Amethyst's POV
Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil iniiwasan kong makasalubong sa daan ang pangit na iyon. Monday na kasi at nakalabas na sa hospital ang kapatid ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahanap ng ipapambayad ko sa kaniya.
Monday na rin ngayon pero parang hindi dahil kung karaniwang araw lang ito ay baka pagpasok ko pa lang ay hinarang at na-harass na nila ako. Sabagay, mas mabuti na rin siguro ang ganito para maging mapayapa ang pamamalagi ko dito.
Nagpapalinga-linga lang ako sa paligid at nagdadasal na sana hindi ko makasalubong si panget nang makita ko sa 'di kalayuan si Jeff na naglalakad.
Kapansin-pansin ang napakagwapo niyang mukha kaya hindi maiwasan ng mga babae sa school na titigan siya. Kahit nga rin ang mga lalaki ay paniguradong nakakaramdam ng inggit at paghanga tuwing makikita si Jefferson dahil sa halos perpektong mukha niya.
"Jeff!"
Tinawag ko siya kaya agad siyang napatingin sa'kin at ngumiti. Naramdaman ko naman ang masasamang tingin sa akin ng mga babae dahil pinansin ako ni Jeff.
"Good morning Amethyst!" Nakangiting sabi niya ng makalapit sa akin.
"Hehe good morning din. Oo nga pala sorry kung hindi natuloy iyong gala natin kahapon kasi nagkaroon ng emergency sa'min." Ginulo niya naman ang buhok ko at tumawa siya.
Kahit sa pagtawa niya ay para siyang nasa commercial at lumalabas ang dalawang malalalim niyang dimple sa magkabilaang pisngi.
"Haha I understand. Sorry rin kasi nahuli ako. Maybe next time na lang?" Sabi niya at kinindatan ako.
Tumawa na lang ako ng pilit dahil bigla akong nahiya at nailang sa kaguwapuhan niya. Hays feel ko tuloy ay pulang-pula ang mukha ko dahil sa kung ano-anong naiisip ko.
"Hoy!!!" Nabigla naman ako ng may tumulak sa akin at natumba ako sa dibdib ni Jeff.
Teka bakit parang ang tigas? Hanggang balikat niya lang kasi ako dahil sa tangkad niya kaya natumba ako sa may bandang dibdib niya.
Omy abs niya ba 'to?! Ang alam ko 17 pa lang siya pero bakit parang nahubog na agad ang katawan niya sa ganitong edad?
"Amethyst ayos ka lang?"
Bigla akong napalayo sa kaniya at umayos ng tayo. Hindi ko siya magawang tingnan dahil naramdaman kong mas lalong namula ang pisngi ko sa nangyari.
"Hoy! Anong nangyare sa'yo bakit pulang-pula ka?"
Tiningnan ko naman kung sino ang nagsalita at tumulak sa akin. Nakita ko si Pangit na nagtatakang tinitignan ako.
"Wala kang pakialam." Pagsusungit ko sa kaniya.
"Aba tandaan mo may--"
"Ahh eh Jeff halika na at baka ma-late pa tayo!"
Agad ko siyang hinila at hindi na pinasagot pa para lang makalayo sa lalaking iyon.
Hay nako! Muntik ko nang makalimutan na kailangan ko munang umiwas sa kaniya dahil wala pa kong maipapambayad.
"Wait bakit ba tayo tumatakbo? May umaaway na naman ba sa'yo?" Hinihingal na tanong niya matapos naming huminto muna. Tumingin-tingin din siya sa paligid.
"Ahh wala naman pero baka ma-late tayo hehe " Pagdadahilan ko. Ginulo niya naman ulit ang buhok ko at ngumiti sa akin.
"Masyado pa namang maaga pero ayos na rin siguro ito para makapag-usap pa tayo." Nakangiting sabi niya kaya lumabas na naman ang mapang-akit niyang dimples. "By the way, I talked to our dean last time and sinabi ko iyong nangyari noong nakulong ka sa storage room. He also asked me if I can be your guard for a mean time and of course I said yes." Sabi niya at sumaludo pa sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/162618198-288-k412688.jpg)
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Fiksi RemajaThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...