CHAPTER 69

1.2K 24 0
                                    


Xian's POV

Matapos niyang putulin ang tawag ay napamura na lang ako at napahilamos sa mukha ko.

"Ano bang ginagawa niya? Bakit niya 'to ginagawa?" Sabi ko at napapadyak dahil sa inis.

"Calm down." Sabi ni mommy at yinakap ako.

Hindi ko lubos maisip na nangyayari ang lahat ng ito.

"Saan ko sila hahanapin mom? Baka kung anong gawin niya kay tabs kapag hindi---"

"Everything will be alright." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Napabuntong hininga na lang ako at agad tumayo. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tumingin sa kaniya.

"Mom, hahanapin ko lang siya at promise babalik ako dito." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Lalabas na sana ako pero may naalala ako at lumingon muli sa kaniya. "And mom... mahal na mahal ka niya so if ever na maayos na nga ang lahat, sasama ka ba sa'kin pauwi kay dad?"

Napatango na lang ako ng ngumiti siya sa akin. Pagkatapos nun ay naisipan kong tumalikod na at nagmadaling tumakbo papunta sa tinutuluyan namin. Mabuti na lang at tumila na rin ang ulan kaya't mabilis akong nakabalik.

Dumiretsyo ako sa kwarto ni tabs pero wala talaga siya doon. Pinuntahan ko rin ang naging kwarto ni Warren pero kahit siya ay wala din. Mukhang napaghandaan na ito ng loko at kahit 'yung mga katulong dito ay walang alam kung nasaan siya. Nag-umpisa na naman tuloy akong mataranta at hindi na alam ang uunahin.

"Jeff." Sabi ko ng makita siya na naglalakad pababa.

Andito ako ngayon sa sala at sinusubukang mag-isip ng gagawin, pero ewan ko ba at kahit anong isip ko ay walang pumapasok sa utak ko.

"I need your help." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

Napabuntong-hininga tuloy ako at inayos ang sarili ko. Huminahon ka Xian at kalimutan mo muna 'yung nangyari sa inyo. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas si tabs.

"Tulungan mo kong hanapin si tabs."

"Asan ba siya?"

"Kinuha siya ni Warren." Sabi ko na nagpaatras sa kaniya.

Agad siyang tumakbo pabalik sa taas pero maya-maya lang ay hinihingal na bumalik ulit siya sa pwesto niya kanina.

"Nasaan siya?!" Gigil na sabi niya at kinuwelyuhan ako.

"Hindi ko alam pero tinawagan niya ako at sinabing kinuha niya si tabs." Sabi ko kaya binitawan niya ako.

"At bakit niya naman kukunin si Amy?"

"I'm not sure but I think he's doing this for a revenge." Sabi ko na lang at pabagsak na umupo sa sofa.

Umakyat ulit siya sa taas at pagbalik niya ay kasama niya na 'yung iba.

"Asan si Amy girl?" Tanong ni Madonna at napasapo sa noo niya.

Ikinuwento ko naman ang usapan namin kanina at ipinaliwanag ko rin ang maaaring dahilan kung bakit niya ito kinuha.

"I knew it... Since the first time that I saw him at the campus, I already know that he has a reason and a while ago, I doubt at him when he dragged Amy's foot. If you know how to swim, you should also know that swimming beneath a person who's drowning is a dangerous thing because s/he might kick your head but in spite of knowing that, he still did it without a hesitation. " Sabi ni Dan.

"Pero malay niyo dahil gusto niya lang mailigtas 'yung babaeng 'yun ay hindi niya na naisip 'yan." Sabi naman ni Trish na ikinalingon namin sa kaniya.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon