Jeff's POV
Naglalakad ako sa may hallway ng old building papunta sa kings room. Naiwan ko kasi iyong cellphone ko doon kanina.
Sumisipol pa ako habang naglalakad nang may bigla akong narinig na kumakalabog. Nakakaasar! Bakit kasi naiwan ko pa iyong cellphone ko doon. Tinatamad pa naman ako ngayon kaya dito ako dumaan sa old building dahil ito ang pinakamalapit na way papuntang kings room.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko pero wala namang tao. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad kahit na mas lalong lumalakas ang ingay na naririnig ko.
Hala baka may multo dito! Anong oras na kaya imposibleng may istudyante pa dito! Uuwi na ba ako at ipagpapabukas ko na lang ang pagkuha sa cellphone ko?
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang kung ano-ano ng makalapit ako sa may storage room. Parang doon kasi nanggagaling ang ingay na naririnig ko.
Dahan-dahan ko itong pinuntahan pero nang nasa harap na ako nito ay biglang tumigil ang kalabog. Tatalikod na sana ako at dederetsyo na para kunin iyong phone ko ng may marinig naman akong parang umiiyak. Mahina lang ito pero sigurado akong galing ito sa loob ng storage room.
Sh*t! May m-multo ba talaga sa loob?
Mas lalo tuloy akong kinabahan. One fact about me is takot ako sa multo. Ewan ko ba kung bakit pero basta natatakot ako sa mga multo kahit hindi ko naman alam kung nag e-exist talaga sila.
Wala pa naman akong nababalitaan dito sa campus about ghost pero biglang nagtaasan ang balahibo ko sa isiping meron nga at ito ang naririnig kong umiiyak ngayon!
Shit! Para naman akong bakla nito! Kung buksan ko na lang kaya ang pinto para matapos na? Oo tama bubuksan ko!
Pero teka! Pwede rin naman kasi akong umalis na lang at isiping wala akong narinig 'di ba? Hays ang gulo ko! Ano ba talaga?!
"Tao po! May tao pa po ba dyan? Pakiusap tulungan niyo ako!"
Bumalik lang ako sa sarili ko at napatingin agad sa pinto ng may narinig akong sumigaw. Lumapit ako lalo dito para makasiguro sa narinig.
"May tao ba diyan?" Tanong ko sa kung sino man ang nasa loob.
"Oo meron tulungan mo ko please!" Boses iyon ng isang babae.
Hindi man ako sigurado kung tao ba talaga ang nasa loob ay inalis ko pa rin ang harang na nasa pinto at binuksan ito.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang tumambad sa akin ang isang tao at hindi isang mutlo. Si scholar ito at umiiyak. Nang makita niya ako ay agad niya akong yinakap at mas lalong umiyak.
"S-salamat. Salamat at dumating ka!" Tuwang-tuwang sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
"Ah eh..."
Wala akong nagawa nang yakapin niya ako kahit na madumi siya at basa dahil siguro sa kakaiyak. Maya-maya pa ay biglang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at nang tignan ko siya ay nakatulog na pala ito.
Binuhat ko na lang siya at dinala sa may kotse ko. Inihiga ko siya sa back seat at tinitigan ang itsura niya habang mahimbing na natutulog. Hindi ko alam kung bakit ang dumi-dumi niya ngayon at parang pagod na pagod pero panigurado ay kanina pa siya nandoon sa storage room.
"Hay nako. Saan naman kita dadalhin ngayon eh hindi ko alam kung saan ka nakatira? Pati iyong cellphone ko ay hindi ko pa nakuha nang dahil sa iyo."Namomroblema kong sabi.
Dumiretsyo na lang ako sa bahay dahil hindi ko alam kung saan nakatira ang babaeng ito. Naabutan ko naman si Mommy na nasa sala.
Natigilan naman siya ng makitang may buhat akong isang babae.
"Oh who's this girl?"
Pinagmasdan niya ito ng maigi at nagtaka ako sa paraan ng pagtitig niya.
"I'll tell you later mom." Sabi ko na lang sa kaniya at pinunta na si scholar sa guest room.
Nang makarating kami sa loob ay inihiga ko na siya. Matapos kong iayos ang pagkakahiga niya ay lumabas na rin ako at nakita ko doon si mommy na nakangiti.
"Now tell me. Who's that girl?" She said with a meaningful smile.
"Mom she's not my girlfriend if that's what you think and please stop from smiling." Nakasimangot ko namang sabi dahil alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya.
"Omy Jefferson! You're so defensive. I'm just asking who she is."
Mariin ko siyang tinitigan at hindi man lang mawala-wala ang makahulugang ngiti sa labi niya.
"Mom I said stop it. She's just my classmate okay? Nothing more, nothing less."
Tumango-tango naman siya pero halata mong hindi pa rin siya kumbinsido. Kakaiba talaga itong mother ko. Para siyang teenager kung umasta at para lang kaming mag-tropa kung titignan. But of course I know my limitations kaya hindi nawawala ang respeto.
"Hahaha sabi mo eh. I just noticed na kahit madumi siya ay maganda siya so I thought she's your girl." she said and she winked at me."Haha expect that I will tell this to your sister." Then mabilis siyang tumalikod sa akin.
Akma pa akong hahabol para sana patigilin siya sa pagsabi kay ate pero mabilis na siyang nakapasok sa kwarto niya at agad itong sinara.
Si ate Jessie nga pala yung older sister ko. Nakatira siya ngayon sa US dahil may business kami doon and siya yung naghahandle. Close kami ni ate Jessie kaya halos lahat ng nangyayari sa buhay ko ay alam niya. Si ate Jessie yung mas nakakaalam ng past relationship ko kaysa sa parents ko and alam niya kung gaano ako nasaktan noon kaya panigurado ay uuwi si ate dito from state if malaman niyang may babae akong dinala dito.
Pumunta na lang ako sa dining room at kumain. Inutusan ko na rin ang isa sa mga maid namin na punasan at bihisan si scholar gamit yung naiwang damit ni Ate Jessie.
Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan ko munang pumunta sa guess room.
Naabutan ko doon si scholar na mahimbing sa pagkakatulog. Lumapit ako sa kaniya at inayos ko yung kumot niya.Tinanggal ko rin muna yung salamin niya at umupo ako sa may gilid ng bed.
"Ang ganda mo pala kapag ganyan ka, para kang angel." Wala sa sariling sabi ko at inilagay yung hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
Totoo ang ganda niya kapag walang salamin. Maganda rin naman siya kahit suot niya yun pero mukha siyang nerd lalo na't ang hilig niyang mag-braid ng buhok. Kung titignan din siya kapag gising ay parang ang tapang niya pero nang makita ko siyang umiiyak kanina ay para siyang fragile thing,mahirap hawakan dahil madaling mabasag at masira.
At dahil tuloy sa pagiging fragile niya sa paningin ko ay may nagu-urge sa akin na alagaan at protektahan siya.Parang parehas lang kasi kami ng situation noon pero siya ay nagagawa niyang ipakitang malakas siya sa paningin ng iba.
What if naging palaban din ako noon? What if hindi ako nagpadala sa kaniya? What if hindi ko siya nakilala? Magiging gan'to kaya ako ngayon? Magiging masaya ba ako o magiging loner pa rin?
"Aish people can't really answer their own question."
Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan siya.Tumagilid siya ng unti kaya nakaside view na siya sa akin ngayon.
Bigla tuloy akong may namukhaan sa kaniya.Hindi kaya siya yung babaeng yun?Pero parang napaka-imposible naman kasi ang laking pinagkaiba nung nakita ko noon kaysa sa kaniya?
Tsk tsk mukhang kailangan ko nang matulog kasi kung ano-ano nang napapansin ko.
***
Vote.Comment.Share
~Binibining_Mika
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...