Amy's POVSunday na ngayon at panibagong umaga na naman para simulan ang araw na ito.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan 'yung sinabi sa akin ni pangit na masyado akong pakialamera, pero naiintindihan ko siya dahil lasing siya noong mga oras na 'yun at alam kong masakit talaga ang mga nangyari sa kaniya noon.
*Kring Kring Kring*
Napatingin ako sa cellphone na binili ni pangit sa akin. Napangiti ako ng makita ko sa screen ang picture namin noong nag-picture kami sa mall. Tinakot niya pa nga ako na kung papalitan ko 'yun ay babawiin niya ang cellphone na bigay niya.
"Hello Jeff?" Sabi ko sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag.
Hiningi niya kasi 'yung number ko ngayon para daw kapag may emergency matatawagan ko siya agad. Napaisip tuloy ako kung bakit niya ako tinawagan.
"Hey Amy pwede ka ba ngayon?"
"Ahm pwede naman. Bakit?"
"Gusto ko lang makasama ka." Natatawang sabi niya kaya nakitawa na rin ako. "So pwede ka talaga ngayon?"
"Oo nga."
"Okay! I'll fetch you there."
Pinatay niya na ang tawag kaya nag-ayos na ako ng sarili ko. Simple lang naman ang suot ko. Isang red t-shirt at jeans.
Bumaba na ako matapos kong mag-ayos at naisipan kong uminom muna ng tubig pero pagkarating ko sa kitchen ay nakita ko si pangit.
"Tabs." Sabi niya at tumayo pero hindi ko na lang siya pinansin. "Hey saan ka pupunta?."
Hinarap niya ako sa kaniya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretsyo kaya yumuko na lang ako.
"What happened to your hand?" Nag-aalalang tanong niya at chineck ang kamay kong nakabalot ng tela.
"A-ahh wala ito...oo nga pala aalis muna ako. Kung may kailangan o ipapagawa ka ay mamaya na lang siguro pagbalik ko." Sabi ko at uminom na nga ng tubig.
Hindi naman na siya nagsalita kaya umalis na ako doon dahil narinig ko ang pagtunog ng doorbell.
"Good morning Amy!" Nakangiting bati ni Jeff ng pagbuksan ko siya ng pinto.
Binati ko rin naman siya at naglakad na papunta ng kotse niya. Hindi ako nagsasalita buong byahe at nakatingin lang sa daan. Hininto niya naman ang sasakyan ng makarating kami sa simbahan.
"Nagsisimba ka pala?" Tanong ko sa kaniya ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"Haha oo naman! Hindi lang halata." Sabi niya at inakay ako palabas.
Pinagmasdan ko naman ang malaking simbahan sa harap namin bago kami pumasok. Umupo kami at hindi ko maiwasang maisip si pangit kaya ipinagdasal ko siya na sana ay magka-ayos na sila ng daddy niya.
Nagtuloy-tuloy ang seremonya hanggang sa matapos kaya pagkalabas ko ay biglang gumaan ang kalooban ko. Sumakay ulit kami sa kotse pero ngayon ay nag-uusap at nagtatawanan na kami.
"Teka bakit tayo nandito?" Tanong ko ng makitang huminto na naman ang kotse sa isang amusement park.
"Magpapakasaya tayo!" Nakangiting sabi niya at marahang hinawakan ako sa braso.
Sinabi ko kasi sa kaniya na may sugat ako dahil nadulas ang kamay ko kahapon sa paghiwa ng karne. Mabuti na lang at naniwala siya kaya hindi na nagtanong pa.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...