CHAPTER 39

1.1K 38 0
                                    


Xian's POV


Andito ako ngayon sa gymnasium at nag-aayos ng gamit ko. Kakatapos lang kasi ng practice namin kaya pagod kaming lahat. Nang makapagpahinga saglit ay nagshower na ako habang 'yung iba naman ay nagpaalam na uuwi na.


Mabilis lang akong natapos dahil naalala ko si tabs na maghihintay pala sa akin. Inaayos ko na 'yung mga gamit ko ng may maramdaman akong lumapit sa akin kaya lumingon ako agad dahil akala ko si tabs na pero ibang tao ang nakita ko.


"Hello!"


Tinignan ko siyang maigi mula ulo hanggang paa at inalala kung saan ko siya nakita dati.


"Have we ever met before?" Tanong ko sa kaniya na siyang kinagulat niya.


"H-hindi mo ba 'ko naaalala?" Tanong niya kaya tumango ako. Lumapit siya sa akin at huminga ng malalim bago ako tinignan sa mata. "Whatever, I'am Madonna Valer, the one and only."


Nagtataka ko naman siyang tinignan at inalalang mabuti kung saan at kailan ko siya huling nakita.


"Wait, ikaw 'yung isa sa mga babaeng kasama ni tabs papunta sa office ni lolo 'di ba? 'Yung suspended dahil sa ginawa niyo sa kaniya?" Tuwang-tuwang sabi ko ng sa wakas ay naalala ko siya.


Napairap naman siya sa akin at nag-cross arms pa sa harap ko kaya napatigil ako sa pagtawa.


"Yeah right, ang ganda namang scenario ang maaalala mo para lang sa'kin at grabe, tuwang-tuwa ka pa." Sarkastikong sabi niya at inirapan ulit ako.


"Tss pasalamat ka pa nga at naalala ko."


"Let's move on from that topic okay?" Nakangiting sabi niya at lumapit sa akin. Humawak siya sa leeg ko at tinignan ako ng malagkit. "Can we dance for a while?"


"I'm sorry but I need to go." Akmang tatalikod na ako sa kaniya ng bigla niyang hilahin ang kamay ko at ipayakap sa kaniya.


"Oh just a minute baby." Wala na akong nagawa ng magsimula na siyang gumiling."Baby Kayle?"


"Hmmm?"


"Do I look good?" Tanong niya at napansin ko ang pagpapacute niya sa akin.


Umikot siya ng pwesto pero nakahawak pa rin sa leeg ko at nakatingin pa rin sa akin.


"Or do I look seductive?" Tanong ulit niya ng hindi ko siya sagutin.


Dahil sa saliw ng tugtog na hindi ko napansing pinatugtog niya ay nakisabay na ako sa galaw niya.


"You know what... you're beautiful, sexy and I must admit that you're very good at dancing." Nakangiting sabi ko sa kaniya at inikot siya hanggang sa masalo ko sa mga braso ko.


"Then can I be your girl?" Malanding tanong naman niya at napansin ko ang paglapit ng mukha niya sa akin habang ang mga kamay niya ay nagpunta sa may batok ko.


Umiling-iling ako sa kaniya at walang pakundangan ko siyang binitawan.


"Why did you do that?!"


"Gusto ko lang gisingin ka." Kibit-balikat kong tugon kaya napayuko siya.


"You said that I'm beautiful, sexy and I have a talent in dancing but why can't you like me? Isn't because of someone else?"


"Yeah you're right. I already like someone. She mightn't pretty as you, even she doesn't have plenty of money but for me she is the perfect girl that I want to be with."

Inangat ko ang mukha niya at hinarap sa akin. Nakita ko ang pag-agos ng luha niya at kahit hindi ko man gustuhing makita ay wala akong magagawa. Mas gusto kong magising na siya sa mga sasabihin ko para hindi na niya ipagpilitan pa lalo ang sarili niya.

"Listen, even if you have all the beautiful things on earth kung hindi naman kagandahan 'yang ugali mo hindi mo pa rin makukuha lahat ng gusto mo. Maganda ka and I'm sure maraming nagkakagusto sa'yo, so stop from flirting with me."


Natahimik siya at natulala lang kaya tumayo na ako pero bago ako makalabas ay nagsalita ulit siya.


"Is that the scholar? A-amethyst Biazon? Is she the reason why can't you be mine?" Tanong niya na siyang ikinangiti ko.


"Yeah because my heart was already taken by her. Amethyst Biazon, my tabs, my one and only." Pang-gagaya ko sa kung paano siya nagpakilala kanina.


Iniwan ko na lang siya doon at lumingon-lingon sa paligid para sana hanapin si tabs. Feel ko kasi ay namiss ko agad siya matapos ng huling pagkikita namin sa cafeteria.


"Anong oras na, bakit wala pa rin siya?" Tanong ko matapos tignan ang wrist watch ko.

Nalibot ko na ang buong paligid ng gymnasium pero hindi ko pa rin siya nahahanap, pati na rin sa last class niya pero wala pa rin. Habang lumilipas tuloy ang oras ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at pag-aalala.


"Saan ka naman kaya nagpunta?" Kinakabahang tanong ko sa sarili habang nasa loob ng kotse.


Naisip kong tawagan ang landline sa bahay at nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nilang kanina pa pala andun si tabs. Mabilis akong nagmaneho papunta sa bahay at agad ding bumaba para pumasok sa loob.


"Asan siya yaya?" Tanong ko kay yaya Perla ng masalubong ko siya sa living room.


"Nasa kwarto niya at nagpapahinga siguro. Kanina kasi ay parang pagod na pagod siyang hinatid ni Jeff dito."


"T-teka ni Jeff?" Takang tanong ko at tumango siya.


Ang alam 'ko ay ayaw ipaalam ni tabs kahit kanino na dito siya nakatira kaya paanong magpapahatid siya kay Jeff? At paanong napagod siya pagkarating dito?


"Hey tabs!"


Katok ako ng katok sa pinto pero wala namang sumasagot. Mabuti na lang at may extra key ako ng kwarto niya kaya naisipan kong buksan na lang ang pinto gamit ang susi ko.


"Hey!"


Nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot kaya hinila ko ito.


"A-ano b-ba!" Nauutal na sabi niya at nagtakip naman ng unan.


"Bakit hindi mo 'ko hinintay?" Inis na sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakatakip ng unan sa mukha niya.


"A-ayoko lang hintayin ka!" Sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakatakip ng unan. Wala akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya.


"Ano bang problema? S-sabi ni yaya Perla ay hinatid ka raw ni Jeff dito kanina." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya lang ako sinagot. "Ang akala ko ba ay hindi dapat malaman ng iba?"


Hindi pa rin niya ako sinasagot kaya hinawakan ko siya sa balikat pero agad niya itong hinawi at mabilis na bumangon.


"Ano bang---"


Napatigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako sa mukha niya. Pulang-pula ang mata niya at basang-basa ang mukha niya.


"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko at akmang hahawakan ko siya pero tinapik niya lang ang kamay ko.


"L-lumabas ka na!" Sabi niya at tinuro ang pinto.


"Pero..."


"Please lumabas ka na!" Sabi niya at itinulak na nga ako palabas.


Nanatili ako sa labas ng kwarto niya at nagtataka ako sa mga ikinilos niya. Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko ngayon.


Hindi ba't dapat ako ang magalit dahil iniwan niya ako? Tapos kasabay niya pang umuwi si Jeff! At isa pa, bakit siya umiiyak? Sinaktan ba siya ni Jeff?!


"Aish ano ba talagang problema ng babaing 'yun at pinag-aalala ako?"


*****

Vote.Comment.Share

~Binibining_Mika

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon