Amy's POVTatlong araw.
Tatlong araw pa lang kaming nandito pero gustong-gusto ko na talagang umuwi!
Paano ba naman kasi, hindi ko na kayang makita pa silang dalawa. Ayos lang sana kung magkalayo sila ng ilang meters pero ang babae niya ay para talagang tuko na gustong-gusto dumikit sa kaniya!
Noong first day namin dito, gabi na pero hindi pa rin siya pumupunta sa room namin kaya naisipan kong lumabas muna para sana mag-cr, kanina pa kasi sumasakit ang tiyan ko pero nakita ko sila sa kusina na nag-uusap or should I say, naghaharutan. Nang makita ko 'yun, syempre bumalik na lang ulit ako sa kwarto at nagpagpasiyahan kong matulog na pero nakakaasar dahil hindi mawala wala sa isip ko 'yung mga moment nilang dalawa! Simula noong nakita ko sila sa kings room, sa kwarto ni pangit at 'yung kanina.
Mabuti na lang at tumawag si Jeff sa cellphone ko kaya nakapag-usap kami at medyo nawala sa isip ko 'yung dalawa. Nang magising naman ako ay nagtaka ako ng wala pa ring Trish na bumungad sa akin. Lumabas ako para sana silipin kung asan siya pero ang babaeng 'yun ay hila-hila sa braso si pangit papunta doon sa dining area. Akala ko ay natulog sila ng magkasama pero ng tanungin ko si Len na kasama ni pangit sa kwarto ay kasama niya naman daw ito noong gabi at wala ng iba.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong hindi sila magkasamang natulog pero ang nakakainis, noong araw din na 'yun, mula umaga hanggang gabi ay magkasama sila! Inilibot kami ni Warren dito sa kanila pero ang babaing 'yun ay kung saan-saan dinala si pangit at heto namang isa ay sumama rin! Hindi pa nga sila nakuntento dahil kahit gabi na ay magkasama pa rin sila.
Umikot ang tatlong araw ko na ganon ang nangyari kaya heto ako ngayon, sobra ang inis na nakikita silang dalawa! Imbes kasi na nagpapakasaya ako ngayon sa pag-swimming sa napakalawak na dagat dito ay sumasakit lang ang mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"That's a heart breaking scenery."
Nagulat ako ng bigla na lang may bumulong sa tenga ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si Warren na may malungkot na ngiti.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong sabi at umiwas ng tingin sa kaniya. Siyempre pati na dun sa dalawa.
"It's too obvious."
Tumabi naman siya sa akin at ibinabad din ang paa sa tubig. Andito nga pala kaming lahat ngayon sa harap ng malaking bahay nila kung saan may napakagandang view, ang dagat.
Hindi na sana ako sasama para makaiwas sa dalawang kinaiinisan ko pero mapilit ang kambal at hinila pa ako papunta dito, kaya no choice kung hindi tiisin ang nakakaasiwang eksena ng dalawa.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagtanggi ko at winisikan siya ng tubig.
"Ganiyan ka pala. In-denial." Sabi niya at natatawang gumanti rin.
"Ano ba kasing sinasabi mo?"
"May gusto ka sa kaniya."
Natahimik naman ako at napatingin sa dalawa na nasa gitna ng dagat, ibig kong sabihin, kung kami ang nasa mababaw at 'yung ibang kaibigan namin ay nasa malalim na part, silang dalawa naman 'yung nasa katamtaman lang ang tubig, mga hanggang bewang.
Nakayakap na naman 'yung babae kay pangit na siyang ikinairap ko. Grabe ang sakit talaga sa mata!
"Hahaha ang sakit sa mata 'no? Pero syempre mas masakit sa puso." Sabi niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. Para kasing nabasa niya ang nasa isip ko, o baka naman alam niya rin 'yung pakiramdam?
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Ficção AdolescenteThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...