Amy's POV"Kaya kung pwede lang ay 'wag ka ng manggulo pa dahil masaya na kami sa isa't-isa."
Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko 'yang linya na sinabi niya. Nakakainis na nakakatawang marinig 'yan. Nakakainis dahil sa tingin niya ay panggulo ako at nakakatawa dahil mukhang sa pagkakataong 'yon ay natamaan ako sa sinabi niya.
Ewan ko ba pero kahit ilang oras na ang dumaan matapos niya 'yung sabihin sa akin ay paulit-ulit pa rin itong rumirehistro sa isip ko. Lumabas na nga siya't lahat-lahat pero hindi nito nagawang patulugin ang utak ko. Napagpasiyahan ko tuloy na lumabas din at magpahangin muna.
Pagkalabas ko naman ay sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Magtatakip-silim na pala pero hindi ko man lang napansin. Makulimlim din at mukhang uulan pero hindi ko na pinansin at naglakad ako palapit sa malawak na dagat. Umupo ako at sandaling pumikit. Pagkadilat ko naman ay nakita ko ang kagandahan ng papalubog na araw kaya napangiti ako.
"Why are you smiling?"
Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko, pero ang mas nakakagulat ay ang makita si pangit na nakangiti sa akin. Parang may kung anong kiliti tuloy ang dinulot nito sa sistema ko.
Nakatulala lang ako sa kaniya at hindi makapaniwalang nasa tabi ko siya ngayon at nakangiti sa akin. Natawa tuloy siya at umiiling na umayos ng upo saka tumingin sa araw na unti-unting nawawala.
"Bakit gising ka pa?" Tanong niya kaya napayuko ako.
"W-wala lang." Sabi ko at bumuntong hininga ng maalala na naman ang naging dahilan kung bakit hindi ako makatulog.
"Hahaha. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na ako ang iniisip mo?" Biglaang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Natatawa naman siyang lumapit sa tenga ko at bumulong. "Joke lang. Alam ko naman na 'yung moron na 'yun ang iniisip mo."
Napatitig ako sa kaniya at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Alam ko namang si Warren ang tinutukoy niya pero hindi ko na nagawang umangal pang ito ang iniisip ko dahil masyado siyang malapit sa akin at nasasaktan akong makita ang malulungkot niyang mata.
Lumayo na lang ako sa kaniya at huminga ng malalim. Bumuntong hininga din siya at umayos na ulit ng upo. Hays, para akong nauubusan ng hininga tuwing malapit siya sa akin. Tumahimik na lang tuloy ako at pinagmasdan ang langit. Ilang minuto din ang lumipas na walang nagsasalita sa amin kaya sumulyap ako sa kaniya na kanina pa 'yata nakatitig sa akin.
"B-bakit?" Naiilang na sabi ko at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay namumula ang mukha ko dahil sa hiya. Teka nga, dapat siya ang mahiya sa amin 'di ba? Siya ang tumititig at may kasabihan na 'staring is rude'! Oo tama! Siya dapat ang mahiya kasi bigla siyang nagbago! Sinaktan niya rin ako kaya dapat siya ang mahiya!
Hooo! kung saan-saan na napunta 'tong hiyang sinasabi ko... Amethyst, kalma lang okay?
"Hmmm... ang ganda 'no?" Tanong niya at itinuro ang araw.
Hindi naman ako sumagot at pinagmasdan lang ang unti-unting paglubog nito. Ilang segundo pa ang nagdaan ay hindi ko na siya narinig pang magsalita kaya napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti ng malawak at dahan-dahang binababa ang kamay niyang nakaturo kanina sa papalubog na araw. Hindi ako makapaniwalang nagagawa niyang nginitian ulit ako ng ganiyan, pero mas hindi ako makapaniwala sa sumunod niyang sinabi...
"Pero hindi ko alam na may mas maganda pa pala sa sunset."
Hindi ko alam pero ng sabihin niya 'yan ay napatitig ako sa mga mata niya. Ayokong mag-assume pero base sa pagtitig niya sa akin, parang sinasabi niya na rin na ako ang tinutukoy niyang mas maganda pa kaysa sa sunset.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...