Amy's POV"Good morning!" Bati ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin ng comfort room.
Mabilis kong ginawa ang morning routine ko at lumabas na ng kwarto pero napatigil ako ng may nakatambay sa gilid ng pinto ko.
"A-anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kaniya pero lumapit lang siya sa akin at kinorner na naman ako sa pader.
"Pinagbigyan kita noong mga nakaraang araw pero ngayon sagutin mo 'ko." Sabi niya at mas inilapit ang mukha sa akin."Bakit ba ang sungit mo sa'kin?"
"Ang alam 'ko masungit na talaga ako dati pa kaya bakit ngayon mo lang napansin?"
"I know pero bakit parang iniiwasan mo 'ko?" Tanong niya ulit at mataman akong tinignan.
Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretsyo at hindi ko alam kung saan ako lilingon dahil masyado na siyang malapit sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nauubusan ako ng hininga dahil sa sobrang lapit niya.
"Hays ewan ko sa'yo!" Sabi ko at itinulak siya para makaalis na ako.
Dumiretsyo ako sa kusina at nakita ko doong nagluluto si yaya Perla.
"Oh iha andiyan ka na pala. Bakit parang hinihingal ka?"
"Ahh w-wala po ito." Sabi ko at biglang sumulpot si pangit sa gilid ko.
Umupo naman siya sa harapan ko at pinagmasdan ako.
"Yaya, sa tingin mo bakit hindi namamansin ang isang tao?" Tanong ni pangit kay yaya Perla na busy sa pagluluto.
"Depende iyan sa sitwasyon, pero para sa akin hindi namamansin ang isang tao kung may nagawa kang mali sa kaniya." Sagot naman nito at hindi pa rin lumilingon sa amin.
Kunot-noo akong sinulyapan ni pangit kaya taas kilay ko siyang tinignan.
"Tama ka diyan yaya Perla." Tumatango-tangong tugon ko."Tapos yaya, hindi po ba mahirap kung 'yung kasalanan mo ay hindi mo alam?"
"Aba oo naman! Napakahirap niyan dahil hindi mo alam kung anong ihihingi mo ng tawad."
"Kaya nga yaya Perla paano ka makakahingi ng tawad kung ganun 'di ba?" Nakasimangot na sabi naman ni pangit pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Aba kay aga-aga pa eh kung ano-ano na ang mga itinatanong niyo sa akin! Mabuti pa't kumain na kayo ngayon para makapasok kayo ng maaga."
Tumango ako at sinunod na lang si yaya. Nang matapos naman ako ay nagmadali akong magbihis at lumabas na, ni hindi ko man lang pinansin kung nakaalis na rin siya.
*Beep Beep Beep*
Nakarinig ako ng sunod-sunod na busina pero hindi ko pa rin ito pinansin at gumilid na lang pero ilang beses na pagbusina pa ay narindi na ako kaya agad akong humarap sa likod.
"Ang lawak-lawak po ng daan tapos--"
Pagkalingon ko sa likod ay nagtaka ako ng makita ko ang kotse ni pangit. Tinignan ko siya sa loob at nakakainis lang dahil pinagtatawanan niya ako matapos kong magsisigaw.
"H-hoy nababaliw ka na ba? Ang lawak-lawak ng daan tapos magbubusina ka ng napakalakas?!"
"Pfft sumakay ka na kasi!"
"Bahala ka diyan sa buhay mo!" Inis kong sabi at binilisan ang paglalakad palabas sa village.
"Hoy tabs kung hindi ka pa sasakay dito ay ako na ang magbubuhat sa'yo!" Sigaw niya at bumusina ulit pero patuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinakinggan.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...