Amy's POVLunes na at nandito na naman ako sa school. Matapos ng nangyari noong sabado ay hindi pa kami ulit nag-uusap ni Jeff. May alam siguro siya pero bakit mukhang hindi alam nila ate Jessie?
"Amethyst?"
Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daan ko. Alam niyo kung sino? Ang babae ni pangit.
"Bakit?"
Nakakapagtaka namang lapitan ako ng babaeng ito. Ni hindi kami close at kahit kailan ay hindi pa kami nakakapag-usap.
"Can we talk?" Tanong niya at nag-puppy eyes. Yuck! Ito ba ang nagustuhan ni pangit sa kaniya? Hindi bagay!
"Nag-uusap na tayo." Sabi ko at inirapan siya. Ewan ko ba, naiinis talaga ako sa babaing ito. Feel ko napakasama niya.
"Okay. Gusto ko lang naman makipagkaibigan." Sabi niya at nag-cross arms.
"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Wala kasi sa itsura niya ang makipagkaibigan.
"Yes."
Natawa naman ako at naiiling na tinignan siya. Hays nag-aaksaya lang ako ng panahon dito. Akmang aalis na ako nang harangan niya ulit ang daanan ko.
"Ano ba talagang gusto mo?" Seryosong tanong ko dahil alam kong may iba pa siyang dahilan para lapitan ako.
"You're really smart, you've got it easily. Gusto ko lang naman na layuan mo si Xian."
Tinignan ko naman siya ng nakataas ang kilay at hindi ko maiwasang mainis. Xian. Tinawag niya sa first name si pangit at sinabi niya sa akin noon na close lang niya ang tumatawag sa kaniya ng ganun. Ibig sabihin close talaga sila para hayaan ni pangit na tawagin siya nito ng ganun?
"At bakit ko siya lalayuan?"
"Ayoko lang na may kahati sa atensyon niya."
"Sorry pero ayoko. Tutor niya ako kaya hindi ko siya pwedeng layuan." Sabi ko at aalis na sana pero hinigit niya ng mahigpit ang braso ko.
"Stay away from him." Madiin niyang sabi pero tumawa lang ako.
"Eh bakit hindi na lang ikaw ang lumayo sa amin?"
"I'm his---"
Pinutol ko na ang sasabihin niya at marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Pag-aari ka niya? 'Yan na ba ang maipagmamalaki mo? Oh gosh! Para ka pa lang barbie." Natatawa kong sabi at lumapit sa kaniya. "Maganda ka pero walang utak. You're his toy but I'm sure, one day will come and mauumay siya sa'yo at itatapon ka lang rin niya."
Tinalikuran ko na siya pero humarap ulit ako at tinignan ko siya ulit mula ulo hanggang paa.
"And one more thing, I'm sorry if I thought you're a wild animal and not a toy." Sabi ko at naglakad na palayo sa kaniya.
Grabe! Hindi ko maisip na masasabi ko 'yun sa babaeng 'yun! And take note na english pa 'yun!
Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at naisipang magpunta muna sa locker room. Nang buksan ko ang locker ko ay napasimangot na lang ako ng makitang may sulat na namang nag-iwan dito.
'You're lucky Amethyst. I almost hit you.'
'Yan ang nakasulat sa papel. Ako pa daw ang lucky? At anong ibig sabihin niya sa 'I almost hit you'? Teka, siya ba 'yung muntik ng sumagasa sa'kin kahapon?
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...