Jeff's POV"Iho salamat nga pala sa pagtulong mo sa amin noong nakaraan ha?" Sabi ng nanay ni Amy.
Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil susunduin ko siya. Of course nagpaalam na rin ako sa parents niya.
"Ayos lang po iyon tita."
"Napakabait mo namang bata ka. Mabuti na lang at nagkaroon agad si Amethyst ng kaibigang tulad mo."
Ngumiti na lang ako dahil wala na akong masabi. Kanina pa kami nagkukwentuhan ng nanay niya at kanina niya pa rin ako pinupuri.
"Tumigil ka na nga Marites at baka naiilang na iyan sa'yo." Pagsaway ng asawa niya.
Nagpaalam naman si tita na may aayusin pa kaya naiwan kami ng tatay ni Amy.
"Iho sigurado ka bang hindi ka talaga nanliligaw kay Amethyst? Kasi alam mo dumaan din ako sa ganyan at saludo ako sa'yo dahil pumunta ka pa talaga rito para lang umakyat ng ligaw sa anak namin..."
Hindi naman ako nakapagsalita at para akong nanigas sa pagkakaupo ko ng sabihin iyon ng tatay niya.
"Teka tito Fred--"
Kaibigan ko lang naman si Amy at hindi ako sanay na pag-usapan ang ligawan. Mostly kasi wala nang ligawang nagaganap sa mga past relationships ko or should I say, sa mga flings ko.
"Ayos lang naman talaga iho." Tumatango-tango pang ani nito.
Halos hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya. Mabuti na lang ay sumulpot agad si Amy at kinausap ito. Kung hindi siguro nito nakuha ang atensyon niya ay paniguradog wala akong masasabi sa hiya.
"Sorry kung natagalan ako. Tay nakapagpaalam na po ako kila nanay kaya aalis na po kami!"
"Sige anak mag-ingat kayo."
Yumuko na lang ako at agad na inakay palabas ni Amy. Sumakay na rin kami ng kotse pero hindi ko muna pinaandar. Natawa na lang ako sa sarili dahil sa experience ko sa kanila.
"Pagpasensyahan mo na iyong pinagsasabi ni tatay kanina ha? First time eh." Nahihiyang sabi niya.
"Narinig mo?"
"Hehe oo."
Pinatong ko naman ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ito. Nakahiligan ko na kasing gawin ito sa kaniya lalo na kapag ang cute niya sa paningin ko. Ayoko lang sabihin sa kaniya dahil baka mailang siya bigla sa akin.
Nginitian ko na lang siya at sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan. Naisip kong pumunta na lang ng mall para naman makapag-relax siya kahit papaano.
"Dito na ba tayo?" Sabi niya ng ihinto ko ang sasakyan matapos i-park ito.
"Yeah let's go." Sabi ko at naunang bumaba para pagbuksan siya ng pinto.
Nagpasalamat siya sa akin at pumasok na kami. Nang madaanan namin ang arcade ay agad ko siyang hinila sa loob.
"Wow! Teka pano 'to?" Manghang sabi niya habang tinitignan iyong teddy bear sa loob ng machine.
"First time makapasok sa arcade?" Takang tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at talagang makikita sa mata niya ang pagkamangha.
"Hahaha okay wait me here and I will teach you."
Iniwan ko muna siya doon at bumili ako ng maraming token. Pagbalik ko ay nakita ko na siyang tutok na tutok sa panonood ng isang bata na kasama ang parents sa pagkuha nito ng teddy bear.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Roman pour AdolescentsThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...