Amy's POV"Ate!"
Andito na ako ngayon sa bahay at nakahiga sa kwarto ko kasama si Princess. Umuwi na rin kasi ako agad kasabay si Warren. Bigla na lang kasing umalis si pangit kahit hindi pa kami nakakapag-umpisa kaya umuwi na rin kami.
Ilang minuto din kasi ang hinintay ko bago ako lumabas sa kwarto niya kaya siguro umalis na. Nagulat pa nga ako ng wala na akong naabutan pa sa sala, maliban na lang kay Warren na nakaupo lang sa sofa.
"Ate?"
Hays, hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking 'yun! Hindi ko tuloy alam kung matutuloy ang pagiging tutor ko sa kaniya. Napakagulo niya kasi kung umasta at nakakaasar siya dahil hindi niya man lang naisip na pwede akong masaktan sa sasabihin niya!
"Uyy ate!"
Napatigil naman ako sa pag-iisip ng yugyugin ako ni Princess. Hindi ko man lang napansin na kanina niya pa pala ako kinakausap.
"Bakit?"
"Bakit hindi mo 'ko pinapansin ate?" Nakangusong sabi niya at umayos ng pagkakahiga.
"Ahh may iniisip lang."
"Si kuya po ba?" Pinagkunutan ko naman siya ng noo kaya tumawa siya. "Ayiiee si ate, iniisip si kuya Xian!"
"H-hoy hindi 'no!"
"Hahaha si ate namumula." Pang-aasar niya sa'kin kaya napahawak ako sa pisngi ko.
Hay nako, kahit sa pang-aasar lang ay ganito na ang epekto niya sa akin.
"Tumigil ka nga diyan Princess. Kay bata-bata mo pa eh!" Saway ko pero tinawanan niya lang ako.
"Asan nga po pala si Kuya Xian?"
"Hindi ko alam sa kaniya." Simple kong sabi at umiwas ng tingin.
Malay ko ba kung nanirahan na siya dun sa babae niya!
"Eh kailan po siya ulit pupunta dito?"
Huminga naman ako ng malalim at tumingin na lang sa mala-ulap na ceiling ng kwarto ko. Ang ganda nga eh at sabi ni nanay ay pinasadya daw ito ni pangit. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Hala ate! Bakit ka ngumingiti mag-isa?"
"Wala lang."
"Grabe naman ate ang epekto ni Kuya Xian sa'yo. Nagmumukha kang baliw haha!"
Tumingin naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay bago ko siya kiniliti. Aba itong batang 'to kung ano-ano ng nalalaman!
"Ate naman tama na! Tinatanong ko kasi kung kailan ulit pupunta si kuya dito pero hindi mo naman ako sinagot."
"Hindi ko alam kaya tigilan mo na ang pang-aasar mo sa akin. Hindi niya din naman ako pinapansin..." Sabi ko at inilagay ang braso para tumakip sa mata ko.
"Nag-away po ba kayo?"
"Oo na hindi. Basta! Hindi ko alam dahil naguguluhan ako sa kaniya."
"Ganun po ba, gusto mo po bang tulungan ko kayong magbati?" Sabi niya kaya napaupo ako at tinignan siya.
"Tutulungan mo talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko at sunod-sunod naman siyang tumango.
***
Thursday na ngayon at nandito ako sa park. Nakaupo ako ngayon sa isang bench habang naghihintay tulad ng napag-usapan namin ni Princess.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...