Xian's POV"Hmmm..."
Ang sakit ng likod ko. Para akong nabugbog dahil hindi ako sanay na mahiga sa sofa. Teka anong oras na ba?
Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 10 o'clock na. Masyado 'yatang napahaba ang tulog ko. Bumangon na ako at nakita ko sa kama si tabs na mahimbing na natutulog.
"Papatayin niya yata ako sa pag-aalala." Bulong ko ng maalala ang nangyari kagabi.
***
"Please ayoko dito..."
Nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung tulog na siya o ano pero nararamdaman ko ang mabilis at malalalim na paghinga niya.
"Hey tabs..." Sabi ko at aalis sana pero hinila niya ulit ako.
"Please dito ka lang!" Sabi niya at naririnig ko ang mga hikbi niya.
Inalis ko ang pagkakatalukbong sa kaniya ng comforter at nakita ko siyang umiiyak.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko at pinahid ang mga luha niya.
"Baka nandyan siya please 'wag mo kong ibibigay sa kaniya!" Nakapikit na sabi niya at hindi niya mapigilan ang malakas niyang paghikbi.
"I'm here, don't cry now. Hindi kita iiwan at ibibigay sa kaniya okay?" Sabi ko at yinakap siya.
Hinaplos ko rin ang buhok at likod niya para pakalmahin siya. Maya-maya lang ay medyo umayos na ang paghinga niya kaya alam kong nakatulog na siya. Inayos ko siya ng higa at pinagmasdan siyang mukhang napagod sa kakaiyak.
"Hays paano ako makakatulog nito?" Namomroblema kong sabi habang inaalala siya.
Baka mamaya ay may bigla na lang sumulpot dito at saktan siya o kaya kunin siya base sa sinasabi niya.
Napatingin ako sa sofa na nasa gilid ng kwarto at naisip kong dito na lang matulog.
***
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya kagabi pero mukhang takot na takot siya tulad noong ikinulong kami sa music room.
"Ano kayang nangyari sa'yo?" Tanong ko at lumapit sa kaniya para mapagmasdan ang maamo niyang mukha.
Wala sa kaniya ang salamin niya kaya kitang-kita ko ngayon ang kagandahan ng mukha niya kapag walang malaking salamin.
Hinaplos ko rin ang malambot niyang pisngi at napangiti na lang ako sa hindi ko malamang dahilan. Ganito talaga ang epekto niya sa'kin, ginagawa niya 'kong baliw kahit wala siyang ginagawa.
"Teka bakit ka andito?" Sabi niya at agad na napaupo ng magising siya sa paghaplos ko. Napahawak tuloy siya sa ulo niya dahil siguro sa hilo.
"Magdahan-dahan ka nga. Wala akong ginawa sa'yo okay?" Mahinahon kong sabi at hinilot ang ulo niya.
"Eh bakit ka ba kasi andito?" Tanong niya ng medyo umayos na siguro ang pakiramdam niya.
"Nakalimutan mo ba 'yung ginawa mo kagabi?" Sabi ko at tinignan siya ng maigi.
Nag-isip naman siya at parang nahihiya habang nagiisip kung ano ang posible niyang ginawa kagabi.
"Sabihin mo nga... May kalokohan o kung ano-ano ba 'kong nasabi?"
Tinaasan ko siya ng kilay at natawa ng kaunti dahil parang kinakabahan siya.
"Tss meron...ang sabi mo ang pogi pogi ko tapos crush na crush mo 'ko."
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Teen FictionThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...