Amy's POV"Crush, saan kayo pumunta kahapon?"
Nadito na ako ngayon sa classroom kasama sila Jeff, Dan at pangit. Wala pa ang kambal dahil sabi ni Dan ay hinatid pa nang dalawa sa kabilang building sila Mad at Van.
Kanina pa kami nandito at kanina pa ako tinatanong ni Jeff kung saan kami pumunta kahapon at kung anong ginawa namin. Hindi ko naman siya sinasagot at tumitingin lang ako kay pangit na nakasimangot.
Ayaw ko pang sabihin sa kaniya dahil baka malaman niyang lumipat na ng bahay sila Nanay. Baka malaman niya pa na kaya sila lumipat ay para mapalapit sa akin. Ibig sabihin lang noon ay malalaman ni Jeff na kila pangit ako nakatira na ayoko pang mangyari.
"Wala lang iyon." Sabi ko sa kaniya at napatingin sa harap ng biglang pumasok ang kambal kasunod si sir.
Nagsimula naman kami sa klase namin at sinabi ni sir na baka sa susunod na week pa malalaman 'yung result ng exam namin.
Sa kalagitnaan naman ng discussion ay may isang istudyante ang nagpaalam para sa mga players. Kailangan na daw kasi nilang magpractice para sa nalalapit na intramurals kaya naiwan ako sa room. Sumama kasi ulit si Dan kahit hindi naman siya players.
Maya-maya lang ay natapos na rin ang klase namin. Umalis na ako sa classroom at pumunta muna ng CR.
"You know what girl? Kinikilig talaga ako kay baby Nel."
Nagulat ako ng may marinig akong malanding boses na nagsabi ng pangalan ni Nel.
"Same here kay baby Len. He's so sweet to me and I didn't expect na mapapansin nila tayo." Kinikilig na sabi naman ng isa at kung hindi ako nagkakamali ay mukhang si Mad at Van itong nag-uusap base sa maaarte nilang boses.
"Oh yeah. Nakakapagtaka nga eh, bigla na lang tayong inapproach ni Len at the gymnasium, then the next day kasama niya na si Nel." Nagtatakang tanong ni Van.
"Just be happy because finally napansin din tayo ng dalawa sa grupo nila." Maarte namang sabi ng isa.
"You're right girl. We just need to do our best para mas mapansin pa tayo nung tatlo, especially ni baby Jeff."
"One more step and si baby Kayle naman ang mapapasa'kin." Huling rinig kong sinabi ni Mad bago ko napansing lumabas na sila.
Lumabas na rin ako sa isang cubicle ng CR at humarap sa salamin dito sa loob.
"Ano na naman kaya ang balak ng mga 'yun?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin at naghuhugas ng kamay."Tss mga mahaharot na babae."
Ilang saglit pa ay lumabas na rin ako ng comfort room para pumunta ng cafeteria. Pagkarating ko doon ay naghanap agad ako ng upuan na medyo nasa gilid para hindi mapansin kaagad. Inilabas ko na rin ang baon kong pagkain dahil nanghihinayang ako sa pera kung dito pa ako bibili.
"Can I sit here?"
Nagulat ako ng biglang lumapit sa table ko ang isang lalaking may dala ng tray. Nilingon ko pa ang paligid namin pero meron pa namang ibang space kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya na ngayon ay nakaupo agad sa tapat ko kahit hindi pa naman ako pumapayag.
"T-teka bakit ka lumapit sa akin? Hindi ba't ayaw niyo sa'kin kaya pinapaalis niyo ko dito?"
"Sino namang may sabi na lahat kami dito ay may ayaw sa'yo? And who says na pinapaalis kita? Isa ba 'ko sa bumato sa'yo noon?" Sunod-sunod na tanong niya at ininom ang juice na dala niya.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...