
"Ano naman iyon?"
"Scret." Tumatawang sabi ni Len at tumingin sa kambal niya.
Umiiling na tumatawa lang naman si Nel na parang nagkakaintindihan sila.
"By the way, sir Domingo said that we will going to have a performance next week so we need to practice now in music room to prepare."
"Tapos?"
"And he want you to be the leader." Nakangiting sabi ni Len.
"T-teka bakit ako? At saka bakit parang wala akong narinig na may performance task agad tayo?"
"I don't know either. Maybe you didn't hear that because you're too busy with something else." Kibit-balikat na sabi nito.
"Sigurado ba talaga kayo?"
"Yeah. If you want, we can go there together."
"Okay?"
Nagsimula na kaming pumunta sa music room ni Len dahil may kukunin pa raw si Nel sa kings room kaya susunod na lang siya.
Nang makarating naman kami sa building ng MAPEH department ay nagpaalam bigla sa akin si Len na may naiwan daw siya sa bahay nila kaya no choice kundi ang mag-isang pumunta sa music room. Mabuti na lang at tinuro niya ang direksyon papunta doon dahil baka maligaw ako sa dami ng rooms na makikita.
'Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwentoLagi-lagi ka sa amin dumidiretsyo pag-uwi
Naglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon,ooohh oh oh'Naglalakad-lakad lang ako at tinitignan ang bawat kwarto na madaraanan ko ng makarinig ako ng boses sa dulo kung saan nandoon ang music room.
'Diba't ikaw nga iyong reyna at ako ang 'yong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dararada dati, dararada dati, dararada dati,
Na gaya pa rin ng...'Dahan-dahan akong lumapit at tama nga ako na rito nanggagaling ang boses na naririnig ko. Ang sarap pakinggan ng boses niya at parang punong-puno ng emosyon ang bawat pagbigkas niya sa liriko ng kanta. May halong kalungkutan.
'Diba't ikaw nga iyong reyna at ako ang 'yong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng da-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin ng
da-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin ng...ng dati'Unti-unti ko namang binuksan ang pintuan ng tumahimik bigla, hudyat na tapos na siya kumanta. Maliit lamang ang binuksan ko at nasilip ko sa loob ang isang lalaking may hawak na gitara at nakatalikod sa akin. Nakayuko din siya kaya hindi ko makita kung sino ito.
Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob at dahan-dahan ring sinarado ang pinto. Nagtago ako sa likod ng isang upuan dito sa music room at tinignan siyang ibinabalik ang gitara sa lagayan nito.
Nang humarap naman siya ay nagulat ako ng makita ko si pangit. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. 'Di ba nga iniiwasan ko siya? Baka sabihin niyang sinusundan ko siya eh napaka-kapal pa naman ng mukha niya.
Nataranta naman ako bigla ng papalapit siya sa pwesto ko. Nakatago nga kasi ako at nasa gilid ko lang ang pinto kaya kung lalabas siya ay paniguradong makikita niya ko. Dahil tuloy sa pagkataranta ko ay natulak ko ang upuang nasa harap ko na siyang tumatakip sa akin kaya napatigil siya at gulat na tinignan ako.
"Scholar?"
"Hehe hello?"
"What are you doing here?"
"Bakit ikaw lang ba ang may karapatan dito?"
Tumayo naman ako at pinagpag ang damit ko bago siya taasan ng kilay.
"Apo ako remember?"
"Hays napakayabang mo talaga." Ngumisi naman siya pero tinarayan ko lang ulit.
"By the way, why are you here?"
"May practice daw sabi ng kambal."
"Tss I think it's just a prank. Ganiyan din ang sinabi nila sa akin but until now ikaw at ako pa lang ang nandito."
"Prank? Pero bakit naman nila gagawin iyon?" Hindi naman siya nagsalita at nagkibit-balikat lang.
Pumunta ako sa may pintuan at nang subukan ko itong buksan ay parang naka-lock sa labas.
"Teka bakit ayaw magbukas?"
Tinignan ko sa likod si pangit at nagtatakang lumapit siya sa akin. Sinubukan niya ring buksan ang pinto ngunit nabigo lang siya. Lumapit naman ulit ako sa pinto at pilit kong binubuksan ito.
"Sorry Amy!" Nakarinig naman ako ng boses sa labas at parang si Len ito.
"Len is that you?" Tanong nitong kasama ko.
"Yup this is me!"
"Len pwede bang pabukas nitong pinto?!" Pagmamakaawa ko at pilit pa ring binubuksan ang pintuan.
"No no no! We need to do this para makabawi sa'yo Amy!"
"Makabawi saan?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Basta magbati na lang kayo! We'll be back before break time if ayos na kayo!"
"Pero--"
"Goodbye bro and Amy!"
"Shit! Open this fucking door or else I will kick you, badass!"
Sinipa pa ng kasama ko ang pinto ngunit nakarinig lang kami ng papahinang pagtawa.
Kunot-noo akong lumingon kay pangit at halos mapasabunot sa sarili ng mapagtanto ang sitwasyon namin ngayon.
Ibig sabihin lang kasi nito ay makukulong kami ni pangit dito hanggang mamaya!!!
*****
Vote.Comment.Share
~mikaaa_miks
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...