Amy's POV
Miyerkules na at nandito na naman ako sa school pero ang pinagkaiba lang ngayon ay kasabay ko na si pangit.
Kung tatanungin ang nangyari sa aming dalawa ni Jeff? Aba wala akong nasagot sa kaniya kaya tumayo na lang ako at umalis na.
Nakakahiya naman kasi 'yung nasabi ko sa kaniya kahapon! Hindi ko na tuloy alam kung paano ko pa siya haharapin! Kung kahapon nga ay pulang-pula na ako sa kahihiyan paano pa kaya ngayon na magkikita ulit kami.
"Hey tabs bakit ba hindi ka mapakali?" Tanong ni pangit sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.
Lumingon naman ako sa gilid at nakita ko si Jeff na naglalakad papunta sa amin. Palingon-lingon din siya kaya agad akong nagtago sa likod ni pangit para hindi niya 'ko makita pero mukhang huli na dahil agad siyang ngumiti at kumaway sa amin.
"Hey crush!" Sabi niya at tinignan ako.
Naiilang naman akong ngumiti sa kaniya at wala ng nagawa kung 'di ang pumunta na sa gilid ni pangit na ngayon ay nagtataka.
"Hehe hello."
"Kamusta ka na crush? Kanina pa kita hinahanap. Mabuti na lang at nakita ko kayo agad." Sabi niya at mas ngumiti kaya kitang-kita ang dimple niya. "Bakit ka ba kasi umalis agad kahapon? Hindi tuloy tayo nakapag-usap."
"Crush?!" Nagtatakang tanong ni pangit at nagpapalit-palit nang tingin sa amin ni Jeff.
"I told you bro that I like her and yesterday she said na crush niya 'ko!" Masayang sabi niya at tumingin ulit sa'kin.
Naiilang naman akong ngumiti sa kaniya at paglingon ko kay pangit ay nakakunot-noo ito habang nakatingin sa akin.
"And bro I want to court her!" Sabi ni Jeff at hinawakan ako sa braso. Inilapit niya rin ako sa kaniya at inakbayan ako.
Hindi naman ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa mga sinasabi ni Jeff sa akin at dahil na rin sa matatalim na tingin ni pangit.
"Are you serious bro?" Hindi makapaniwalang tanong ni pangit at nakatutok ang mata sa kamay ni Jeff na nakaakbay sa akin.
"Yes bro." Ngiting-ngiting sagot ni Jeff pero nawala ito ng biglang tanggalin ni pangit ang kamay niya sa balikat ko at hilahin ako paalis doon.
"T-teka bakit mo naman ako hinila palayo? Ni hindi pa nga tayo nakakapagpaalam sa kaniya." Sabi ko ng makarating kami sa classroom.
"Tss anong sinabi mo sa kaniya kahapon?" Inis na sabi niya at hindi pinansin ang tanong ko.
Napalingon naman ako sa paligid ko at lahat sila ay nakatingin sa amin.
"All of you! Lumabas kayong lahat ngayon na!" Sigaw ni pangit na siyang ikinagulat ng lahat kaya agad silang nagsilabasan ng room.
Ang naiwan lang ay ako, si pangit, ang kambal at si Dan na nakatingin sa aming dalawa.
"Now answer me. Totoo ba iyong sinabi ni Jeff kanina?"
Tumango naman ako at sinabi ang nangyari kahapon. Nagulat na lang ako ng bigla niyang sipain ang isang upuan.
"I shouldn't left you yesterday!" Inis na sabi niya at lumapit kay Dan. "Let's change our seat!"
Walang salita na lumipat nga ng upuan si Dan. Padabog namang umupo si pangit sa tabing upuan ko at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi ka ba uupo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/162618198-288-k412688.jpg)
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...