Xian's POV"Good morning mga bro!" Masiglang bati ni Len pagpasok niya.
Wednesday na ngayon at nasa kings room kami. Kakarating lang ng kambal at naabutan nila kaming may kaniya-kaniyang ginagawa.
"Bro anong nangyari kay Amy kahapon?" Napalingon naman si Jeff kay Nel ng tanungin siya nito.
Kanina ko pa nga gustong itanong 'yan dahil simula pa kahapon ay ang dami ng tanong na nabuo sa isipan ko.
"She's suffering from nyctophobia, fear of darkness and I think since birth na iyon."
"Ah kaya pala, pero pinopormahan mo siya bro?" Mapang-asar na tanong ni Nel.
"Of course not."
"What if bro mabalita na lang sa buong campus na ang pinakamatinik sa chicks na si Jefferson Espiritu ay nililigawan ang nag-iisang scholar sa WA?" Asar din ni Len sa kaniya.
"Grabe naman iyan bro!"
"But seriously, anong meron sa kaniya kaya sobra ang pag-aalala mo kahapon?"
Natahimik naman bigla si Jeff at parang napaisip. Maya-maya lang ay bigla siyang tumawa kaya nagkatinginan kaming lahat.
"Bro?" Nagtatakang tanong ni Dan sa kaniya na kanina ay naka-headset lang.
"Hahaha I just remember the first day that I saw her. She looks like a kiddo who cries a lot and maybe that's one of the reason why I care for her. I felt like I have a little sister."
Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtawa niya kaya naiiling na tumayo ako at lumabas ng room. Tinatawag ako ni Len pero hindi ko na sila nilingon at nagtuloy-tuloy lang ako dahil bigla akong nawalan ng gana.
Naglalakad ako ngayon sa may hallway ng makita kong pumasok sa locker room si scholar. Sinundan ko siya at nakita kong nilalagay niya ang ibang gamit niya sa loob at kumukuha ng libro.
Lumapit naman ako sa kaniya pero hindi niya napansin dahil nakaharang ang pinto ng locker niya. Nang isarado niya naman ito ay nagulat siya ng makita akong nakasandal at nakatingin sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya sa akin.
I go near her and cornered her. Mas lalo naman siyang nalito sa ikinilos ko.
"Ano na namang problema mo?" She asked but I didn't answer her.
Instead, I asked her an out of nowhere question.
"Bakit close na agad kayo ni Jeff?"
"At bakit mo tinatanong?"
"Aish sagutin mo na lang ang tanong ko." Inis na sumbat ko nguniy tinarayan niya muna ako bago sagutin.
"Magkaibigan kami. Bakit ba?"
"Kailan pa? Saan? Tss nevermind."
Matapos noon ay iniwan ko agad siyang nagtataka. Umalis na lang ako basta basta at hindi na siya nilingon pa.
Arggh really? Bakit kailangan ko pang itanong ang mga iyon?!
*****
Amy's POV
"Akala ko sisingilin niya na naman ako." Wala sa sariling sabi ko nang maisip na naman ang kataka-takang eksena kanina.
Nakakapagtaka naman talaga. Tatanungin niya ako tapos bigla na lang siya aalis?
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...