Xian's POV
"Kyah andito na siya."
"Wait. Bakit mukhang bad mood naman yata siya ngayon?"
"Ano kayang nangyari?"
Pagkatapos ng nangyari kanina ay pumunta na ako ng classroom. Padabog akong umupo at yumuko sa may desk ko.
Until now ay naiinis pa rin akong isipin na tinawag akong pangit at tinalikuran na lang basta-basta ng isang hamak na babae.
"Hala bakit ganito tong dalawang toh?" Narinig kong tanong ni Len.
"I dunno." Narinig kong sagot naman ni Nel.
"Eh ikaw Dan alam mo?" Makulit na tanong ulit ni Len.
"I don't know either just ask them."
"Ah mga bro what happened? Kindly share it?"
Umayos ako ng upo, tumingin sa harap at inis na inisip na naman ang nangyari kanina.
"Nice talking to the both of you." Sarcastic na sabi ni Len pero hindi ko pa rin yun pinansin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nang kambal niya.
"She looks like an angel."
Napatigil na lang ako sa kakaisip ng nangyari nang marinig ko si Jeff na biglang nagsalita.
Nakatulala siya at nakangiti na parang ewan. Sinipa ni Nel iyong upuan niya kaya umayos siya ng upo at parang nagulat pa.
"Hey bakit mo sinipa?!"
"What do you want? Hayaan kitang mapagkamalang baliw diyan?"
"You know what? Panira ka!"
"Wow ako pa ang may kasalanan ngayon kung bakit ka mukhang baliw? Ano ba kasi talagang nangyari?" Lumingon siya sakin."Pati sayo Xian? Anong nangyari sa inyong dalawa?"
"Nothing may nakasalubong lang ako kaninang nakaka inis"
"Nakakainis?" Tanong naman ni Dan.
"Yeah and I'm not in the mood right now to talk about that girl."
"Woah isang babae ang nagawa kang inisin?" Gulat na gulat namang tanong ni Nel.
"Nevermind."
Tumawa naman sila dahil sa naging reaksyon ko pero tumigil rin naman at agad-agad na tumingin kay Jeff nang tingnan ko sila ng masama. Alam kasi nila na ayokong nalalamangan ng kahit na sino. Paano pa kaya ang isang hamak na babae!
"Pffft... Eh sa'yo?"
Humarap sa amin si Jeff at para na namang tangang naka-ngiti at parang may ini-imagine.
"Guys ganito kasi 'yun. Remember kanina noong sinabi ko na mauna na kayo? May sinundan akong napakagandang babae. Chicks na chicks mga bro. Ang sexy niya tapos sobrang ganda niya pa kaso hindi ko alam kung saan na siya nagpunta nang makaliko ako sa hallway ng Admin."
"Hala baka naman multo iyon?" Pananakot ni Nel.
"Tss sana magmulto rin sayo!" Sabi ni Jeff at binatukan si Nel. Nagtawanan naman kami dahil doon.
"Eh chicks lang naman pala bro eh bakit ganyan ka naman maka-react? 'Di ba halos araw-araw ka namang may babae?" Nakangising tanong ni Dan na para bang interesado na sa narinig na topic namin.
"Ewan ko ba bro but there was something with her that I can't explain. She's very simple unlike other girls." Naka-ngiti na naman niyang saad.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
JugendliteraturThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...