Amy's POVLunes na ngayon at simula noong nagpunta kami ng park ay parang may nag-iba kay master--este pangit.
Lagi niya akong kinukulit at tinatanong ng kung ano-ano. Tulad na lang ng mga tanong na...
"Bakit ka umalis?"
"Natatandaan mo pa ba?"
"Anong nangyare?"
Paulit-ulit niya 'yang tinatanong sa akin sa halos isang linggong nakalipas at paulit-ulit ko ring sinasabi na wala akong alam sa mga pinagsasabi niya!
Napansin ko rin ang pagkakaroon niya ng care sa akin. Hindi naman sa assuming ako pero napansin ko lang talaga. Merong time na muntikan na akong madapa at mabangga, mabuti na lang at andyan siya lagi para iiwas ako. As in palaging siya ang kasama ko sa school o sa bahay man. Maliban na lang kapag tumatakas ako tulad ngayong umaga.
Kapag meron namang mga istudyante na tinitignan ako ng masama ay sinisigawan niya o kaya ay pinapalayas niya sa paligid namin.
Ang matindi pa diyan ay tinatawag niya akong tabs simula noong martes! Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako tinatawag na ganun.
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa kaniya. Kakaiba kasi siya kung umasta nitong mga nakaraang araw at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa mga nakikita kong pagbabago sa kaniya.
"Hay nako may kumukulam na yata sa kaniya." Naiiling kong sabi habang patuloy na naglalakad sa hallway ng building namin.
"Sinong kinukulam?" Sabi ni Jeff na bigla na lang tumabi sa akin.
"Ahh eh...Wala lang iyon! Kamusta ka na pala?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Are you hiding something? Sabihin mo na sa'kin. Tayo lang naman ang makakaalam. Promise hindi ko sasabihin sa iba!" Tumatawang sabi niya at hinarap ako sa kaniya.
Tinignan ko siya at hindi ko maiwasang mapansin ang cute niyang dimple habang tumatawa siya. Hays mas gumwapo tuloy siya sa paningin ko. Aaminin ko na. Crush ko si Jeff. Crush lang naman! Ang bait niya kasi sa akin simula pa lang noong una naming pagkikita at talagang magaan ang loob ko sa kaniya. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa kagwapuhan niya.
Hays. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kaniya once na makita mo siya diba? Mukha pa lang maganda na, pano pa kaya kung kikilalanin mo ng lubusan. Baka nga may ma-inlove agad dahil sa magandang ugali niya.
Bigla ko tuloy naalala iyong sinabi sa akin ni nanay noong martes nang magpunta kami sa bahay.
***
"Amethyst."
Andito kami ngayon sa kwarto at nagtutupi ng mga unting damit na naiwan ko. Akala ko kasi pansamantala lang ang pagtira ko kila pangit kaya hindi ko dinala lahat.
"Bakit po?"
"Kamusta? Kamusta ka na sa eskwelahan niyo? Mababait naman ba sila? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni nanay kaya napatigil ako sa ginagawa ko at naisip iyong mga tanong niya.
Kamusta ako? Kamusta ako sa school? Maayos naman ba ang pakikitungo nila sa akin? Ayos nga ba talaga ako? Lahat yata ng mga iyan ay dapat talagang tanong ko sa sarili ko.
Na-bully, may utang, naging katulong, naging tutor ng isang lalaki na hindi ko ginustong makasalamuha. Masasabi ko bang ayos lang ako?
"Ah nay..."
"May problema ba anak?"
"Hehe wala po nay. Ayos lang po ako. Masaya nga po eh kasi may kaibigan agad ako." Nakangiti kong sabi at inalala na lang si Jeff.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...